KINAKABAHAN si Beauty dahil bihirang magpatawag si Ate Kim ng meeting pagkatapos ng isang performance night. Sa ngayon ay nahubad na nila na ang mga costumer nila, bakante na ang mga mesa at wala nang buhay ang stage. Nakadulog sa isang mesa si Ate Kim at mukhang malungkot.
"May problema tayo mga anak..." panimula ni Ate Kim.
At sinabi nito ang problema. Talaga raw nalulugi na ang comedy bar. Nababaon na raw sa utang si Ate Kim. Hindi na raw nito kakayanin na araw-araw pa ring mag-show. Sa mga bayarin sa koryente pa lang daw kasi ay wala na itong kinikita. Baka mga three times a week na lang daw sila magkaroon ng palabas. Kung gusto raw nila, puwede na silang lumipat sa ibang comedy bar. Naramdaman ni Beauty na kaya sinabi ni Ate Kim 'yon ay dahil gusto nitong magbawas ng stand-up comedian. Hindi lang nito iyon direktang masabi.
Natahimik ang ilan sa mga kasamahan niya. Umiyak naman si Regal Shocker, iyong pinaka-matandang stand-up comedian sa comedy bar. Nagpupunas na rin ng luha si Valyena. Alam niyang napakalungkot din ng hitsura niya. Naisip agad niya, paano na ang pamilya niya? Lalong magdadamdam ang nanay niya sa kanya.
"Magkakaroon pa rin naman tayo ng performance night bukas..." hindi na niya naintindihan pa ang mga sumunod na sinabi ni Ate Kim dahil nakuha ang atensyon niya ng tumutunog na cell phone niya. Someone was calling her. Nag-excuse siya sa mga ito at nagtungo sa isang sulok para tingnan kung sino ang tumatawag. Hindi naka-register ang number sa telepeno niya pero sinagot pa rin niya iyon.
"Hello?"
"Hello there."
Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig. The voice was deep, yet playful. As if tuwang-tuwa ang taong 'yon na makausap siya. At kilala niya ang tinig na iyon. Parang tinig iyon ni Gavin. Pero wala raw himala kaya imposibleng ang lalaki ang tumawag sa kanya
"Sino po sila?"
"Gavin Acosta," said the seductive voice.
May himala! muntik na niyang isigaw.
Bigla na siyang nataranta. "P-pa'no mo nalaman ang number ko?"
"Hmm... doon sa papel na ipinasa mo no'ng nag-audition ka. Kinabisado ko ang number mo."
Kinabisado niya ang number ko? Oh my gulay!
"Talaga?" Halata na yatang kinikilig siya dahil sa tinig niya kaya tumikhim siya. "Bakit ka naman napatawag?"
"Well... I don't know how to say this but... do you want a job? Hindi ko maibibigay sa 'yo ang leading lady position kahit anong pilit ko sa direktor kaya ginusto ko na bigyan ka ng ibang trabaho."
"Anong trabaho?"
"To be my personal assistant," enthusiastic na sabi nito. Was she detecting excitement on his voice? O baka ilusyon lang niya 'yon? "Pero hindi naman kita pinipilit. I mean, I'm sure you would want to be an actress, not an assistant. Inalok ko lang para makatulong ako kung may financial crisis kang pinagdadaanan."
Personal assistant? Kung normal sigurong araw, baka tanggihan niya ito. Hindi niya gustong sumunud-sunod sa utos ng kahit sino. But this was Gavin Acosta. Ang lalaki sa mga poster sa kuwarto niya. Ang lalaking gusto niyang pagsilbihan at alagaan.
Kapag naging personal assistant siya nito, siguradong lagi siyang makakasama nito. Lagi siyang nasa tabi nito. Siguradong hindi siya nakakaramdam ng pagod.
Iginala niya ang paningin niya sa walang buhay na comedy bar, kung saan malungkot pa ring nag-uusap ang mga kasamahan niya. Kung hindi na regular ang mga show nila, mas lalong bababa ang kita niya. May mga gamot nang iniinom ang mga magulang niya kaya kailangan niyang palaging makabili ng mga iyon. Kailangan niya ng regular na trabaho. Kailangan niyang maging praktikal.
BINABASA MO ANG
Not Like In The Movies (COMPLETE)
RomanceMay dalawang pangarap ang stand-up comedian na si Beauty: ang maging isang sikat na personalidad at ang mapansin ng artistang si Gavin Acosta. Para matupad ang kanyang mga pangarap, nag-audition siya para maging leading lady ni Gavin. Dahil hindi na...