The Woman Who Cant Be Moved I

92 0 0
                                    

I

***

"Iha, andito ka na naman?"
"Ah, opo. Pasensya na. Gusto ko lang po kasi talaga ang lugar na to."
"Eh, hulaan ko. Espesyal ba ang lugar na to ineng?"

Ngiti na lang ang naisukli ko sa mamang surbetero na nagagawi sa lugar na ito araw-araw kaya kilala na niya ako. Palagi kasi ako dito.

Sa paborito kong park.

Ang pinakaespesyal at siya ring pinakamasakit na lugar para sakin.

Habang naglalakad, natanaw ko na ang paborito 'naming' pwesto. Isang mahabang bench sa ilalim ng puno.

Pagkaupo ko hindi ko maiwasang maalala ulit ang mga pinakamasaya ngunit pinakamasakit din na na experience ko.

Kasabay ng tugtog sa park ay ang pagbaha ng mga ala-ala.

🎶Going back to the corner where I first saw you. Gonna camp in my sleeping im not gonna move🎶

Nawawala na ako. Asan na ba kasi yung magaling kong kaibigan. Bigla na lang tumakbo kasi nakita daw niya idol niya. Ng biglang....

"Hoy manong, ibalik mo bag koooo!"

Hinablot lang naman ng manong ang bag ko. Bwesit na to. Nawawala na nga ako, mananakawan pa.

Kinapos na ko sa hininga sa kakahabol kaya napayuko ako at hinawakan ang tuhod ko. Sa pagbukas ng aking mata ay nakita ko ang isang pares ng sapatos na nakatayo sa harapan ko.

"Miss, eto na yung bag mo" sabay ngiti sakin.

Natulala ako.

"A-ahh. Maraming salamat kuya!"

Tumawa siya. Ang ganda pakinggan ng tawa niya.

"Wag kang magkuya sakin. Magkaedad lang ata tayo. My names Ash." sabay lahad ng kamay sakin.

"A-ahh. Ako n-naman si Angelique. Angel for short." saka inabot ang kamay mo.

"Nice meeting you Anj. So pano, alis na ko ha. Ingatan mo na yang bag mo." sabay ngiti ulit.

Tumango na lang ulit ako. Parang nalove at first sight ata ako.

Hindi ko alam na ang unang pagkikita natin eh masusundan pa. At nasundan pa hanggang sa naging magkaibigan na talaga tayo.

"Anj, san ka? Kita tayo sa fav place natin. Magdress ka. May sasbihin ako sayo."

"Oo na po. Bat ba kase Anj tawag mo saken? Diba sabi ko Angel?!"

"Ayaw mo nun? Ako lang tumatawag sayo ng Anj kaya special ako hahaha"

"O sige sige na. Papunta na ko. Bye"

Madilim na nung nakarating ako sa park. Nasurpresa talaga ako kasi bigla na lang umilaw ang mga puno. Kinabitan pala ng christmas lights. Sobrang ganda ng paligid.

Hindi ko alam na ang gabing yun pala ang pinakamasayang gabi na nangyari sa buhay ko. Kasi liligawan mo na pala ako.

"Anj. Shet, kinakabahan ako. Ehem. Di ko alam kung pano nagsimula to. Siguro nung unang kita ko sayo o yung mga gimik natin basta isang araw nagising na lang ako na gusto na kita. Gustong gusto kita. Anj, w-will you be my girl?" kinakabahang tanong mo.

Nabigla ako. Pero kasunod nun ang sobrang kasiyahan. Sinagot kita.

Naging tayo.

Nakabuo tayo ng isang matatag na relasyon. Nagkakaroon ng away pero walang natutulog basta hindi nareresolba ang away.

Kaya tumagal tayo ng isang taon.

Excited ako sa araw na yun kasi nga First Aniv natin. Tinawagan mo ko na magkikita ulit tayo sa fav place natin. Syempre, nagpaganda ako.

Dumating ako sa fav place natin pero nandun ka na. Naabutan pa kitang may katawag sa cellphone. Parang iiyak ka na kaya tumikhim ako. Napatingin ka sakin kaya binaba mo agad ang tawag.

Natakot ako sa mukha mo. Para kasing ibang tao ang kaharap ko. Iba ang aura. Nakamask ka din.

"Ash, bat ka nakamask?"

"Angel.."

Kumunot ang noo ko. Unang beses na tinawag mo kong angel. Pero ipinagwalang bahala ko na lang yun.

"Kanina ka pa ba? Matagal ka bang nag-intay? Sorry baby, medyo traffic eh. So san tayo kaka--"

"Lets break up." Parang tumigil sandali ang lahat. Walang kagatol-gatol mo yung sinabi.

"Hoy Ash! Ang layo pa ng April eh. Tsaka ano ba namang joke yan? Iba talaga sense of h--"

"Im serious here"

Napatigil ako. Sinalubong ko ang titig mo. Hindi ako iiyak. Hindi.

"Bakit? Anong ginawa ko?"

"Wala. I find this relationship boring. Sobrang tagal na to the point na wala ng sparks. Wala ng excitement. I fell out of love."

"Ahh. Ang galing naman. Samantalang kahapon, okay pa tayo ah. Sa loob ng isang araw nagbago agad? At kung may konsensya ka pa, wag naman sana sa araw na to!"

Di ko na napigilan. Umiyak ako. Pero nakatayo lang siya. Walang ginawa.

"I explained everything so goodbye"

"Ash naman eh! Wag naman ganito oh!" sabay hablot sa suot mo.

Nagpumiglas kaya nahulog sa mukha mo ang mask na suot mo.

Naestatwa ako.

"S-sino ka?" naisatinig ko sa kabila ng pagkabigla at pagkalito.

Naramdaman ko na lang na umikot bigla ang paligid at ang pagsalo ng mga bisig na lalaki.

***

Hi! If youre reading this, thank you so much for giving time to read my story. My heads kinda battling if im gonna post this or nah? But oh well, my passionate side won and so here i am hihi. Again, thank you so much and lovelots mwah!

Cuentos CortosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon