III
***
Sinama ako ng lalaking kahawig ni Ash sa isang malaking bahay. Pagpasok namin, tanging katahimikan ang sumalubong samin.
"Nandito ba si Ash? Gusto ko na siyang makita please"
"Wala siya dito"
"Eh bat mo ko dinala dito! Hindi ako nakikipagbiruan say--"
"Im Gray. Ash and I, were twins." Natigilan ako. Hindi ako umimik para magpatuloy siya.
"We were just kids nung nagsimula ang sakit niya. Nagsimula yun nung naglalaro kami ng habulan. Bigla na lang siyang natumba. Kinabahan ako nun. Nalaman na lang namin na may sakit sa puso si Ash. Since then, binabantayan ko na siya. Pinagbawalang mapagod. Pinagbawalang lumabas. Pero one time, tumakas siya sa bahay at nakipagkita sa mga kaibigan niya daw. Yung araw na yun, inatake si Ash. Nalaman naming dahil sa tinding pagtakbo ang ginawa niya para mahabol ang isang magnanakaw kaya inatake siya."
Tumulo ang luha ko. Ang araw na unang pagkikita namin. Kaya pala hingal na hingal siya at umalis agad.
"Nagalit sina mom at dad. Pinagsabihan na hindi na siya pedeng lumabas ulit. Pero ang isang yun ang tigas ng ulo. Lumalabas pa din. Tumatakas pa din. When I caught him, I punched him. Sa sobrang galit at pag-alala nasapak ko siya. Hindi kasi nadadala. Pero alam mo ba sinabi niya? Kelangan daw niyang puntahan ang babaeng nakilala niya kasi miss na niya."
Tuluyan na akong napahagulgol.
"Kaya ayun, hinayaan ko na. Hanggang sa naulit ng naulit ang pag-alis niya. Hanggang sa nahulog na nga siya sayo. Pinigilan ko siya ulit pero sabi niya unang beses daw siyang nagmahal kaya sana ibigay nalang namin sa kanya. Habang sinasabi niya yun, kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal sayo. Mas lalo akong natakot na baka dahil sa pag-ibig na yan mas lalala ang kalagayan niya."
"At tama nga ako, sa tuwing sobrang saya niya o di kayay nag-aaway kayo, nandito siya samin, na... nahihirapan at may k-kabit na oxygen."
Tumulo ang luha ni Gray. Grabe ang pagmamahal niya sa kapatid niya. Hindi ko siya masisisi. Pamilya sila. At sakit ng isa, sakit ng lahat.
"Sinabi nina mom na kelangan na niyang magpaopera sa states kasi di na kaya ng mga doctor dito pero nagmatigas siya. Kasi andito ka. Baka daw hanapin mo siya. Baka daw malungkot ka. Baka daw malimutan mo siya. Puro na lang ikaw! Sobra ang pagmamahal niya sayo. Kaya nung araw ng Anniversary niyo, pinainom ko siya ng pampatulog. Ako ang pumunta sayo at nakipagbreak sayo. Para tigilan mo na ang kapatid ko kasi ang lintek na pag-ibig na yan ang papatay sa kapatid ko!" Tuluyan nang napahagulgol si Gray. Hindi ko alam kung kaya ko pang marinig ang lahat ng to.
"Kaagad naming dinala si Ash sa States nung gabi ding yun. Pagkagising niya, nagwala siya. Di kinaya ng puso niya kaya nahimatay si Ash. Ginawa nila ang operasyon kasi yun na lang ang pag-asa namin. 50-50 pa yun."
"Hindi pa tapos ang operasyon at bumalik agad ako sa Pinas para kuhanin lahat ng gamit ni Ash." sinasabi niya yan habang naglalakad kami tungo sa isang kwarto na tingin ko ay kay Ash. At tama nga ako.
Sa dingding kung saan ang kama niya ay ay may malaking picture ko.
Mas tumindi ang iyak ko nung may inabot si Gray sakin.
Mga sulat.
Lahat para sakin.
Galing kay Ash.
Gusto kong tumakbo at iwanan na lang lahat ng to. Noon, gustong gusto kong malaman ang totoo, pero ngayong nasa harap ko na lahat gusto ko na lang takpan ang tenga ko.
***