Chapter Nine - - The Epic 'Fail?' Wedding

162 10 0
                                    

(A/N: You're invited to the Grandest Wedding of the Millenium XD Haha, charot lang. Kasal na po pala nila Sheena at Jhared. Sensya na po kung di gaanong maganda, hindi pa naman kase ako ikinakasal, malay ko ba dun, ewan nga rin po kung tama ba mga inilagay ko eh! Intindihin nyo nalang.)

Tick. Tock. Tick. Tock. Kringggg ...

"Mmm, istorbong alarm clock, inaantok pa ko eh" sinasabi ni Sheena habang nakasubsob ang mukha sa unan.

5 minutes na ang nakakalipas ay tumutunog parin yung alarm clock, kaya naman kinuha na ito ni Sheena at hinagis sa kung saan kaya nagkalasog-lasog ito.

Kinuha naman niya ang cellphone nya sa ilalim ng unan at kung suswertihin ka nga naman LOWBAT PA!

Tumayo sya para hanapin yung charger nya. Hanap sa kama, hanap sa cabinet, hanap sa ilalim ng sofa, hanap sa plantsahan, hanap sa labahan, hanap sa loob ng washing machine ...

"Ano ba yan, nasan na ba yung charger na yun. Lakas ng loob mag-gala, hindi man lang nagpaalam" sinasabi ni Sheena habang papasok ng cr.

Umupo sya sa bowl habang ginagawa yung rituals nya at pakanta kanta pa sya nang mapatingala sya at nakita yung charger nya na nakasampay kasama nung mga bra at panty nya.

"Hoy charger, andyan ka lang pala. Teka, anong ginagawa mo dyan? Nakikipag-date? Sa mga panty ko pa talaga ahh, di ka na nahiya, buti pa si cellpho -- aba, cellphone ikaw naman ang nawawala. Binibuild up na kita eh, gumagaya ka ahh. Ano? Kanino ka naman nakikipag-date?" sigaw ni Sheena habang palabas ng cr.

After 1 minute, parang dinaanan ng bagyo ang kwarto nya. Nagkalat ang mga damit nya, nakabaliktad yung sofa ultimo yung nananahimik na kama dinamay.

"Nasan na ba kasi - " napahinto sya sa pagwasak ng kwarto nya nang marealize nya na hawak hawak pala nya yung cellphone. "Ay ang tanga. Ang tanga mo talagang cellphone ka, di ka man lang nagsasalita dyan" yamot na sabi nito.

Chinarge nya muna yung phone nya tsaka lumabas ng kwarto. Pagbaba nya, nagtaka sya dahil ang tahimik ng bahay.

"Ow shet, nanakawan ba kame? Na-hostage ba sina Mama? Omygosh ang tatanga naman nila, si Mama pa naisipang i-hostage, eh amazona yun. Patay sila dun, haaay makakain na nga lang" Pumunta sya sa may kusina at ininit na lamang ang ulam at tirang kanin nila kagabi.

"Hmm, tsalap tsalap ng pagkain. Syempre naman ako ata nag-init nito" Wow! Proud pa sya -_-

Pagkatapos nyang kumain ay bumalik na sya sa kwarto at tiningnan ang cellphone nya.

O_____O "94 messages? Kanino kaya galing?"

Binuksan nya yung inbox nya na pawang galing kina Loisa, Rizza at Mikah at ang tanging nakalagay ay 'Hoy, nasan ka na?' 'Tanghali na, bangon na' ' Punta ka na dito' 'Late ka na hoy' 'Girl, gora ka na here'

"Late? Eh hindi naman ako estudyante, pinagloloko ata ako ng mga 'to eh. Ang o-oa nila ahh. Hmm, baka naman late na ko sa trabaho, eh pero teka, sa Valentin Resort pa ako ngayon nagtatrabaho hindi sa Phoenix Paradise Cafe"

Down to last text message ... "Hulaan ko, ang nakalagay dito ay late na --"

Text from Loisa - 'Babae, may balak ka pa bang magpakasal?'

"OMYGAAAHD, LATE NA NGA AKO, LATE NA KO SA KASAL KO. MAY KASAL PALA AKONG PUPUNTAHAN."

Dali-dali syang tumayo at naligo at umalis na ng bahay at dumiretso sa 'Phoenix Paradise Cafe' dahil sina Loisa ang mag-aayos sa kanya.

Pagdating nya don ay akala mo sasabak sya sa giyera dahil nagwawala talaga si Loisa.

"Hoy babae, dumating ka din. Bakit ngayon ka lang hah? Wag mong sabihing nakalimutan mo?" si Loisa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Damn Feelings (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon