Eloise

817 16 0
                                    

She could only watch at the buildings as they passed by. Pinasakay siya ng estranghero sa sasakyan nito at dahil naunahan siya ng takot ay sumunod siya rito.

Sinubukan niya itong kausapin. Tinanong niya ang pangalan nito at kung saan sila pupunta, ngunit hindi siya nito sinagot.

Sa puntong 'yun, dapat ay nagwala na siya o gumawa ng kahit ano para makawala mula rito, ngunit nanatili lang siya roon. She sat still as a rock.

Her years as a slave of the Pardo de Taveras had conditioned her to be submissive. Akala niya na nang makawala siya ay nag-iba na 'yun, ngunit hindi pala. It only takes someone like the Pardo de Taveras to make her feel like a slave again.

Ang pinakamalalang magagawa nito sa kanya ay ang patayin siya. Siguro'y hindi na rin 'yun masama. Ayaw na niyang bumalik sa pagiging alipin. If death was the closest she could get to freedom, she'll take it.

Patawarin mo 'ko, Clarisse. Baka 'di na kita mailigtas pa.

Wala siyang pinagsisisihan sa ginawang pagtakas. Kung papipiliin siya ulit ay gagawin pa rin niya ang ginawa niya ngayon, kahit na ang kakahantungan niyon ay kamatayan niya.

She started praying in her head. She hopes heaven is as good as they say it is.

Ilang sandali pa ay wala na sila sa main road. Mabato at makitid na daan na ang tinatahak nila. Puro mga kahoy at halaman ang makikita sa paligid. There were no houses in sight.

Hindi niya alam kung ilang minuto silang nasa biyahe, ngunit sa wakas ay may nakita siyang higanteng bakal na tarangkahan sa 'di kalayuan.

Bumaba ang lalaki at binuksan iyon, bago bumalik at minaniobra ang sasakyan papasok. There was a long stretch of road, but not further away was an old mansion that looked abandoned.

Tiyak na walang makakaalam na namatay siya. No one will find her corpse there.

Nang makarating sila malapit sa mansiyon ay pinatay ng lalaki ang makina ng kotse at lumabas. Binuksan nito ang pinto niya.

Hindi niya maigalaw ang katawan. She was trembling in fear. Naiiyak na siya, that last-minute in-denial feeling.

"Bumaba ka." Nothing about his look or his voice was friendly.

Nang hindi pa rin siya bumaba ay hinila na siya nito sa kamay. Papasok na sila ng mansiyon.

Hindi niya inasahan na magiging malawak, malinis, at maliwanag ang loob ng mansiyon. Walang ibang tao roon.

Umakyat sila ng hagdan at lumiko sa kaliwa kung saan may hilera ng mga pinto sa magkabilang dako. Pumasok sila sa dulong kuwarto. Noon siya nito pinakawalan.

"Sino ka ba? Nasa'n tayo? Ba't mo ko dinala rito?" sunod-sunod na tanong niya. Gusto niyang maintindihan kung bakit nagyayari ito sa kanya.

He looked at her, really looked at her, and that's when she saw his eyes were dead. It was far from the eyes she saw the first time she met him.

Noon lang siya nakakita ng ganoong mga mata. Kahit ang mga nang-alipin sa kanya ay hindi gano'n na patay ang mga mata. Kung hindi galit ay may pandidiri o pamamaliit sa mga mata ng mga ito. There was always some emotion. But this guy...

Ang sabi nga nila ay ang mga mata ang bintana sa kaluluwa ng isang tao, pero wala siyang maaninag sa mga mata ng lalaki.

"My name's Damon Nable Jose. Nandito tayo sa mansiyon ko. And you are here because you are my enemy."

Naguguluhan siya sa sinasabi nito. Paano niya naging kaaway ito, e noon pa lang niya ito nakita?

"You are not who you say you are. Eloise Maquiling?" Kinuha nito mula sa bulsa ang kuwintas na nalaglag niya kanina. "You're a Pardo de Tavera. Ito ang patunay."

"N-Nagkakamali ka---"

"This is a personal, rare item that bears the emblem of the Pardo de Taveras. Hindi kung sinu-sino lang ang magkakaroon nito."

Kapag inamin niya rito na tumakas siya sa Los Chavez at ang kuwintas ay ninakaw ng kaibigan niya, hindi kaya ay ipapahamak niya hindi lang ang sarili niya kundi pati si Clarisse?

"Hindi ko alam kung ano ang nakain mo at nangahas kang tumuntong sa Las Cruces. You just brought about your and your whole clan's death sentence."

"H-Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin." Umiiyak na siya. She was so freaking scared of what was happening.

"What were you thinking? Did someone put you up for this?" Humakbang ito palapit sa kanya. Umatras siya.

"Ano'ng balak n'yo? Ang magsimula uli ng panibagong gulo?"

Umiling siya.

"Wala akong masamang balak. Pakiusap, palayain mo na ako. Pangako, wala akong pagsasabihan. Pakawalan mo lang ako."

"You're not going anywhere, until I make sure you won't cause any trouble."

Wala siyang alam sa binabanggit nitong gusot sa pagitan ng pamilya nito at ng mga Pardo de Tavera. Hindi niya alam kung ano ang totoong kalagayan ng mga bagay sa lugar nila. Ano ba kasi ang nangyari?

"Strip."

Natigilan siya.

"Strip." ulit nito.

Umiling siya. Wala ng pagtigil ang pag-agos ng mga luha niya.

"Pakiusap..." pagsusumamo niya rito.

"Ang sabi ko, maghubad ka."

Pakiramdam niya ay masusuka siya.

"Pakiusap, maawa ka." She held on to her clothes more.

"Kung gusto mong makaalis rito ng buhay, sundin mo ang gusto ko."

Ilang sandali pa ay humahagulgol siyang sinunod ang utos nito. Nanginginig ang mga kamay niya habang binababa ang palda at inaalis ang t-shirt.

She was now in her underwear before him, and she wanted to hide under the bed covers, so he can't look at her body.

"Take off everything." Nakatingin lang ito sa kanya, walang mababakas na awa sa kanya.

"'Wag...pakiusap, 'wag."

"Kung hindi mo gagawin, ako ang gagawa."

Lumala ang paghagulgol niya. Mabagal na inalis niya ang mga panloob.

"Now, leave your things on the floor and then, lie on the bed."

Ilang sandali pa bago siya sumunod rito.

"'Wag kang gumalaw hangga't hindi ako nakakalabas ng kuwarto."

Kinuha nito ang mga gamit niya at naglakad patungo sa pinto. When she heard him leave, she immediately rushed to the door.

Sinubukan niyang buksan iyon ngunit naka-lock na ang pinto.

"Palabasin mo 'ko. Pakiusap. Maawa ka." she screamed as she banged on the door.

Pero wala na ang lalaki.

Dark & Darker | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon