CHAPTER III: MISSING CASE (I)

192 43 0
                                    

CHAPTER III: MISSING CASE  (I)

CASE UNTOLD #3 ENTRY

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang may nangyaring insidente sa cafeteria, na kick-out sa school si Aira gaya ng mga naririnig ko sa ibang estudyante at hindi ko alam kung nakulong ito dahil menor-edad pa ito, Well back to normal muli ang ambiance ng school maliban na lang na mas domoble ang sama ng tingin sa akin ng mga kababaihan dito at laging harap-harapan kung pagbulong-bulungan ng mga nasa hallway ng dorm bago ako makapasok sa kwarto.

Mas pinili ko na lang natumambay sa library dahil sa nakakatamad pumasok, yeah nag cut ako na klase sobrang nakakatamad dahil wala na naman kaming teacher sa Math at Literature so dahil ang panget nang ganon ay napag desisyunan ko na mag cut na lang, di naman nila mapapansin na wala ako dahil I used to be invisible here in this class at isa pa kahit hindi kami nagpapansinan ni Kyo , his presence is enough to irks me to death, ewan ko ba at kung bakit gan'on ang pagka inis ko sa kanya.

Pasalamat ko na lang talaga at hindi dito ang school ng bakla nyang kaibigan na si Jairus kung hindi ay baka nag drop na ko. I'm serious.

Lumipas na ang lunch break pero nasa loob parin ako ng library, this is the best place without anyone would mess around you even those student who loves book nag-aalangan pa sa pagawi sa bahagi na 'to ng School, takot lang nila sa masungit na librarian na daig ang Principal namin sa pag ka strikto.

The gate guards and the librarian are the best candidate for next principal promise.

Sumubsob ako sa lamesa ko at tinabi muna ang librong binabasa ko, dalawang araw na nag nakakalipas kasabay noon ang walang halos ko na maayos na tulog, blame Karen and Thea na lagi akong ginugulo tuwing gabi para lang mag kwento kung anong meron sa amin ni Kyo at nang kaibigan nito. Paulit-ulit ko rin na sinasabi na hindi ko kilala ang dalawang iyon but heck the both of them trying to ship me to those jerk and bastard. Pinipilit ako ni Thania kay Kyo while Karen ship me to Jairus, Tch. As if naman.

Nag unat-unat ako ng katawan bago tumayo at kinuha ang mga libro sabay pinasok sa loob ng bag ko. Wala nang mas sasarap sa wala nang magdidikta sa akin kung anong gagawin, away from the prison, from the old man and away from Tita Daphne.

Napasimangot ako, kahit papaano naman ay nasanay na rin ako sa bunganga ni Tita Daphne na lagi akong pinipilit twing umaga na mag-almusal o pumasok. Ah basta I'll stop thinking about them, its time to think about myself from now on. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at sinulyapan kung anong oras na ba akong nag stay rito baka masita na ako ng tuluyan ng Librarian at tignan ang schedule ko at malaman pang nag cut ako.

Napahinto ako sa paglalakad ng pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin mula sa malapit lang na distansya, I turn around to search but wala akong makitang kakaiba. I just shrugged off the idea.

Nagpasiyahan ko na lang na bumalik ako sa dormitory ng West wing for girls, sa kabilang dako naman ang dormitory ng mga lalaki, the East Wing.

"Pssssst." Hinanap ko kung saan nanggaling ang sitsit na iyon. Ke aga-aga may nag c-cat calling? Ano feeling mga bastos na construction worker? Nasilayan ko ang nakakainis na mukha ng lalaking isa ko pang kinaiinisan, nanggaling iyon sa East Wing gate, inirapan ko na lang sya, yeah isa sya sa mga suki ng pag iirap ko.

I was about to enter the West Wing gate girls dormitory nang pigilan nya ako.

"Nemo! Nemo! Hoy isda."

Napa face palm na lang ako at hinarap sya.

"Stop calling me such names."

"Bakit? Nickname mo naman yun ah. You are Euriz Mnemosyne so dahil lame at girlish ang Euriz na hindi naman bagay sayo. . ." napakunot ang noo ko sa sinabi nya. What lame ang pangalan ko?

Detective Hidden Cases UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon