Cheska

759 15 0
                                    

"Masaya akong makita ka uli, Cheska." She missed that sweet, gentle, singsong voice of her sister. Pinagmasdan niya ito. Dati pa man, sa kanilang magkakapatid ay ito na ang pinakamaganda. The features of her parents blended perfectly well in her Ate Christina's face. Kaya hindi na siya nagtaka na noong nagdadalaga sila ay halos lahat ng mga pumupunta sa bahay nila ay mga manliligaw nito. Nagkaroon ito ng mga nobyo, ngunit sa huli ay wala itong nakatuluyan.
As it is, her sister was chosen for a special mission. Isa na itong mongha ngayon, sa ilalim ng religious order na Poor Clares ng bayan ng Casablanca. It was a few hours' drive away from Esperanza.

"I'm glad to see you too." Hanggang kamay lang ang kaya niyang hawakan rito. They were separated by bars.

"Para yatang may problema ka." pansin nito.

Malungkot na napangiti siya. Wala talagang nakakalampas rito.

"Puwede mong sabihin sa 'kin kung ano man 'yang gumagambala sa'yo. Makikinig ako."

It was a relief to hear that from somebody. Ang bigat ng dala-dala niya sa dibdib. Gusto niyang may mapagbuhusan niyon. But she can't share it to just anybody; she needed someone she could trust and someone who cares for her. Kaya nga nagsadya talaga siya roon.

"I...I'm going to get engaged tomorrow."

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito.

"Hindi mo nabanggit na may nakapalagayan ka na pala ng loob no'ng huli mong pagbisita rito. No'ng isang buwan pa ang huli mong dalaw sa 'kin. Ga'no na kayo katagal?"

"Wala kaming relasyon. Remember Baptiste? Mommyla arranged me with him."

Umawang ng kaunti ang bibig nito.

"Pumayag ka?"

She bit her lip, and slowly nodded.

"Anong rason mo para sa pagpayag?" Nagtataka ang tingin nito sa kanya.

"G-Gusto ko si Baptiste."

Halatang gulat ang kapatid niya at pinipigilan lang nito ang mag-react ng sobra.

"I've fallen in love with him since a long time ago." dagdag pa niya.

"At siya? Ano ang nararamdaman n'ya para sa'yo?"

Nag-iwas siya ng tingin.

"H-Hindi ko alam. Pero pumayag naman s'ya na ma-engage sa 'kin." After I made a fool of myself by putting his thing inside my mouth.

Sandali itong natahimik.

"Ang pagpapakasal ay isang napakalaking commitment, Cheska. Isang commitment ng dalawang taong nagmamahalan para sa isa't isa."

Hindi niya alam kung bakit na-disappoint siya roon.

"Mukhang hindi 'yun ang inaasahan mong marinig mula sa 'kin." obserba nito.

Mabilis siyang umiling.

"What makes you say that? Kaya nga ako pumunta rito para manghingi ng guidance."

Tinitigan siya nito.

"Marriage takes some work. It's a two- persons job. Hindi magiging madali ang buhay mag-asawa. Pero kung mahal n'yo ang isa't isa, ano man ang pagdaanan n'yo, malalampasan n'yo ng magkasama." Pinisil nito ang kamay niya. "Kaya isipin mo, kung ikaw lang ang nagmamahal at ikaw lang ang willing trabahuin ang samahan n'yo, makakaya mo ba ang isang bagay na dapat tinatrabaho ng dalawang tao?"

Ayaw man niyang aminin ay tama ito.
Ngunit ayaw pa rin niyang sumuko.

"But what if he falls in love with me along the way? Puwede naman niya akong matutuhan mahalin. I could make him fall in love with me."

Dark & Darker | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon