Bona 2 (Lino Brocka)

4.1K 82 0
                                    


"HOW DID it go?" tanong kay Beauty ni Gavin nang magkita sila kinagabihan. Nagpunta ito sa bahay niya at nagmamadali niya itong pinapasok para wala nang kapitbahay niya ang makapansin dito. It felt stupid, but she could not risk it.

Ikinuwento niya sa kusina nila ang lahat nang napag-usapan nila ng manager nito. Nagpunta sa meeting ng Couples for Christ ang nanay at tatay niya kaya walang nang-iistorbo sa kanila. Tiim-bagang lang si Gavin habang nakikinig. Mukhang hindi nito nagustuhan ang ipinayo ng manager nito.

Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Alam mo, Beauty, handa ako na ipagsigawan sa mundo na ikaw ang girlfriend ko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Eh ano kung hindi nila ako tilian? Hangaan?" Ikinulong nito ang mukha niya sa manit na mga palad nito. "Ikaw ang mas mahalaga para sa 'kin."

Kahit paano ay napagaan niyon ang bigat ng loob niya. "Iniisip din ni Lolita na baka apihin ako ng mga fans mo."

Dumilim ang mukha nito. Mukhang naisip nito ang posibilidad na iyon at sumama ang timpla nito. "I'm going to protect you from them. Sisiguruhin ko na hindi ka nila masasaktan."

Tuluyan na siyang napangiti. He was so sweet. "Okay lang ako, ano ka ba? Ayoko namang magalit si Lolita sa 'kin. Isa pa, hindi mo rin naman dapat bale-walain ang mga sinasabi niya sa 'yo, 'di ba? This is your career, Gavin. Hindi mo iyon dapat basta-basta na lang isinusugal." Hinawakan din niya ang magkabilang pisngi nito. She really loved feeling his stubbled cheek. "Okay lang naman sa 'kin kahit patago ang relasyon natin. Kaya kong magtiis. Isa pa, alam ko lang na patay na patay ka sa 'kin, masaya na 'ko ro'n," pabirong dagdag niya.

"Patay na patay talaga ako sa 'yo," wika nito, ngumuso at akmang aabutin ang mga labi niya kung hindi niya natampal ang noo nito. Agad na tila nagprotesta ang ekspresyon ng mukha nito.

"Hindi ka na nga pala dapat dalaw nang dalaw dito," wika niya. "Pasalamat na lang ako at hindi tsismosa sina nanay. Hindi nila naipagsabi na nagpunta ka na rito. Pero kapag laging nakita ng mga kapitbahay namin 'yang sasakyan mo labas, siguradong magtatanong na ang mga 'yon kung sino ang may-ari. 'Pag nagkataon, hindi ko alam ang isasagot ko."

Bumagsak ang mga balikat ni Gavin. Tila lalo itong nalungkot dahil sa sinabi niya. Napailing ito. "I have a very dysfunctional life." He sighed. Then looked at her expectantly. "But you would not give up on me, right? You would not quit."

Siya naman ang napailing. "Hindi kita susukuan, penoy," wika niya, pinakatitigan ito. "Hinding-hindi. And if that means I have to adjust in your dysfunctional life, so be it. Gano'n ka kahalaga sa 'kin."

Mukha namang na-touch ito sa sinabi niya. Lumamlam ang mga mata nito, namula ang mga tainga at parang maluluha pa dahil sa ka-cheesy-han niya. "You don't deserve a mere mortal like me," he said.

Kumunot ang noo niya. "Compliment ba 'yon o insulto?"

"It's a compliment, dummy," pabirong sabi nito. "Now kiss me or else I'm really going to be crazy."

Natatawang pinag-untog niya ang mga ilong nila. "Nakakatawa ka. Nagra-rhyme na ang mga sinasabi mo—"

Bago pa niya matapos ang sasbihin ay hinalikan na siya nito.

BEAUTY'S relationship with Gavin survived even though they felt as if they were fugitives. Laging patago ang mga date nila at kapag nagte-taping si Gavin ay "assistant" pa rin ang pakilala nito sa kanya.

Nasasaktan si Beauty kapag nangyayari iyon, pero wala naman siyang magagawa. It was the right thing to do.

Natapos na ang mga shooting ng pelikula ni Gavin at minamadali na rin ang editing niyon para maihabol sa Valentine's day. Maluwag na rin ang schedule ng lalaki kaya nakakapag-date na sila sa resort na pag-aari ng pamilya nito, na sa ibang bansa na naka-base.

Not Like In The Movies (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon