II
***
Nagising ako. Nakatulog na pala ako dito sa park. Kinapa ko ang mukha ko. May luha na naman.
*sighs*
Dun na nagtapos ang relasyon namin ni Ash. Sa mismong parke ding to. Nagising na lang ako nun na nasa ospital ako. Nandun na sila mama. Tinanong ko pa sila kung nasan yung lalaki. Ang sabi lang nila, umalis kaagad pagkakita sa kanila.
Hanggang ngayon, dalawang taon na ang nakakalipas, nalilito pa rin ako. Ang dami kong tanong.
Sino yung lalaking nagpanggap na si Ash?
Bakit siya nandun sa favorite place namin?
Simula nun, palagi na ako sa park na to. Umaasang lilitaw at magpapakita sakin si Ash o kahit yung lalaki lang na yun para matanong ko.
Tinignan ko ang paligid. Madilim na kaya nagpasya akong uuwi na. Habang naglalakad, napansin kong may sumusunod sakin ng biglang...
"Miss, wag kang gagalaw. Holdap to!"
Hindi ako nakagalaw. Kinakabahan ako lalo pat walang tao dito. Sa takot ko, binigay ko na ang bag ko. Bahala na.
Tumakbo na ang holdaper. Kaya sumigaw ako at humingi ng tulong.
May lumapit sa aking lalaki.
"Miss, anong nangyari?" parang pamilyar ang boses niya pero inuna ko muna ang bag ko.
"Ninakawan ako kuya, habulin mo pleaseee!"
Sabay takbo nung lalaki. Tumakbo na din ako pero di ko sila nahabol kaya umupo na lang ako sa may gilid ng kalsada habol ang hininga.
Nabigla ako kasi may biglang umupo sa tapat ko at tinipat sa mukha ko ang bag ko.
De Javu. Sa isip ko.
Nanlalabo ang paningin ko pero nung nag-adjust ang paningin ko nanlamig ako.
Siya.
Naalala ko na. Siya yun. Ang lalaking nagpanggap na si Ash.
"Shit!"
Nagulat rin ata siya kasi dali dali siyang tumalikod pero mas mabilis ako kaya hinablot ko ang braso niya!
"Sandali!" mahigpit kong hinawakan ang braso at damit niya.
Naiiyak ako. Gusto ko ng mga sagot.
"Parang awa mo na. Gusto ko ng mga sagot. Sino ka?! Bat ikaw ang nakipagbreak sakin? Nasan si Ash? Bat di siya nakipagkita sakin? Huh?! At bakit kahawig mo siya?!" habol hiningang sigaw ko habang umiiyak.
Nakita ko sa mukha niya na wala talaga siyang planong magsalita.
"Please naman oh, di ko na kaya. Sagutin mo ako. Please!" luluhod na sana ako pero pinigilan niya ako. Pinatayo niya ko sabay buntong hininga.
"Gusto mo talagang malaman?"
Kinabahan ako. Handa ba ako? Pero nanaig ang isang parte sa akin na alamin ang totoo.
Tumango ako. Nahihirapan na akong magsalita.
"Sumama ka sakin"
***
Lame, i know :<