Chapter 19
Hendrix
Nakakabagot
Nakakaburaot
Nakakaputi ng buhok
Nakakauta kapag wala kang magawa tapos gising na gising ka
Tinignan ko ang oras-
11:14 pm
“Hays!” simula nung umalis sila Vereesa, ang tahimik na.
Narito lang ako sa kama, nakahiga.
What to do ba?
Bakit ba kasi bawal ang gadgets dito?
Lumapit saki si Honor- ugh namiss kita!
He wagged his tail ng ipat ko ito- wait!
“Sino nag alaga sayo nung panahong wala akong malay??”
Oo nga no?
“Hoy sino nag alaga kay Honor ha?” okay para akong tangang kinakausap ang hangin
“Honor can take care of his self.” wait what?!
Tama ba narinig ko?
How?
Jusko ka Honor dami ko ng problema sumama ka pa!
Tinignan ko ulit ito at pinat hanggang sa may naisip ako
“Oooooooh…”
-
“Honor wag ka maingay ha hihi!” utos ko tsaka nilagayan ng beanie cap
Nagsuot naman ako ng black long coat at hinayaan ang buhok kong nakalaglag. Naglagay naman ako ng scarf para takluban ang leeg kong di pa okay.
“Tara na Honor!” yaya ko dito
“Arf arf!” mabilis kaming nakalabas dahil wala ng tao sa baba, well wala talagang tao dito dahil nasa mission sila…
Kailan kaya sila babalik?
Ng makababa kami sa first floor ay dahan dahan kaming lumakad ni Honor, hawak hawak ko ang tali nito.
“Yessy naman!” dali dali kaming naglakad pero maingat papunta sa Milverton park.
Malayo layo din ito sa royalty building pero worth it naman ang pagod mo dahil sa ganda nito.
Nagbigay liwanag ang mga poste na sunod sunod, kitang kita mo na puno ng bulaklak na tanging dito ko lang nakita at wala sa mortal world, napakalinis.
Mabagal kaming naglakad ni Honor na para bang ninanamnam ang bawat parte ng parke na ito.
“Arf arf!” tahol nito sa kawalan at bigla kong nabitawan ang tali nito, nagtatakbo ito palayo at naiwan akong nakatayo.
Babalik naman yun dito.
Namiss nya lang siguro lumabas kaya hinayaan ko muna ito.
Nang makaramdam ako ng pagod ay humanap ako ng bench na pinaka malapit at pumunta doon. Feeling ko ba ay nahohilo ako ng kaunti, pero isip isip ko ay pagod lang ito.
Duh kanina lang ako umalis ng clinic!
Bumabaluktot akong lumapit sa bench ng bigla ako matumba pero hindi…
May sumalo sa akin…
“Okay ka lang?” agad akong na angat ng tingin, isang lalaki ang inaalalayan ako ngayon.
“Ah O-oo salamat.” Tinulungan ako nitong makaupo sa bench
May lalaki pa din palang gentleman no?
Umupo din ito sa tabi ko… mabait is me!
I look at him- shit
Napamaang ako
Fvcking shit!
Sya yung lalaking nakita ko sa locker section!
“Im Hendrix and you are?” tanong nito habang di nakatingin sa akin
Dude nahihiya kaba sakin? Ako dapat eh!
“C-cassandra.” ngiti ko dito kahit alam kong di nya kita oo baliw ako eh
Iginala ko ang paningin ko, wala pa din si Honor. Saan na kaya nakarating yun?
“Anong ginagawa mo dito, alam mo bang bawal na lumabas ng ganitog oras?” tanong nito at ibinalik ang tingin sa kanya.
Sadyang napakagwapo nito lalo na sa kanyang hoodie na black na suot. Marupok ako…
“Eh ikaw bakit ka nasa labas?” checkmate pre
Tumawa ito, shit ang gwapo talaga.
“Di ako makatulog napagpasyahan kong magliwaliw muna.” ang gwapo din ng boses!
“Parehas tayo.” tumingin ito sakin habang nakangiti
Aww matuunaw ako wag kang ganyan.
Hindi na muling nagsalita na tila ba’y nagpapakiramdam ba.
Sandali pa’y napagpasyahan ko ng tumayo dahil medyo umokay na ang pakiramdam ko at dinadalawa na ng antok.
“Uhm thankyou ulit Hendrix ha? Mauuna na ako, hahanapin ko pa yung kadorm ko eh.” paalam ko
“Nope sasamahan na kita, gabing gabi na it’s not safe baka mapagtripan ka sa daan.” yieh
Di na ako umangal syempre gwapo eh lols de joke lang! Pero gwapo talaga eh hehehe
“Honor? Honor!” tawag ko dito
Naglakad lakad pa ako ng kaunti
“Honor!” nakita ko itong tumatakbo pabalik
“Arf arf arf!” finally youre here!
“Let’s go?” yaya nya at kinuha ko na ang tali ni Honor na nabitawan ko kanina
-
Tahimik kaming bumalik sa royalty building. Nagulat pa ito dahil dito ako nakalive in.
“I’m sorry my princess!” nabigla ako ng bigla itong lumuhod na para bang humihingi ng tawad
“What are you talking about Hendrix? hahaha!” umangat ang mukha nito
“Tumayo ka dyan, hindi ako prinsesa.” jusko naman hahaha
“Bakit dyan ka nakabuilding kung hindi?” oh…
“Alam mo ang totoo nyan hindi ko alam, nung nag alaman ng kingdom after nun dito ako inilagay para tumira.” paliwanag ko
“Really?” tanong nito na para bang nagdududa
“Promise Hendrix, hindi ako prinsesa. Im just a commoner like you.” kumagat ka
“If that so? Okay! You’re still a princess for me.” sabay talikod nito sakin
Nge?
“Goodnight my princess Cassandra!” what? Nagwave pa ito bago tuluyang umalis
Napailing iling na lang akong pumasok at umakyat na
“That guy…” napapangiti na lang ako
Hinubad ko ang coat ko at tinanggal na din ang beanie
“Let’s go to sleep na Honor?” yakag ko ng makasampa at sabay na pinatay ang ilaw.
__________________________
Short chap!
Any suggestion po?
BINABASA MO ANG
Throne of Withheld: Claiming Begins
FantasiA realistic girl named Cassandra Dwayne ang ipinadala ng kanyang pa'pa sa isang iskwelahang puno ng supresa, kung saan dito nag eexist ang mga bagay na buong buhay na akala nya ay sa libro lamang mayroon at kagagawan lamang ng malilikot na imahinasy...