IV
***
🎶When the visions around you
Bring tears to your eyes 🎶"Mga sulat niya yan sayo before ng mga pangyayari. Nung di pa siya dinala sa States. Sa tuwing monthsarry niyo, nagsusulat siya." sabi ni Gray.
🎶And all that surrounds you are secrets and lies. I'll be your strength. Ill give you hope🎶
"Iwan muna kita." dugtong niya.
🎶Keeping your faith when it's gone. The one you should call was standing here all along🎶
Di na ko nag-abalang lumingon. Narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto. Nasa harap ang mga sulat ni Ash para sakin pero wala na ata akong lakas na basahin yon. Pinipiga ang puso ko sa mga nalaman. Sa sitwasyon.
Sa nangyari samin.
Sa pinakamamahal ko.
🎶And I will take you in my arms 🎶
Kahit nanginginig, kumuha ako ng isang sulat. Sulat ito noong 5th Monthsary namin.
🎶And hold you right where you belong. Till the day my life is through🎶
----
Hi Love!5th monthsary na natin. At aabot pa to ng maraming maraming monthsaries. Nagustuhan mo ba yung surprise ko sayo? Sorry kung medyo napurnada kasi naman nabuking mo ko eh. Ang kulit mo kasi. Di na surprise tuloy. Haha. De bale next monthsary natin, sisiguraduhin ko ng hindi mo na malalaman. Love, sobrang saya ko ngayon. Tsaka nagustuhan ko talaga ang regalo mong panyo sakin. Favorite panyo ko na yun kasi bigay mo tsaka may initials nating dalawa. Sa sobrang saya ko sumasakit na ang puso ko Love. Para na siyang sasabog. Mahal na mahal kita kahit anong mangyari. Ikaw at ikaw lang. To infinity and beyond, Love. Love you!
Love,
Ash
----
🎶This I promise you 🎶Nabasa na ng tuluyan ang sulat. Mahal niya ko. Mahal na mahal niya ko. Sobrang sakit na sa dibdib ng mga nababasa ko. Tuloy tuloy lang ang hagulgol ko at tumakbo sa labas. Hinanap ko si Gray. Nakita ko siya sa may kusina nakaupo.
"Gray!" sigaw ko.
Nilingon niya ko.
"D-dalhin mo ko k-kay Ash oh. Sige n-na. O-okay lang naman s-siya di ba? Successful n-naman ang operation niya di ba? D-dalhin mo ko sa kanya p-parang awa mo na. Gusto ko na siyang m-makita!" Umiiyak na saad ko.
Bumuntong hininga siya. Kinabahan ako.
"Sige dadalhin kita sa kanya. Pero ihanda mo ang puso mo."
Pagkarinig ko nun, may isang ideya ang pumasok sa isip ko. Pero ayoko sa ideyang yun. Ayokong isipin.
Kahit nahihirapan tinanong ko siya. Kelangan ko ng assurance.
"Hindi naman tayo sa sementeryo pupunta diba?"
Hindi siya sumagot pero isang tipid na ngiti ang binalik niya.
***