MAUREEN'S POV
" Nafefeel mo na ba, bakla?! " Sigaw noong kaibigan kong si Shane habang ngumingiti ng lubusan at tumatalon-talon pa sa sobrang tuwa, tiningnan ko ang kaibigan ko na para bang hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, which is true. Hindi ko maintindihan kung ano sinsabi niya. " Bakla, magpapasko na! Sem break is coming to town. " Pagpapaliwanag niya, nanlaki ang mga mata ko at napangiti na lamang sa sinabi niya.
" Oo nga no? Magpapasko na. " Sambit ko habang napatingin na lang sa kalendaryo na nasa pader ng classroom namin. Favorite kong araw ng taon ang pasko, hindi dahil sa sem break okay? Kundi dahil tuwing pasko kasi, bumabalik ako sa pagkabata. And alam ko naman na lahat naman ng tao hinihiling maging bata ulit, ngunit yun nga, hindi na mangyayari iyon.
" Ano plano niyo sa sem break mga besshywapers? " Tanong ng kaklase naming si Jane habang nakatingin saaming dalawa ni Shane, tumingin kaming dalawa sakanya atsaka nagisip ng magandang plano para sa sem break, medyo matagal din kasi, " Hmm... Actually wala talaga akong plano para sa sem break natin, pero napagisipisip ko na magsleepover ako kila Kuya sungit. " Sagot ko sa tanong kaklase namin, at nanlaki ang mga mata nito.
" Maureen, totoo ba yan? I mean, ang sungit-sungit ng lalaking iyon. At hindi naman kayo close diba? " Napangiti na lang ako ng malaki pagkasabi ni Shane ng mga katagang iyon, ewan ko. Pero feel ko na close na kami ni Kuya Sungit, bumait na ang ugok saakin eh, atsaka yung dating hindi mayabang ngayon naging mayabang kaya feel ko na naging close talaga kami.
Atsaka kababata ko yung mokong na iyon. Sadyang hindi lang halata. Kasi nga sabi nila ang tali-talino niya daw habang ako napakamangmang, bobo and many more chu chu. But I don't really care, kasi kahit bobo ako kung tawagin, mabait at kaaya-aya parin naman ako sa inyong paningin. Yiieee puwede na talaga akong sumali sa Ms. Universe de jowk.
Corny na kung corny. :p
" Shane, tulungan mo naman ako sa project natin sa T.L.E, oh. " Tinitigan ko ang kaibigan kong kasalukuyang inaayusan ang sarili ng napakatindi, kasi hindi ko naman mapagkakaila na magaling talaga ang gagang ito sa pagawa ng projects sa T.L.E, siya lang talaga ang nakakahabol sa mga pinapagawa ng titser namin, siya lang talaga. Pramis. Kahit sabihin ko na sobra ang pagkabait ng titser namin? Wala. Hindi talaga ako natututo.
Atsaka magbabakasyon nanaman. Ayaw ko naman yung may iniisip pa ako habang nagbabakasyon no, mas mainam na iyong natapos ko na lahat ng gagawin ko kaysa naman sa iniisip ko pa mga gagawin ko sa mga panahong iyon. Advance kasi ako magisip mga par. Huwag niyo na lang akong pansinin hehehe pero jowk lang yun.
" Ngayon ko lang naalala, Shane gagawa ka ng gift? " Bigla ko na lang ito naitanong, hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang malaman kung magbibigay siya ng regalo sa mga kaklase namin, kase hindi namin napagisipan na mag exchange gift ngayong year na ito. Tumingin saakin ang kaibigan ko atsaka umiling-iling.
" Bat nanaman ba Maureen? " Tanong ni Shane saakin habang nagiisip ng regalo na maaaring magustuhan ng mga titser namin, " Puta ang hirap magisip. " Sambit ko saaking sarili, bago tumunghay sa durungawan na nasa tabi ko. " Ahhh P.E nanaman pala ng ibang grade, buti pa sila. " Nakatatamad naman dito sa loob ng classroom, walang matinong magawa.
" Maureen, wala ka ba talagang nagugustuhan sa mga lalaki natin sa loob ng classroom? " Tanong ni Shane saakin, napaisip ako sa tanong niya. Kase hindi ko naman talaga iniintindi yung love love dito sa loob ng classroom namin eh. Sabi saakin ni mama ang ginagawa lang sa classroom ay magaral, hindi maglandian. Tapos kapag sinabi ko naman yung sinabi ni mama sa ibang tao dito sa loob ng classroom. Magagalit naman sila, kaya nagbabarahan kami kapag nahuli ng titser na walang ginagawa.
" Hoy, Maureen. " Narinig ko boses ni Shane, at doon ko na naalala na may tanong pala si gaga, tumingin ako sakanya bago umiling-iling at bumalik sa pagiisip ng gagawing regalo para sa mga titser at sa mga kaklase ko. " Kuya Sungit! " Napasigaw na lang ako bigla ng makita ko siyang nakaupo magisa sa upuan niya, " O, bat magisa ka nanaman? " Tanong ko sakanya habang nakatingin sa kung anong ginagawa niya.
Tumingin siya saakin ng dahan-dahan, " Inaantok lang ako, Mau. " Sambit niya bago muling ipinikit ang mga mata niya, " Say, may gagawin ka bang regalo para sa Christmas? " Gusto ko malaman, trip ko lang siguro si Kuya Sungit ngayon. Kahit ang sungit ng gagong ito kapag wala sa mood.
" Oo naman. " Sagot niya sa aking tanong bago muling iminulat ang kanyang mga mata at tumingin saakin, ngumiti ako sakanya bago binigyan siya ng thumbs up, " Kung gagawa ka man ng regalo. Sabay na lang tayo gumawa, Sean. " Nasabi ko pangalan niya imbis yung usual na tinatawag ko sakanya, napailing na lang ako bago bumalik sa kinauupuan ko dahil magkaklase nanaman.
Positive comments po
-taelogic © 2018
![](https://img.wattpad.com/cover/166784990-288-k646915.jpg)
BINABASA MO ANG
Kapag Nainlove Ka Sa Isang Bobo
Roman pour AdolescentsMay nakilala ka na bang kaklase mong buong klase niyo na tinatawag na bobo? Yung tipo ng kaklase na kahit anong turo at pagpapaliwanag sakanya wala parin talaga? Ang natatanging tao sa loob ng classroom niyo na hindi makaintindi kasi hindi tinatangg...