CHAPTER V: OBLIGED

176 41 0
                                    

CHAPTER V: OBLIGED

Case Untold Entry #5

Nasa dorm na ako at paulit-ulit kong sinulyapan ang kopya ng mga larawang ipinakita sa amin ni Sir Albert kasama ang voice record ng pag-uusap namin. pati na rin ang pulang memo na ayon din sa babae ay sulat ito ni Maam Carla na pinapaabot kay Kyo, ayos na rin at di ko mamataan si Kyo para mapag-aralan ko ang isang 'to. Humingi ako kay Sir ng kopya para mapag-aralan ko rito, bigla-bigla rin kasi akong iniwan ni Seth pagtapos naming kausapin si Sir. Albert.

Pinagtabi ko ang dalawang hawak ko, ang mga larawang galing kay Sir. Albert na ipinasa raw ni Sir. Caesar at ang pulang memo na ito

[3X3]

3(1x1) 3(1x3) 2(3x1) 2(1x2)
1(3x2) 3(1x2) 3(1x3) 1(3x1)
1(3x2) 2(2x3)
1(1x1) 1(2x3) 1(1x2) 2(1x2) 3(2x3) 1(3x2)

(x̅)(μ) x 2

EMTSURT
'caesar'

---------------------------

"Man has the clue"

III (24) + XXII (5) + (15) XII + XVI (11) + (9) XVIII + VIV (18) + XX (7)

English teacher si Maam pero bakit puro Math equation ang mga nandito? really?, ihanda nya na ang additional grades para sa akin. Nagunat-unat pa ako ng katawan dahil ngalay na ang batok ko sa pakikipag titigan sa mga ito.

Okay. I think may meaning ang 'caesar' thing na ito? Do I need to decipher it using Caesar cipher? Or may iba pang ibig sabihin ito? Itinabi ko rin sa mga nakapatong sa table ko ang black notebook ko kung nasaan nakalist ang mga taong involve sa case.

Sir, Caesar, Sir. Albert, Sir Gaston. And the student Jason from 11-B.

Kahit na ikinuwento na ni Sir. Albert ang panig nya ay hindi naman ibig sabihin ay wala na syang sabit, wait paano ko naman ma c-confirm yung alibi nya na nasa parking lot lang sya at hindi sila nagkita ni Maam?

Wala akong access sa CCTV room para makuha ang kopya non, oh 'di kaya naman hindi ko alam kung may nakapwesto bang CCTV doon sa mismong lugar na pinag-parking-an nya, I sighed. Mukhang mamayang gabi ako tutungo roon para makipag sapalaran, humingi kaya ako ng tulong kay Seth? Ang kaso ano pupunta pa ako sa dorm ng boys? Aish. Mukhang masamang ideya iyon.

Napalingon ako sa pinto at mabilis na tinago sa unan ang mga gamit ko at itim na notebook at mabilis na tumungo sa banyo nang mahimigan ko sa labas ang boses nila Karen at Thania, uwian na pala nila.

"Grabe, parang lalong naging maiinitin ang ulo ni Jason, makipag-away at sigawan ba naman kay Sir. Gaston," may halong pagkamangha pa sa tinig ni Thania, nagtago ako sa loob ng banyo at hinayaang nakaawang ang pinto ng bahagya para marinig ko ang pinag-uusapan nila,

Teka bakit nga ba ako nagtatago? Ewan ko din. Since nandito narin ako at nagtatago, paninindigan ko na rin ito ng marinig ko ng pangalan ni Jason at Sir. Gaston.

"Hindi ko rin alam kung bakit naging ganun si Jason kay Sir. Gaston ang alam ko pa nga ay kaswal naman ang pakikitungo nito dati dahil mataas ang tingin nito sa mga teachers pero biglang ayun mainitin ang ulo kay Maam Carla at Sir. Gaston."

Napaisip ako pilit inaalala ang seksyon ni Thea at Karen, oh right 11-B rin nga pala sila! At advicer din nila si Maam Carla at kaklse si Jason. Sumilip ulit ako ng bahagya sa kanila sa labas, nakita ko ang pag-upo ni Karen sa kama nya,

"Sa tingin mo ba may kinalaman si Jason sa pagkawala ni Maam Carla? Issue na yun sa buong building na nawawala talaga si Maam at hindi lang basta naka on leave." Karen, mukhang nagulat naman si Thania.

Detective Hidden Cases UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon