Tumunog ang cellphone ni Loisa kaya naman kinuha nya ito at sinagot.
"Girlfriend, nakita ko yung waitress mo dito sa resort, kasama nya si Jhared. Sabihin mo nga sakin, sila ba?" tanong ni Rizza.
"You are right girlfriend, sabi ni Jhared in two weeks time daw, ikakasal na sila, dyan mismo sa resort"
"Oh-My-God!! Ganon kabilis? sige girlfriend later nalang ulit. I need to find that Jhared"
"Okay, be nice to him" at nag-end na yung call.
o O o
"Oh anong sabi ni Loisa?" tanong ni Victor.
"In two weeks, ikakasal daw si Sheena kay Jhared"
"What? so nagtapat na pala yung mokong na yun"
"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Rizza.
"Si Jhared kasi, matagal na nyang gusto si Sheena" saad ni Victor.
"Talaga? so kung ikakasal na sila, siguro may gusto rin si Sheena sa kanya"
"Siguro nga, Lovey wag na naten sila istorbohin ah! They need privacy" lumapit ito kay Rizza at hinapit ang beywang "As well as we"
"Ang pilyo mo talaga" halatang kinikilig na sabi ni Rizza.
"Ssssh" sabay halik nito sa labi ni Rizza.
Maya-maya'y may kumatok sa pintuan.
"Istorbo naman oh, teka Lovey, sasapakin ko lang yun"
"Haha, adik ka talaga" tawa naman ni Rizza.
Silang dalawa ang nagbukas ng pinto at ready nang manapak yung isa nang malaman nilang si Jhared yun.
"Jhared, ikaw pala" si Rizza.
"Here. Invitation sa kasal namin ni Sheena" sabay abot nito ng isang kulay lavender na sobre.
"Uyy! Ikakasal na sya. Pano ka nga pala nagpropose?" si Rizza.
"A-ah! mahabang kwento"
"Naku Lovey, nahihiya lang yan. Wag mo na kasing tanungin. Pero teka nga tol, kailan ka ba nag-propose, ambilis eh" si Victor.
"Haha, kayo talagang dalawa, napaka-chismoso nyo. Iku-kwento nalang namen yun sa reception"
"Sige, congrats ah" bati ni Rizza.
"Congrats bro, ingatan mo yun ahh" si Victor.
"Thank you, sige alis na ko"
"Bye"
o O o
Pagkatapos pumunta ni Jhared sa kwarto nila Victor at Rizza ay dumiretso ito sa may kwarto ni Sheena.
"Sweetie, tara alis na tayo"
"Tse! Sweetie ka dyan. Pwede ba tigil-tigilan mo 'ko" naka-titig ito sa binata habang nagsasalita.
Parang na hypnotize naman si Jhared kaya lumapit ito sa dalaga at hinapit ang beywang nito. Inilapit nya ang mukha kay Sheena at hinawakan niya ang mukha nito. Namula naman si Sheena at kinakabahan sa ginagawa ng lalaki.
"Ano ba, lumayo ka nga sakin'' saka pinipilit ilayo ang katawan nito sa binata, pero useless lang dahil malakas ang lalaki.
''Bakit ako lalayo? Mas gusto ko nga ito eh malapit ako sayo tsaka magiging asawa na naman kita kaya ayos lang kung ... alam mo na'' sabay ngiti nitong may ibang kahulugan.
''A-ang manyak mo talaga"
"Oh look Sweetie. you're stuttering. Does that mean you're disturbed by my presence?" mas lalo pa nito nilapit ang mukha.
BINABASA MO ANG
Damn Feelings (Under Editing)
Teen FictionLoisa "I'm stuck between two annoying guys - The Bastard and Monster" Rizza "I'm stuck with the same man - with the same sweet, caring but well, Annoying too." Miguelito/Mikah "I'm stuck with a million hot guys and I want them all."