Chapter 26
Announcement
Nagising ako sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko. Umikot ako at saka nakaramdam ng-
Nasa kwarto na ako?!
Last thing I remember nasa Natula kingdom ako… Shit!
Tiningnan ko agad ang orasan and shoooooot! 30 minutes before class!
Mabilis akong tumayo at kumilos
“Bilis bilis bilisss!” habang sinusuot ko ang blazer
Lumabas na ako ng building ng hindi tumitingin sa salamin oramismong nagteleport na ako papunta sa mismong upuan ko sa classroom.
*poof!
“Anyare sayo? Nabaliw ka na?” agang bungad na tanong sa akin ni Franchesca habang hawak hawak ang unicorn na ballpen
“Ughh look at yourself!” puna ni Jecerie nanlaki naman ang mata ko
Kinuha ko ang salamin sa bag ko at boom! Pak! Di pala ako nakapag suklay at sobrang naked ng mukha ko.
Franchesca and Jecerie gave me a damn look. And the next thing I knew? Hinahatak na ng suklay ang buhok ko at si Jecerie naman ay inaayusan ang mukha ko.
Tiningnan ko si Hendrix na bagong dating. Ay ang gwapo ng impact! “Kailan pa nagkaparlor dito?” sarkastikong tanong niya. Inabot ko ng sipa ang paa nya ng hindi gumagalaw ang katawan ko.
“Eh kasi naman tong kaibigan mo, dinaig pa ang broken hearted ang itsura kanina pagpasok” sabay hila ng suklay
“Putek dahan dahan naman oh madadala anit ko!” daing ko pero inulit nya
Ay uows!
Nakatingin pa din ako kay Hendrix na nagbubuklat ng notebook ay wooow totoo ba tong nakikita ko? Hahaha
“Tadaaah!” finally tapos na sila
Iniharap sa akin ni Jecerie ang salamin nya. “A-ang taray ko naman yata tingnan sa ayos ko?” tanging nasabi ko habang pinagmamasdan ko mukha ko. Arkong arko ang kanina’y dinaanan ng bagyo na kilay ko, nakadrunk blush na pinares naman ng gradient na toast of new york ng eb liptint.
Tila iba ang mukha ko ngayon, pang malakasan!
“Enough enough class ayos na may iaannounce ako…” sabi ng prof ng makarating sa lamesa nya. May dala itong gabundok na papel. Hooooo! Busy na naman!
“Pansamantala nyong itigil ang paglalakwatsa dahil bukas ang inyong exam…” napa ayyyyys na lang ang mga kaklase ko
Pero aba naman bakit ngayon lang nila sinabi? Ang dami kayang subject di kaya aralin yun ng lahatan!
“Expect the unexpected students dahil umaga ay acad exam at sa hapon naman ay combat exam…” lumala ang daing ng mga kaklase ko. Bubugbugin kami nito bukas!
Combat na naman! Ayaw ko ng combat! Sa acad na lang ako!
Hindi nagfunction ang utak ko para makinig, di ako mapakali! Paano na yung pangarap kong mapasama sa top 10? Eh sa combat laglag na ako?
“Okay class, kasama sa exam yung lesson natin ngayon. Have a great day students.” at saka umalis. Anong great day! Suck day kamo!
Napatingin ako sa desk ko na may nakapatong na pointers sa exam. Sa sobrang lutang ko diko namalayan na pinamigay to.
As usual niyaya na naman ako ni Hendrix. Saan pa nga ba? Sa cafeteria! Well di na din naman ako nakakain kanina sa pagmamadali.
“Pahingi naman ako ng notes sa lesson natin kanina please?” pagmamakaawa ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Throne of Withheld: Claiming Begins
FantasyA realistic girl named Cassandra Dwayne ang ipinadala ng kanyang pa'pa sa isang iskwelahang puno ng supresa, kung saan dito nag eexist ang mga bagay na buong buhay na akala nya ay sa libro lamang mayroon at kagagawan lamang ng malilikot na imahinasy...