Nasa airport na si Ael at Aiden para bantayan nga ang boygroup na EXO, magbabakasyon kasi sila dito dahil binigyan sila ng break ng SMEnt.Kasama nila ang EXO sa waiting area para salubungin ang mga staffs na hinire ng kanilang manager para sa bakasyon.
Kapansin pansin na laging tumitingin si Baekhyun kay Ael, siguro dahil naiintimidate ito sa itsura ng dalaga. Sino ba namang hindi? Ngayon lang sila nakakita ng babaeng bodyguard nila.
Maya maya pa, may lumapit kay Ael, isang lalaki na nakasuit at tila ba parang ikakasal ito.
Hindi ko ba nasabi sa inyo? Oo nga pala. Araw rin kasi ng kasal ni Ael ngayon, at nakawhite dress siya at may veil pa. Nakakapagtaka diba? Kaya nga tingin ng tingin sina Baekhyun dito.
"Sa tingin ko, silang dalawa yung ikakasal." Hindi sinasadyang masabi ni Suho, ang nasa sa isipan nito habang nakatingin kela Ael.
"Oo nga e." Sabi naman ni Baekhyun.
"A-ael.. H-honey I'm s-sorry.." Sabi ni Hades. Saka ito tumalikod at hinubad ang singsing na dapat sana ay madadagdagan pa ng isa pa. Yung engagement ring.
"Hades, anong dahilan mo?" Nakatingin na sagot ni Ael sa kasintahan nito.
"I-Its not y-you.. Its m-me.. Ayokong magpakasal sayo." Huling litanya ni Hades, saka ito naglakad palayo sa dalaga na siyang tinitingnan lang ang engagement ring na tinapon ni Hades.
"Its not you, its me."
Napatawa na lang ng mahina si Ael habang tinitingnan si Hades na may kasama ng ibang babae. Hindi niya napansin ang 12 na chismosong lalaki na nakatingin lang sa kanya.
Humarap na siya kina Aiden at saka umupo sa upuan na bakante, sa tabi ni Baekhyun. Na siya namang naging awkward dahil nga sa mga narinig nila.
"Bullshit." Halos mahulog naman si Baek sa kinauupuan niya ng magsalita si Ael, correction, nagmura pala.
"Ael, sabi ni Chief pumunta muna tayo sa Room 4 para dun nalang hintayin ang staffs, mukha kasing pagkakaguluhan pa sila rito pag dumami ang tao." Agad na tumayo si Ael at saka tiningnan yung 12 na lalaki, na siya rin namang tumayo at hindi makatingin sa kaniya.
Nang makadating sa room 4, agad na umupo at yung iba naman ay humiga para makapagpahinga. Si Ael naman ay nasa cr nagpapalit. Habang nasa cr ito, nagkwentuhan muna yung mga natira.
"Nakakaawa siya. Araw pala ng kasal niya ngayon pero trabaho ang hinarap niya. Tapos runaway groom pa yung lalaki." Sabi ni Baekhyun habang nakatulala.
Oo nga naman, nakakaawa talaga si Ael. Hindi niya matanggihan si Chief sa tawag nito kaya dali dali siyang nagpunta ng airport para sa trabaho. Yun pala ay iiwan din siya ng kaniyang mapapangasawa.
Pero mas maganda na din yon, atleast hindi pamilya nya ang kaharap niya nung nangyari yon.
Nagpatuloy lang sa pagkekwentuhan ang exo ng lumabas si Ael. Nakasuot lang siya ng white longsleeves tapos black na ripped jeans na tinernohan niya ng converse na white. Nakabun din ang buhok nito at may hawak siyang isang kaha ng sigarilyo at lighter.
"Kumain na ba kayo?" Tanong nito saka umupo, at nagsindi ng isang stick ng sigarilyo.
Hindi sumagot ang EXO.
Nagulat kasi sila dahil naninigarilyo ang dalaga. Despite knowing na pulis ito.
"What?" Takang tanong ni Ael.
"U-uhm.." Sabi ni Suho. Nagaalangan sya.
"We didnt know na naninigarilyo ka Miss Ael." Malalim na tugon ni Chanyeol.
"Oh, sorry." Napatawa na lang ng tipid si Ael habang patuloy parin sa paninigarilyo niya.
"Pero di niyo sinagot tanong ko. Kumain naba kayo?" Umiling naman silang lahat.
Dadial na sana si Ael para magpadeliver ng pumasok si Aiden.
"Ael, hindi agad makakarating yung staffs nila."
Nagulat naman ang mga binata.
"Eh paano yan? Hindi naman pwede na magstay kami dito ng matagal. Pagod na din kami sa byahe." Nagmamaktol na sabi ni Kris. Na sinangayunan naman ng lahat.
Nagisip isip din si Ael. At nagulat naman sila lahat sa naisip nito.
"Doon muna kayo magstay sa bahay ko."
BINABASA MO ANG
My policewoman · (Baekhyun FF)
RomansaShe's one of the toughest girl. Not to mention, that her rank is the highest. Pero hindi rin naman fair ang mundo. By the looks of it, oo matapang siya. Pero hindi talaga. At yun ang nalaman ni Baekhyun una pa lang silang magkita.