Chapter 13

120 7 0
                                    

Chapter 13

Mark

Nagising akong may masakit sa batok ko "Aray." daing ko

Hawak hawak ko itong bumangon, hindi lang siguro maayos ang posisyon ko pagtulog. Gaya ng nakagawian ginawa ko na ang routine ko.

Liligo, bibihis, kakain, gora!

Tahimik ako naglalakad sa hallway papunta sa classroom. Inexercise ko pa ang leeg ko habang pumasok sa loob.

Wala pa naman akong salonpas hays!

Habang hawak ko ang batok ko ay napatingin ako sa bintana at nakita ko ang mga prinsipe at prinsesa na naghahanda para sa kanilang pag alis.

Mawawala ang mga ito ng isang buwan para sa kanilang misyon. I know masyadong matagal ang isang buwan, dahil ang pupuntahan nilang lugar ay mayroong mabagal na takbo ng araw at oras.

Kumbaga dito ang isang linggo ay katumbas lamang ng isang araw sa kanilang pupuntahan. Sumatotal apat na araw lamang ang kanilang misyon doon, pero isang buwan dito.

Ang rason kaya inexcuse ako nila kahapon ay dahil aalis nga daw sila at matagal na hindi makakasama kaya nagkaroon ng salusalo bago sila umalis.

Guess who's lucky?

"Malungkot ka ah? Aalis sila." biglang salita ni Franchesca. Mukhang kanina pa ito naririto para mapansin ako

Hindi ako sumagot

"Nagpaalam ka ba sa kanila?" umoo ako habang nakahawak sa batok

Napansin ito niya ito

"Anyare dyan???" tanong nito

"Ang sakit kasi ng batok ko kanina pa to paggising ko di yata maganda posisyon ko pagtulog." dahilan ko

May kinuha ito sa kanyang bag. "Akina lalagyan ko ng salonpas." ayun! Buti na lang meron ang babaeng to

Tumayo ito at pumunta sa likuran ko at hinawi ang buhok kong nakalugay

"Cassandra yung totoo? Di naman to sa pagtulog mo eh!" agad akong napaharap dito at lalong sumakit ang batok ko

"A-ano?"

"Cassandra Dwayne alam mo yung sinampal na bumakat ang palad? Parang kang sinampal ng korona sa batok eh! Yung totoo!" sinasabi nito?!

"Staph fooling me ilagay mo na lang yung salonpas please." walang gana kong utos dito eh bigay na lang nya yun haha

"Nope! Felix parto ka!" nanlaki ang mata ko sa pagtawag nito

Bitch!

Kaladkarin naman tong si Felix, pumunta agad!

"Bakit?" tanong nito kay Franchesca

"Spectation please." sabay pakita nito ng batok ko.

Wtf

"What happened here?" hinawakan pa nito ugh dont touch meh!

"I don't know basta paggising ko na lang masakit yan." napatango tango ito

May maitutulong ka ba ha kung wala shoo shoo!

"It's mark I think."

"Mark?? Wala akong marka sa batok ko." saan galing yug markang yun?!

"Perfectly crown shaped. Beautiful." wtf Felix? Hays gusto ko makita!

Cant even picture it!

"Naririnig ko na si sir guys upo na kayo dali!" sigaw ni Franchesca at agad na nagsibalikan sila

Throne of Withheld: Claiming BeginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon