CHAPTER XII: PLAN

73 10 0
                                    

CHAPTER XII: PLAN

CASE UNTOLD #12 ENTRY

I cocked my head to the side and turn it again to other side, eh. What a very tiring day to start.

"Dapat pahinga na natin 'to ngayon eh. . ." Pagmamaktol ni Thania. "Tignan mo, sabado ngayon pero halos lahat hindi magkandaugaga sa pag-aayos para sa foundation week na magsisimula sa Monday." Pagpapatuloy nya kasabay ang paghikab. Nakakahawa ang katamaran nito

"Ayan diba nung unang dinig mo na legit ang foundation week eh masaya ka?." Pang-aasar pa ni Karen. At ayun nagbangayan na naman sila. Wala atang araw na pinalampas sila na hindi nag-away

"Excited ang lahat pero mukhang tayo lang ang hindi." Puna ni Karen dahil kaming tatlo ay nakasimangot lang na nakaupo habang nagmamasid ng mga nadaan sa hallway, mukhang tapos na sila mag bangayan ni Thania.

I sighed, I agree with Karen. Naiinis parin ako kay Kyo hanggang ngayon, ano ba naman kasing klaseng performance ang gusto nyang gawin naming at may pa 'I have plan'  pa syang nalalaman.

"Alam mo Euriz, most search ang pangalan mo ngayon." Panimula ni Karen as she showed me her phone. 

Nahulaan ko nang mangyayari 'to. Believe me.

Saka bakit kaya simula ng  nanatili ako sa Campus dormitory ay wala na talagang magandang nangyari sa akin, mukhang sinumpa ako ni Tita Daphne o nung matandang yun

"Look, someone in Athen's site posted your picture with Kyo at sinabing kayo na nga daw ang magiging representative ng Music Club at ilalaban sa Final Day, gusto ko I-confirmed sayo kasi wala pa akong naririnig mula kay President Raj eh, totoo ba?." Karen.

I took a deep breath and nodded, they look shocked. Ngumiwi ako ng makita ang piniling picture ko na i post sa site katabi ang litrato ni Kyo, hindi man lang sila pumili ng maayos ayos na litrato ko? Kaasar.

"Paano nangyari yun?." Dagdag na pag-uusisa pa nya.

"Wait lang ha, diba parang lalong mas mahihirapan ka nyan?. May tatlong club ka tapos isama mo pa na ngayon na mag stand ka as representative ng Music Club, I mean kayong dalawa ni Kyo." Nag-aalalang tinig din ni Thania.

Kahit ilang linggo o mag-iisang buwan na ata 'kong nakakasama ang dalawang 'to hindi parin ako ganoong sanay na may nag-aalala sa mga nangyayari sa akin, Minsan lang napapadpad si Tita Daphne noon sa Mansion at ang matandang sinasabi ng lahat na Tatay ko at nagpalaki sakin habang kinukulong ako sa mansion naman ay eversince ay wala na talagang paki-alam sa akin. Told you, baka kahit nasa ataol na ako ay wala lang sa kanya or maybe he'll be rejoicing if that's happen.

"It's obvious na hindi ka nag presinta kay Raj na ikaw ang isa sa mag r-represent ng club natin kasi ayan nga nakasimangot ka."saad ni Karen

Tumango si Thania, "Big yes, at imposible rin naman na si Kyo ang mag presinta na mag perform kayong dalawa para sa Final Day, diba nga halos hindi nga um-attend si Kyo sa mga meetings natin saka kahit anong pilit ni Raj----."

"Si Kyo ang nag presinta." I said in low voice

Nanlaki naman parehas ang mata nila at parehas rin na napasinghap sa sinabi ko, muntik ng mabitawan ni Karen ang phone nya. Oh bakit ganoon ba talaga ka imposible ang bagay na yun lalo na kung si Kyo ang gagawa?

"Seryoso? Oh my! Don't tell me his making moves na?. . . .palaban ang manok ko!" Pinisil pisil pa ni Thania ang braso ko habang nagtatatalon, oo parehas pa silang napatayo sa pagkakaupo dahil sa sinabi ko

Sinamaan ko sya ng tingin pero binalewala lang din nya, hinila ko na lang ang dalawa para ilayo sa hallway. Doon na lang kami sa field kung ganto rin naman na mag-iingay ang dalawang 'to.

Detective Hidden Cases UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon