CHAPTER X: TWO YEARS AGO CASE

136 21 0
                                    

CHAPTER X: TWO YEARS AGO CASE

CASE UNTOLD #10 ENTRY

Tahimik kaming kumakain at wala rin naman akong balak maunang magsalita, nakakainis lang dahil nakaupo kami malapit sa glass wall ng cafeteria at talagang takaw atensyon ang pwesto namin, sarap lumubog!

Tumikhim si Seth, ayan sya na naman ang mangunguna magsalita at siguradong kalokohan na naman sasabihin nito. "Hinahanap kita buong lunch time tapos makikita lang kitang may kasamang iba..." Matabang na saad nya.

"I told you na sa Sports Club ako pupunta."

"Sabi mo diba sa Dance Club member ka?." Naguguluhan na tanong ni Seth, here we go again explaining things again and again. I sighed, lumingon si Chase sa akin at mukhang nalalabuan na rin, pero si Kyo? ayun at kumakain parin------ano bang paki ko kung wala syang pake, tss mabilaukan sana sya.

"Oo nga, paulit-ulit." Asar kong tugon at nagbukas ng panibagong bote ng tubig para uminom, balak ko talagang asarin si Chase dahil nagpabili ako ng coke pero tubig lang talaga iinumin ko.

"Dance club and Sports club member at the same time? Are you insane?." Chase.

Ako pa nasabihan ng baliw, if he just knew mababaliw na nga ata talaga ako sa mga nangyayari.

"Dalawa club mo? Alam ko ay isa lang ang pwedeng club, how come dalawa sayo?." Singit uli ni Seth

"Correction tatlo," walang ganang saad ko na ikinagulat ng dalawa syempre maliban uli kay Kyo tss, alam nya na talaga ang tungkol doon dahil baka sya nga ang nag manipula ng club ko.

"Sinabi ko na diba kasama din ako sa music club."

Dahil gulong-gulo na sila maliban nga uli kay Kyo, like what I promised kahit kay Seth lang naman talaga ako nag promised ay i-kwento ko na, dahil baka maawa si Chase at di na matuloy ang pagpapahirap sa akin sa Sports Club

Mula sa hindi ako nag apply for club nung junior ako at nag decide ngayon na mag apply ngayong 11th Grade hanggang sa pagkawala nang club form ko kahit hindi ko pa nalalagyan ng kung anong club ba ang sasalihan ko hanggang sa nakita ko ang result ngayon na tatlo ang club na naka encode sa student files ko sinama ko narin na bago ko napansing nawawala ang club form ko ay may lumapit sa aking lalaki at nagpatulong but I didn't mention that guy name pati ang grade level or club nito kahit alam ko. . . . . . . . . . . saglit kong sinulyapan si Kyo at in assess ang reaksyon pero walang mababasa sa mukha nito, playing safe huh?

"Namumukhaan mo ba?." Seth

I have no time to discuss my worsts misery in life farther more gusto ko lang sana kasi hulihin ang reaksyon ni Kyo kung may kinalaman ba sya o kung kakabahan ba sya dahil may kutob ako tungkol sa kumuha ng form ko, but magaling bsya sa pagtatago ng epression so failed, puto!

These 3 guys, lahat sila ay ma e-encounter ko sa tatlong club na kasama ako, makasalan ba ako in my past life?

Inilingan ko na lang si Seth at binuksan ang bote ko ng tubig at balak nang inumin ng agawin ito ni Kyo at sya ang uminom, napataas ang kilay ko habang pinapanood syang lagukin ang tubig ko, nainuman ko na yun eh, napaka bastos talaga!

"Sana bumili ka ng iyo!." Asik ko sa kanya

"Gusto ko yung sayo." Apat na salita lang pero dahilan na ito para ikalaglag ng panga ko, kanya-kanyang ubo si Chase at Seth

Pagkatapos nya inumin ay binalik nya sa akin ang bote ng tubig. Nang-aasar ba sya? Did he really think that I'll drink this again kahit na ininuman nya? No, I'm still a decent person, not definitely like how grossed he is.

"I have to go." Tumayo si Chase at sumulyap sa akin

"Salamat," Tukoy ko sa sandamukal na pagkain na pina order ko sa kanya pero di ko naman talaga kaya ubusin, I let him buy two bottle of diet coke kahit tubig lang talaga ang iniinom ko okay I know I'm bad no worries mas masama ang lalaking ito, masyadong mapagpanggap lang.

Detective Hidden Cases UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon