GAVIN could not stop from smiling. Minsan nang napilitang mag-cut ang direktor dahil ngiting-ngiti siya habang kinukunan ang isang eksena. Wala siyang kasalanan. It was the bottled water's fault.
Mula nang iabot sa kanya ni Beauty ang tubig ay nabura na ang inis niya kay Ivana. Bigla ay parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya.
Smile, pogi.
Ibang kasiyahan ang nararamdaman niya kapag naalala niya ang linyang iyon ng note. Not because he was egoistic and narcissistic—but because... To be honest, hindi rin niya maintindihan ang dahilan. Lagi naman siyang nakakatanggap ng mga fan mail na laging pumupuri sa hitsura niya pero ibang kasiyahan ang nararamdaman niya dahil galing kay Beauty ang papuri.
Napatingin siya kay Beauty. Halatang inaantok na ito dahil naniningkit na ang mga expressive na mata nito. Bigla itong naghikab at hindi nag-abalang takpan ang bibig nito, siguro dahil iniisip nitong wala namang nakatingin dito. Nagkamot pa nga ito ng pisngi habang naghihikab.
It made him want to smile again. Hindi siya na-turn-off dito. Beauty was so... natural. Those sleepy eyes and the funny way she yawned... it made her attractive on his eyes. It made her beautiful. Being in a business where appearance is everything, nasawa na siya sa mga babaeng masyadong vain na nagmumukha na ang mga itong manikin sa mall. He liked Beauty's appeal. It was honest and unpretending.
Man, I think I'm having a crush on her... bulong niya sa sarili. Kinapa niya ang bulsa niya, kung saan niya itinago ang note ni Beauty. At hindi na naman niya napigilan ang sariling mapangiti.
"Cut!" nanggagalaiting sigaw ng direktor, pumiyok pa. "Gavin, I said stop smiling!"
"Sorry," he said. But he was far from sorry. In fact, his smile just turned into a grin.
PAUWI na sina Beauty at Gavin galing sa taping. Mag-a-alas-dose na ng hatinggabi. Halos wala nang nakikitang tao si Beauty sa labas ng bintana. All she could see were creepy, orange lampposts, eerily illuminating the road.
Umayos siya sa pagkakaupo dahil nilalamig na siya. Itinodo yata ni Mang Rupeng ang aircon. Tahimik naman si Gavin sa tabi niya, at naiintindihan niya iyon, dahil mas pagod ito sa kanya. Gusto niya itong alukin ng masahe para natakot siya na baka iba ang isipin nito.
She hugged herself again.
"Are you cold?" he whispered. Napakalamyos ng tinig na iyon na parang lalong tumindi ang nararamdaman niyang panlalamig. Ang pagtama ng napakainit na hininga nito sa tainga niya ay nagbigay kilabot sa kanya.
Tumango na lang siya.
"Mang Rupeng, pakihinaan naman ang aircon," utos ni Gavin sa driver nito. Akala niya ay iyon lang ang gagawin nito. Kaya laking gulat niya ng umusog ito palapit sa kanya, bahagyang idinikit ang katawan nito sa kanya. "Sorry, hindi ko nadala 'yong jacket ko," bulong nito sa kanya. "But I do hope that my human heat would be enough." After saying that, he gave off a very sexy chuckle.
"S-salamat," parang hihimatayin nang sabi niya.
Tumango ito at bumaling na sa bintana. Diretso naman ang tingin niya. Hindi na siya nilalamig, dahil uminit ang dugong naglalakbay sa katawan niya nang lumapit ito sa kanya. She could practically breathe on the sweet, subtle scent of his skin. She could also hear his mild breathing. Hindi niya malingon ang lalaki dahil natatakot siyang may mahalikan siyang parte ng katawan nito. Baka pisngi nito, o ang leeg nito.
Muntik na nga siyang mapasinghap ng bigla niyang maramdaman ang ulo nito na bumagsak sa balikat niya. Nang balingan niya ito, nakahilig na ito sa kanya, payapang natutulog.
"Nakatulog na ang mokong," nakangiting bulong niya. Hindi naman nito maririnig iyon dahil tulog ito, kaya okay lang. "Pagod ka na nga siguro. Matulog ka lang. Para mabawi mo ang lakas mo."
She was tempted to caress his cheeks, his eyelids, his forehead. May nakikita rin siyang stubbles sa baba nito. She wanted to feel those stubbles, rub them, maybe. Pinigilan lang niya ang sarili niya.
"Ang guwapo mo talaga. Ang bango mo pa."
She enjoyed getting a whiff of the clean smell of his hair. Paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa mapansin niyang nakangiti ang lalaki.
"Nananaginip ka na, 'no?" wika niya. "Ano kayang napapanaginipan mo? Sana, hindi naman bastos."
Malungkot siyang natawa sa ginagawa niya. She was talking to her crush while sleeping. Walang iyong ipinagkaiba sa pagkausap at paghalik sa isang two-dimensional poster na kahit kailan ay hindi sasagot. It was somewhat sad. Pero hindi siya 'yong tipo ng tao na magpo-pokus sa mga bagay na negatibo.
So she just took pleasure of him being by her side, and she felt so much better.
GAVIN wasn't sleeping. Nagkunwari lang siyang nakatulog para magkaroon ng excuse na "aksidenteng" mapahilig sa balikat ni Beauty.
Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang gawin iyon para lang mapalapit sa babae. Hindi kasi niya naramdaman ang weird na feeling na 'yon sa mga babaeng nag-aalok sa kanya ng fling. Beauty was different. He was acting like a friggin' school boy with her and he loved it.
"Ang guwapo mo talaga," narinig niyang bulong nito sa kanya. "Ang bango mo pa." Then he felt that Beauty was sniffing his hair.
Hindi niya napigilan ang sarili niya—napangiti na siya. Hinayaan na lang niyang gawin nito iyon dahil sa totoo lang ay nae-enjoy din naman niya 'yon. He would love to sniff her hair, too. Sana lang magkaroon siya ng chance.
"Nanaginip ka pa," wika nito bigla, siguro nakita ang ngiti niya. "Ano kayang napapanaginipan mo? Sana, hindi naman bastos."
Sangkatutak na willpower ang kinailangan niya para 'wag lang humalakhak ng malakas. Beauty could make him happy with a snap of her finger. She was a blessing.
In his mind, it was official. Alam na niyang matanda na siya para sa mga ganoong bagay, but he was really having a "school-boy" crush on Beauty and he loved it.
He loved it very much.
BINABASA MO ANG
Not Like In The Movies (COMPLETE)
RomanceMay dalawang pangarap ang stand-up comedian na si Beauty: ang maging isang sikat na personalidad at ang mapansin ng artistang si Gavin Acosta. Para matupad ang kanyang mga pangarap, nag-audition siya para maging leading lady ni Gavin. Dahil hindi na...