Chapter 15
Private talk
* B E A S T’s POINT OF VIEW *
Dito ako dinala ng headmaster sa kanyang opisina, pinaalis pa nito ang lalaking nakaupo na tila naghihintay ito sa pagbabalik.
Kumumpas ito at narinig kong naglock ang pinto. Napansin ko din na nilagyan ito ng barrier para hindi marinig ang usapan namin. Mukhang napaka importante ng sasabihin nito sa akin.
“Alam kong alam mo na hijo.” panimula nito
Ano ang ibig sabihin nito na alam ko na?
“Matalik na kaibigan ko ang kanyang ina. At tumatayong ama sa kanya dito sa loob ng Milverton.”
Anong gusto nya ipahiwatig sa akin?
“Alam kong binasa mo ang nakaraan ni Cassandra nang kayo ay nasa circle.” nanlaki ang mata ko
Ibig sabihin??
“Alam ko ang lahat lahat ng ginagawa nyo, nakikita ko ito.” oh?
“At hinayaan kong mangyari iyon, dahil may tiwala ako sa iyo, Beast.” umawang ng kaunti ang bibig ko
Tumawa muna ito bago magsalita ulit
“Magseryoso na tayo.” di pa sya seryoso kanina?
“Ang lahat ng nangyayari kay Cassandra ngayon ay dulot na nalalapit na ang kanyang ikalabing-walo na kaarawan.”
“Paano pong may kinalaman?” tanong ko dito
“Nakatakda na mangyari ito hijo, walang gamot ang makakapang pagaling sa kanya.”
“Imposible iyon.” sagot ko
Di pwede!
“Kusang mawawala ang sakit pero ang marka ng korona ay hindi.” bakit?
“Ang korona sa kanyang batok ay simbolo na malapit na lumabas ang kanyang kapangyarihan, at alam kong alam mo ang kapangyarihan nya dahil binasa mo ang nakaraan nya.” paglilinaw nito
Totoo ang sinabi ng headmaster na alam ko ang kapangyarihan ni Cassandra.
“Sa oras na makaramdam ka ng pagbabago sa kanya, nais kong ikaw ay nasa tabi nya sa palagi. Bantayan mo sya sa lahat pagkakataon, ipagtanggol sa lahat ng oras at ipaglaban sa lahat ng umaapi.” tila nanigas ako sa kagustuhan nya
Alam kong nahihiya at ilang sakin ni Cassandra, kung kaya’t paano ko magagawa iyon?
“Ang pagkikita ninyong dalawa sa tren ay nakatakda para kayo ay magkakilala hijo. Ikaw ang protector nya. Ipinanganak ka para protektahan sya.” Wooooo! Buti na lang! Kala ko pinanganak ako para maghugas ng pinggan eh
“Sa oras na malaman ni Cassandra ang kapangyarihan nya…” kinabahan ako sa pagtigil nito
“…maaalarma na ang impostor.” Ano?!
*AAAAAAAAAHHHH!
“Oh kuya? Bakit ka napasigaw dyan???” nag aalalang tanong ni Isabelle
BINABASA MO ANG
Throne of Withheld: Claiming Begins
FantasyA realistic girl named Cassandra Dwayne ang ipinadala ng kanyang pa'pa sa isang iskwelahang puno ng supresa, kung saan dito nag eexist ang mga bagay na buong buhay na akala nya ay sa libro lamang mayroon at kagagawan lamang ng malilikot na imahinasy...