UMUWI pala si Dr. Tayag—este, si Mang Rupeng, ang driver ni Gavin, dahil nanganak ang misis nito. Si Gavin tuloy ang nagda-drive ng van na sinasakyan nila.
"Sigurado ka hindi ka inaantok?" tanong ni Beauty kay Gavin. Alas-onse na rin kasi ng gabi. "Baka pagod ka na. Dapat tumawag ka na lang nang ibang magda-drive para sa 'tin."
"Ayoko," sabi nito, nakatingin sa daan, may pilyong ngiti sa mga labi. "Okay nga 'to eh. Solo kita."
Nagparamdam na naman ang puso niya. "Joke ba 'yon?" tanong niya, dinaan sa tawa ang kaba.
"Oo. Joke lang 'yon," sabi nito, napapailing.
See?
"Basta 'pag inaantok ka, okay lang na magpahinga ka muna. Para iwas-aksidente."
"Uh-huh."
Sumandal na lang siya sa inuupuan at tumingin sa bintana. Pilit niyang nilibang ang sarili niya kaya nagulat na lang sila nang papasok sila sa panibagong resort. Nagtatanong ang tinging ibinigay niya rito.
"May lawa sa resort na 'to na gusto kong bisitahin," sabi nito, nakita siguro ang pagtataka niya. "Stress reliever lang."
"Buti kung papasukin ka pa," sabi niya.
"Kami ang may-ari ng reort na 'to," kaswal na sabi nito, hindi naman nagyayabang.
"Wala na 'kong sinabi."
Madali nga silang nakapasok sa resort. Saglit pang nag-drive si Gavin bago nito i-park ang sasakyan nito malapit sa lawa na binanggit nito. Sa bintana pa lang ay nakita niyang maganda nga iyon, parang masarap tumambay doon.
Binuksan ni Gavin ang pinto sa panig nito at umibis papunta sa passenger side. Binuksan nito ang pinto sa panig niya at nginitian siya. Bigla na lang nitong inilahad ang kamay nito sa harap niya.
"Tara, tingnan natin ang lawa."
Hindi siya nito binigyan ng panahong makapag-isip. Ito na mismo ang kumuha sa kamay niya, hinila siya palabas ng van. Tinakbo nila ang lawa na nakahawak pa rin ang kamay nito sa kanya. The wind was icy cold but her body, her hand—even her soul, no matter how corny it may sound, was warm. Gavin really had this magic on her.
Maya-maya pa ay natatawa na rin siya habang tumatakbong kasama nito.
IKATLONG araw ng taping nina Gavin. Doon pa rin 'yon sa garden-resort sa Tagaytay. Naihanda na ni Beauty sa puwesto niya ang pagkain at inumin ni Gavin na maari na lang nitong puntahan kapag nagutom ito. Busy ito nang araw na 'yon dahil karamihan ng eksena na kukunan ngayon ay kasama ito.
Pero kahit paano ay nakontento na siya kahit hindi niya makausap ito. May plano naman kasi sila mamayang gabi—mamangka sila sa lawa na pinuntahan nila noong nakaraang araw.
Habang pinanonood niya itong mag-trabaho, humila ng isang monobloc chair ang co-star ni Gavin na si Rico Dominguez at tumabi sa kanya. Ito ang nagsisilbing best friend ng karakter ni Gavin sa pelikula.
"Puwedeng makihingi ng tubig?" hinimas pa nito ang leeg nito.
Sa totoo lang ay gusto niya si Rico. Mabait ito. Kung snob ang karamihan sa mga artista na naroon, ito naman ay palaging nakangiti sa kanya.
"'Eto o." Inabot niya rito ang isang bottled water.
"Salamat." Tinanggap nito ang bottled water. "Nakaka-antok manood ng shooting," wika nito, tinungga ang tubig.
"Matulog ka muna," aniya. "Matagal pa naman yata bago kunan ang eksena mo."
"Nah. I'd rather talk to you."
BINABASA MO ANG
Not Like In The Movies (COMPLETE)
RomanceMay dalawang pangarap ang stand-up comedian na si Beauty: ang maging isang sikat na personalidad at ang mapansin ng artistang si Gavin Acosta. Para matupad ang kanyang mga pangarap, nag-audition siya para maging leading lady ni Gavin. Dahil hindi na...