Kaya kong Abutin ang Langit (Maryo J. Delos Reyes)

4.4K 87 3
                                    


HINDI alam ni Beauty kung dapat na siyang magbitiw sa pagiging assistant ni Gavin. Parang ang pangit kasi tingnan kung ang nagpapasuweldo sa kanya ay ang boyfriend niya. Puwede naman siguro siyang rumaket ulit sa comedy bar.

Ayaw nga lang ni Gavin na maghanap pa siya ng ibang trabaho, lalo na nang ikuwento niya ang minsan ay pambabastos sa kanya ng mga costumer sa comedy bar.

"Hindi ko hahayaan na pinagtatawanan ka ng iba, penoy," sabi nito habang papunta sila sa location ng taping nito. Ang "penoy" na ang naging endearment nila mula nang sabihin niyang iyon ang itinatawag niya rito kapag kinakausap niya ang poster nito. Walang explanation kung bakit iyon ang tawagan nila. Pero, 'di ba ang love, wala naman daw talagang explanation? "Isa pa, kung magbibitiw ka, mawawalan na ako ng assistant. Hindi ko pa naman gustong maghanap ng bago. Gusto ko, ikaw lang ang mag-aasikaso sa 'kin."

"Gusto ko rin naman na asikasuhin ka," wika niya habang nakahilig sa balikat nito. "Ang akin lang, hindi ba ang pangit na binabayaran mo 'ko dahil lang inaalagaan kita?"

"Hindi 'bayad' ang tawag do'n. It's a gift," he said, then kissed her temple. Binago na nito ang topic, patunay na hindi na nito gustong dugtungan pa ang usapan nila tungkol doon. She was a bit unsettled about that, pero hindi na lang siya nagreklamo. Para kasing ang kapal ng mukha niya kapag ginawa pa niya iyon.

She just cuddled him.

BAHAGYANG kinakabahan si Beauty habang nakasakay sa jeep papunta sa opisina ng manager ni Gavin. Ipinatatawag siya nito. Gusto siya nitong kausapin. Hindi man niya tuwirang alam kung bakit siya nito gustong makita, alam niyang may kinalaman iyon sa relasyon niya kay Gavin.

Gusto sana siyang samahan ng boyfriend niya pero nagkaroon ito ng meeting kasama ang mga producer ng ginagawa nitong pelikula. Pero hindi naman ito matigil sa pagtetext sa kanya.

I luv u, penoy. Kung ano man ang sbhin ng pinsan ko, wg kng msyadong mgpa apekto.

He also knew. He also knew that something bad might happen.

'Wg kng puro txt. Bka mhuli ng producer na hndi ka nkkinig sa meeting, mpglitan k p, reply niya rito.

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Bkit wlang I love you too?, sagot nito, may kasama pang sad emoticon.

Bigla ay parang mas naging maliwanag ang mundo para sa kanya. I love you, too, penoy.

Maya-maya pa ay nagreply ulit ito. Pra kng tanga. Sryoso ang pnag-uusapan nmin pro ngiting-ngiti ako. Its bcoz u said dat u love me, 2. May kasama naman iyong sandamakmak na smileys.

Hindi na siya nag-reply dito. She was smiling like a lunatic, too. Pakiramdam niya, kahit ano man ang sabihin sa kanya ng pinsan nito, kaya niyang tanggapin, basta isipin lang niya ang mga mensahe nito. Siguro nga, totoo na mas komplikado ang buhay ng mga may karelasyon. Pero kung tutuusin, totoo rin na mas masaya sila kompara doon sa mga single pa rin.

Pero dapat mo ring aminin na mas mahirap ang kalagayan mo ngayon kompara sa ibang may love life. Dahil artista ang boyfriend mo.

MUKHANG librarian si Lolita, iyon ang unang naisip ni Beauty nang makita niya ang babae. Itim ang blouse ng babae at itim din ang palda na lagpas tuhod. Nakapusod iyon at makapal ang suot na salamin. Para ring lagi itong nakasimangot.

Pinaupo siya nito sa sofa sa opisina nito at umupo naman ito sa isang couch sa harap niya. Seryoso ito habang naglalakbay ang tingin sa kanya. Hindi tuloy niya mapigilang mailang. Para kasing sinusukat ng tinging iyon ang pagkatao niya.

"It's nice to finally meet you, Beauty," she said on an elegant and cold voice. "It's nice to finally put a face on the name." Bahagyang tumaas ang kilay nito nang sabihin nito iyon. Hindi tuloy niya alam kung maiinsulto siya. "I'm Lolita Mirasol. Gavin's cousin and manager. Pero siguro alam mo na rin naman 'yon."

Tumango siya. Ewan ba niya, hindi naman siya 'yong tipo ng tao na nanahimik na lang. But Lolita's personality was so overpowering angd intimidating that she chose to be silent.

"Laging nagkukuwento ang pinsan ko tungkol sa 'yo. Mukhang may tama talaga siya sa 'yo," wika nito na parang hindi nagugustuhan ang sinasabi. "Tinanong pa nga niya ako kung puwede ka ba niyang gawing girlfriend. I said no. Pero hindi niya 'ko pinakinggan. Gano'n katigas ang ulo niya."

Lumunok siya, hindi pa rin alam ang sasabihin. Para siyang estudyanteng nahuli ng teacher na gumagawa ng kodigo.

"Ngayon wala na akong magagawa kung may relasyon na kayo. Pero gusto ko lang itanong... alam mo ang pinasok mo, right? Alam mo na hindi kayo magiging tipikal na magkarelasyon ni Gavin. Alam mo na kailangan niyong mag-ingat."

Mag-ingat? Naitanong niya sa isip. Halata sigurong nagtataka siya kaya nagsalita muli si Lolita.

"Hindi puwedeng malaman ng mga tao na may relasyon kayo, Beauty. Lalo na ngayong may pelikula na ipapalabas si Gavin. Hindi bale sana kung action star ang pinsan ko. But he's a matinee idol. A boy next door. He's making romantic movies. Mawawalan nang sense ang ibini-build-up na love team nila ni Ivana kung malalaman ng lahat na may girlfriend na siya. Baka langawin ang pelikula nila."

May sense naman ang sinabi nito. At naisip din niya na may nga fans din na may tendency na maging possessive. Siguradong tatabangan ang mga ito kay Gavin kapag nalaman na taken na ang lalaki.

"Hindi kayo puwedeng madalas mag-date ni Gavin, lalo na in public," pagpapatuloy ni Lolita. "Especially na naibalita na ang tungkol sa pelikula ng pinsan ko. Hindi ka magpapakilalang girlfriend niya sa mga showbiz reporters o sa kahit sino. Kahit sa kaloveteam niyang si Ivana at sa mga kapwa niya artista. Kapag may conference si Gavin, iwasan mong dumikit sa kanya. Malinaw ba 'yon?"

Tumango siya. Naiintindihan niya lahat ng sinabi nito.

"And can I be brutally frank?" tanong pa ni Lolita.

Hindi pa ba siya nito pina-prangka sa lagay na 'yon? Halos manliit na nga siya sa pakikinig sa mga sinasabi nito.

"S-sure."

"Let's face it. You're not really an ideal girlfriend for Gavin."

Daig pa niya ang nasagasaan ng truck at tumalsik sa poste ng koryente dahil sa sinabi nito. Talk about putting salt to the wound, sabi niya sa sarili.

"People can be mean, Beauty. Naalala mo pa ba nang ma-tsismis na nagkakagusto 'yong Thai actor na si Mario Maurer kay Cacai Valdez? Hindi ba maraming tao ang kumontra? You wanna know why? Because no matter how shallow and pathetic it sounds, we're living in a world where physical beauty matters a lot. Totoong hindi ka naman pangit. Pero you're still pretty common for a guy like Gavin. At dahil may Twitter at Facebook na ngayon, hindi imposibleng magkaroon ka ng mga bashers, saying that you don't deserve Gavin. Siguradong kakawawain ka nila."

Bigla ay na-magnify lahat ng insecurities niya dahil sa sinabi nito. Lalong naging evident sa utak niya na hindi siya bagay kay Gavin. Gusto tuloy niyang maiyak. Dahil totoo naman ang sinabi nito, 'di ba? Ang ipinapares ng mga tao sa mga lalaking guwapo, mga babae na may mukhang perpekto. Siguradong mapagtatawanan siya kapag nalaman ng mga tao na na-inlove sa kanya ang isang Gavin Acosta. Baka nga isipin pa ng lahat na ginayuma lang niya ang lalaki.

"Iniisip ko lang ang mararamdaman mo, Beauty. Naiintindihan mo naman lahat ng sinabi ko, 'di ba?" Pailalim siyang tinitigan nito. "Isa lang naman ang pakiusap ko. Be discreet."

"N-naiintindihan ko," malungkot na sabi niya. "Naiintindihan ko." Pagkatapos ay pilit siyang ngumiti at tumango.

Sa unang pagkakataon, parang nakitaan niya ng awa ang mga mata ni Lolita. "I'm sorry, Beauty. Sorry I have to put you through this. I have no choice. Sometimes, show business is full of crap."

That's true. And to think na ang maging artista pa ang pangarap ko...

Alam niyang magiging mahirap. Alam niyang hindi talaga magiging madali. Pero para kay Gavin, magtitiis siya. Indeed, life is about making sacrifices.

And now, she had to make hers.

Not Like In The Movies (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon