Chapter 6
Meeting
*kruuukruuu
Kailangan ko na talaga kumain!
Muntik na akong madulas dahil sa linis ng sahig nito
Iba talaga pag gutom, lampa!
Pagkalabas ko ng elevator ay may humarang sa akin
“Who are you??” tanong ng isang lalaki habang nakakilo ang leeg nito
What? Sino ka din?
“E-excuse me po kuya.” Nabigla ito sa aking sinabi
Anong mali sa sinabi ko ha? Ha? Ha!
“Why are you here?” tanong naman sakin ng isang babae.
Napakaayos ng tindig nito at kitang kita mo na ito ay iginagalang. Berde ang mata nito at mukhang seryoso sa buhay.
Iba ang kanilang uniporme kaysa sa akin. Ang kanilang blazer ay kulay itim na puting kulay at kagaya ko ay mayroon ding pin ngunit may nakasabit pa ditong 3 lace yata ang tawag dun, nakalongsleeves din ang mga ito ngunit ang necktie at palda at pantalon ay checkered at iba’t iba ang kulay. Napansin ko ding may cape ito na kakulay din ng kanilang necktie at pang ibaba.
“Stop looking what we’re wearing. I said why are you here?” Seryosong tanong nito
Shocks nakakabasa din ito ng isip?!
“Ella, wag mo naman syang takutin. Hi! Ako nga pala si Zaviah and you are?” masayang pagpapakilala nito sa akin
Di naman sya mukhang nangpplastic, napakaganda at napaka amo ng mukha nito.
“Cassandra Dwayne...” maikling sagot ko
“So, Dwayne bakit ka narito? Alam mo bang bawal dito ang hindi royalty?” w-whaaaaaat?!
Nanlaki ang mata ko sa narinig
“P-pero dito yung room ko?” nagulat sila sa sinabi ko napatayo ang iba pang kasama nito na nandoon at nakikinig
BINABASA MO ANG
Throne of Withheld: Claiming Begins
FantasyA realistic girl named Cassandra Dwayne ang ipinadala ng kanyang pa'pa sa isang iskwelahang puno ng supresa, kung saan dito nag eexist ang mga bagay na buong buhay na akala nya ay sa libro lamang mayroon at kagagawan lamang ng malilikot na imahinasy...