2. Losing

5.4K 121 10
                                    


CHAPTER 2

Abala si Xavier sa pagbubuo ng isang miniature alarm nang mag-vibrate ang cell phone sa bulsa niya. Hindi niya pinansin iyon. Tinapos muna niya ang sequence ng mga components sa napakaliit na circuit.

Nang kunin niya ang cell phone sa kanyang bulsa ay wala na ang tawag. Si Ymago pala ang tumatawag.

Ano na naman kaya ang sadya sa kanya nito?

Ipagpapatuloy na sana niya ang ginagawa nang mag-vibrate uli ang cell phone niya. Sinagot niya iyon. “Ymago, what’s up?”

“I have a puzzle for you, Xavier,” anito na parang excited ang tono.
“Busy ako ngayon, eh.”

“Okay. Just come by within the week. Alam kong magugustuhan mo ang puzzle na ito.”

Ang huling puzzle na ipina-solve nito sa kanya ay kamuntik nang sumablay. Naubusan na siya ng oras. Mabuti na lang at umubra ang huling option na naisip niya. “Tungkol na naman ba 'yan sa isang taong  may atraso sa 'yo?”

“Sort of.”

Napailing siya. Mahirap din minsan ang kalagayan ng isang taong sobrang yaman. His whims were becoming more eccentric. “Saan ang setting?”

“Pag-usapan na lang natin kapag pumunta ka rito.”

“Sige, tatawagan kita kapag libre na ako.”

“Ano ba ang latest project mo ngayon, pañero?”

“Isang miniature alarm system.”

“What’s so special about it?”

“Nothing. Aside from the tiny mechanism that would set off the alarm at one hundred and ten decibels.”  

“Deafening.”

“Slightly.”

“Kapag natapos mo na, puwede ko bang makita?”

“Ymago, hindi mo na kailangan ang alarm na tulad ng ginagawa ko. All of your houses were equipped with state-of-the-art burglar alarm system.”

   “Pero gusto ko pa ring makita 'yan, pañero.”

“Okay, kapag natapos agad ito, dadalhin ko riyan.”

Nasa isip pa rin niya ang itinawag ni Ymago kahit matagal nang natapos ang pag-uusap nila. Ayaw na sana niyang mag-solve ng mga puzzles nito. Ngunit palagi namang nagagatungan ang curiosity niya tuwing may ipinaso-solve ito na puzzle sa kanya. Dahil walang ordinaryo sa mga puzzles nito.

“MOMMY, napuntahan n’yo na ba uli si Winona sa bahay nila?” tanong ni Alexis sa kanyang ina.

Nakalatag sa dining table nila ang mga classified ads mula sa lahat ng broadsheets nang araw na iyon. Tinitingnan niya kung alin sa mga job opening doon ang maaari niyang apply-an.

Mula nang manakawan sila ay malaking pagbabago na naman ang nangyari sa kanyang lifestyle. Hindi na siya maaaring umasa mula sa kanyang modelling jobs na paminsan-minsan lang. She needed a regular job. And she needed it badly.

“Hindi pa. Tumawag ako sa bahay nila pero ang sabi ng maid sa akin, nasa Subic daw. Doon muna yata sila ng anak niya habang nasa business conference sa Germany ang asawa niya.”

Ngumuso siya. “Mabuti pa sila, pa-travel-travel na lang.”

Pinsan niya si Winona. Nakapag-asawa ito ng mayaman at mabait kaya maayos na ang buhay nito. To think na noon ay inaapi-api lang nila ito.

“Kung narito nga lang sana si Winona, tiyak na matutulungan tayo ng pinsan mo sa problema natin.” Sa tono ng kanyang ina ay parang nawawalan na ito ng pag-asa. Napilitan itong isangla ang tinitirhan nilang bahay at lupa. Nagkataon pa na nagkasakit nang malubha ang panganay ng Kuya Miko niya. Tinulungan ito ng kanyang ina sa gastusin sa ospital. Kaunti na lang ang natira sa perang napagsanglaan.

Braveheart 24 Xavier Escuadro (Gorgeous Reprobate) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon