Quatro

119 4 0
                                    

MAUREEN'S POV



" Anong klaseng regalo ba'ng gagawin mo? " Tanong ni Kuya sungit saakin habang nakatingin sa isang buong plastic ng pinaghalohalong, bond paper at construction paper. " Madali lang naman siya eh, malapit ko na ngang magawa yung isa. Para kay Teacher Ana. " Sambit ko habang inilabas ang isang bote ng mayonaise.

" Ahh, so pupunuin mo yan ng mga compliments para sa mga teachers? Galing naman. " Sabi niya atsaka ngumiti saakin, shet. Bat kailangan niyang ngumiti? Napatingin ako sa kabilang direksyon sa ginawa niya tuloy, kasi bigla na lang akong nakaramdam ng init sa pisngi ko. Sheme. Whut the pak?

" Oh, anong nangyari Mau? " Tanong niya saakin, sheme. Ano, ba Kuya sungit? Putek I'm trying so hard to do something with this shitty heat on my face. Lol, nagenglish na ako. Tsk. Tsk. Hinablot ko yung surgical mask sa loob ng cabinet ko atsaka ito sinuot at tumingin sakanya, na parang walang nangyari.

" Pfft, ginagawa mo? " Sambit niya atsaka tumawa ng malakas saakin ng makitang nakasuot ako ng surgical mask, lumapit siya saakin atsaka hinablot yung mask sa mukha ko, ng magawa niya iyon, agad-agad kong tinakpan mukha ko at lumabas ng kuwarto papasok sa banyo. Pakshet. Bat ganyan siya ngayon?

Nang makalabas ako ng banyo, nagsimula na siyang gawin yung regalo niya para sa nabunot niya, napakamot tuloy ako sa ulo. Pano ba naman kasi, eh ang sosyal ng ginagawa niya. Magaling din kasi itong lalaking to sa gawang kamay, mga talented na tao nga naman oh. Nakababanas. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. " Okay, ka na ba? " Tanong niya habang ginagawa yung regalo niya. Tumango ako sa tanong niya atsaka nagsimula muling magsulat ng mga compliments.

" Alam mo, Maureen. Hindi ko talaga alam kung anong meron saiyo. " Bigla niyang sabi, napatingin ako sakanya ngunit hindi ko makita kung anong ekspresyon ang nakapinta sa mukha niya, " Ikaw lang kaya nakagagawang magpatawa saakin ng ganito. " Dagdag niya at iyon ang nagpalaki sa mga mata ko. Pinagsasabi ng pangit na ito? Ay, pangit tuloy. Gwapo nga pala ito.

Shet. Pakshet, namumula nanaman ako. " Nagpapakilig ka kang no? " Tanong ko sakanya tapos ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko at pumikit, palapit siya ng palapit. Oh my goodness...

" Ate Maureen! " Narinig ko ang boses ng kapatid ko na si Kurt sa background nung hahalikan na ako ni Sean, shet... Isang panaginip? Halla, pinagpawisan ako ng sobra-sobra sa tulog ko ah, grabe naman.

Napatingin na lang ako sa kapatid ko atsaka muling ipinikit ang aking mga mata, at dahan-dahang tumayo sa pagkakahiga ko. " Nakapapagod... " Sambit ko sa aking sarili nung marinig ko ang nakakainis na boses ng kapatid ko.

" Ano kayang nakapapagod sa pagtulog? Maligo ka na nga! Hinahanap ka na ni Mama sa baba Ate. " Sigaw ng kapatid ko saakin, napailing na lang ako sa sinabi niya at agad-agad na pumasok sa banyo para makapaghanda na.

Punyeta. Mag aalas-quatro pa lang oh. " Bahala na nga. " Nakakainis naman kasi, bat ganito kaaga sila manggising, putek hindi ba sila nakakaramdam na gusto ko pang matulog ng matagal eh.

Kung kailan maganda panaginip ng tao, mangbubulabog sila. Sa susunod nga, ako rin. Ng maranasan din nila kung gaano nakakainis ang ganitong sitwasyon. Bat nga ba si Sean laging laman ng utak ko?

Ipinikit ko ang mga mata ko atasaka binuksan ang shower, ang lamig... Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig na dumadaloy sa iba't ibang bahagi ng aking katawan.

Matapos ang nangyari sa loob ng banyo, malamang nagbihis ako ng panglabas, kaya naman pala ang aga-aga nilang nanggising ay kasi naman, simbang gabi. Nakapagtataka nga lang, kasi sabi nila simbang gabi, pero madaling araw ginaganap. Parang bobo lang.

Napakamot na lang ako sa ulo, ng makalabas ako ng kuwarto ko suot-suot ang damit panlabas na inayos ko kanina pa bago ako pumasok sa banyo, dahan-dahan kong sinuot yung sapatos ko bago naglakad papuntang labas.

" Nakaaantok... " Sambit ko sa sarili ko bago napaupo sa labas, " Tangina... Ang bagal nilang kumilos... Mas nauna pa akong lumabas. " Nakaiinis naman kasi, paano ba naman kasi, sila nanggising tapos kung sino pa yung ginising siya pa yung mas naunang matapos kumilos, kaysa sa mga taong matagal ng ready...

" Hay... Buhay... " Napapikit ko na lamang ang aking mga mata at niyakap ang aking mga tuhod habang nakaupo sa tabi ng kalsada naghihintay kay Kurt at kay Mama.

" Oh, anong ginagawa mo diyan? " Narinig kong tanong ng isang boses na sobrang pamilyar saakin, noong iminulat ko ang aking mga mata nakita ko siya - si Kuya Sungit lang naman pala, " Naisipan mo pa talagang matulog diyan ah. Galeng. " Sabi niya saakin atsaka tinanggal yung jacket na gamit niya at isinuot saakin.

" Thank- " Hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi bigla na lang niya akong hinila papunta sakanya atsaka inilagay ang aking ulo sa kanyang balikat, " Diba? Mas komportable ka sa posisyon na ito? " Tanong niya saakin na siya namang aking inoohan.

" Tulog ka na muna... Gigisingin na lang kita mamaya pag aalis na... "

Noong narinig ko yung mga katagang iyon, agad akong nakatulog ng mahimbing...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kapag Nainlove Ka Sa Isang BoboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon