(A/N: Before magsembreak at magvacation sila Rizza at Victor. School po ang setting)
"Lovey, date naman tayo bukas" yaya ni Victor.
"Busy ako, can't you see?" si Rizza habang nagsusulat.
"Okay" nakayukong sabi ni Victor.
Dahil hindi na sya pinapansin ni Rizza ay tumayo na ito at bumalik sa pwesto.
Maya-maya'y nilapitan si Victor ni Mylene - ang nakakasukang classmate nila dahil sa kalandian.
"Hi Victor, so are you single na? Samahan mo naman ako maglunch, iniwan kase ako ng mga friends ko eh"
"HINDI PWEDE" biglang sigaw ni Rizza.
"And why?" si Mylene.
"Alam mo kase Mylene, may GIRLFRIEND NA yung niyayaya mo at may DATE kame mamaya, diba LOVEY?"
"Ah oo, sorry Mylene ah, si girlfriend muna"
Umasim naman ang mukha ni Mylene at tinitigan si Rizza mula ulo hanggang paa bago umalis.
"Lovey, totoo bang may date tayo mamaya?"
"Kung ayaw mo, edi samahan mo si Mylene MO, sa LUNCHDATE NYO" sabay balik sa upuan.
"Uyy, my Lovey is jealous"
"Tse!"
o O o
Lunchtime:
Kasalukuyang nasa canteen si Rizza habang bumibili si Victor ng pagkain nang lumapit ulit sa kanya si Mylene.
"Hey Victor, kunwari ka pang may date kayo ni Rizza ah, ako naman pala ang gusto mong kasabay kumain. Uy, para sakin ba yang cupcake?"
"Ha? Hindi"
"Kunwari ka pa eh kaya ka nga nandito kase sasamahan mo ko maglunch? How sweet naman" sabay hawak sa braso ni Victor.
"Ah sorry Mylene, pero - "
"Don't be sorry honey, alam ko namang pinagtitiisan mo lang yung Rizza na yun. Ako naman talaga ang gusto mo diba?"
"Mylene - "
"Hoy malanding linta, bitawan mo ang BOYFRIEND KO" sabay hablot ni Rizza sa buhok ni Mylene.
"Ouchhh! OMYGAHDD, My hair, my curly gorgeous hair" pag-iinarte ni Mylene.
"Lowey, awat na" si Victor.
"Anong awat na? Harap-harapang nilalandi ang BOYFRIEND KO ng malanding lintang to, what do you expect me to do? Ngitian sya? Kaibiganin sya? Ano ko tanga?"
"GIRLFRIENDDD!!! Tama na yan" biglang awat ni Loisa na kakarating lang sa canteen.
Binitawan naman ni Rizza yung 'curly gorgeous hair' daw ni Mylene, Pwe!
"Subukan mong landiin ulit ang boyfriend ko, may paglalagyan talaga yang buhok mo" banta ni Rizza habang hinihila sya ni Loisa palabas ng canteen.
Nang makalabas sila ng canteen ay dumiretso sila sa classroom nila Rizza at Victor.
BINABASA MO ANG
Damn Feelings (Under Editing)
Teen FictionLoisa "I'm stuck between two annoying guys - The Bastard and Monster" Rizza "I'm stuck with the same man - with the same sweet, caring but well, Annoying too." Miguelito/Mikah "I'm stuck with a million hot guys and I want them all."