Brooke

2.3K 33 0
                                    

There is a saying in Las Cruces, "A Nable Jose will always find himself coming home."

Brooke dreaded that trip. Ngunit sadya yatang pinaglalaruan siya ng tadhana dahil ngayon ay lulan siya ng bus papuntang Las Cruces.

Labing-walong taong gulang siya ng huli siyang nandoon. She's now twenty eight.

Sa Hong Kong na sila namalagi ng daddy niya. Sa tuwing umuuwi sila ng Pilipinas, hindi sila nagpupunta sa Las Cruces.

Kung ano man ang dahilan ng daddy niya para hindi bumalik roon ay hindi na niya inalam. She had her own reason not to go back to that town.

Now, there was no choice for her but to visit the place again. She had been summoned by her Ingkung.

Kahit wala na siyang masyadong maalala sa kabataan niya ay malinaw pa rin ang memorya niya tungkol sa matandang lalaki.

She remembered the trembling of her knees whenever he was around. Kahit ang mga pasaway at salbahe niyang mga pinsan ay natatakot kay Ingkung.
Tingin lang nito ay sapat na para magtino sila.

Ingkung was a formidable presence, as was fitting for the head of one of the most powerful families in their region.

Kahit isa na siyang bise presidente ng kompanya na may hawak nang mahigit isang daang empleyado ay para pa rin siyang bata pagdating kay Ingkung. The old man has that effect on everyone, especially the people in their family.

He wanted her to go back to Las Cruces for an important matter. Hindi nito sinabi kung ano iyon, malalaman na lang daw niya pagdating niya roon.
Of course, it wasn't a request. Juan Miguel Nable Jose never makes requests. He commands. At kapag nag-utos ito, kailangang sumunod.

Hindi maganda ang kutob niya. A part of her wants to turn around, hop on the earliest plane to Hong Kong, and never speak to anyone in her family ever again.

Pero may parte rin ng pagkatao niya ang nais usisain kung ano ang gustong pag-usapan ni Ingkung sa kanya.

Curiosity killed the cat, sabi ng isang bahagi ng utak niya. Well, I'll just have to pray that like a cat, I'll also have nine lives, the other part of her brain tried to be positive.

Huminto ang bus. Hinawi niya ang kurtina at tumanaw sa labas ng bintana. Nasa bus terminal na pala sila ng Esperanza.

Kailangan na niyang bumaba roon. Someone will pick her up from there. Mula roon ay tatlong oras ang biyahe bago makarating sa Las Cruces.

Isang maleta at bag ang dala niya para sa lakad na iyon. She's expecting to be there for only two weeks.

Matapos kunin ang mga gamit mula sa lalagyan sa ilalim ng bus ay hinanap na niya ang sundo.

Ang sabi sa kanya ay isang Mang Pepito ang sasalubong sa kanya. May isang lalaking naglalakad patungo sa kanya at nakataas ang isa nitong kamay para matawag ang kanyang atensiyon.

He was wearing shades, a crisp white shirt, and faded jeans. Matangkad ito at matipuno. He looked younger than she expected, maybe just a few years older than her.

Nang makalapit ito ay tinanggal nito ang shades at saka lang niya ito namukhaan.

"O-Odin?" Nabigla siyang makita ito.  Ang tagal na niyang hindi nababanggit ang pangalang 'yun. Ang tagal na niyang hindi ito nakita.

Ang laki ng pinagbago nito. Mas gumuwapo ito at mas gumanda ang pangangatawan. He seemed more confident in his stride, more cultured in his movement, and more commanding in his demeanor. Parang ang laki rin ng isineryoso nito sa buhay. Wala na ang dating ngiti at ang dating tingin ng binatang buntot nang buntot sa kanya dati.

Ngayong nakatingin siya sa mga mata nito ay pakiramdam niya ay hindi na niya ito kilala.

The corners of his lips lifted, but it was not quite a smile. His eyes were careful.

"Brooke. Ang tagal na nating hindi nagkita." Even his voice was deeper. Something tingled in her spine.

"Oo nga. Halos hindi na kita nakilala."
She tried to brush off the uneasy feeling in her stomach.

"You look great." Kung ibang babae siguro iyon ay kikiligin na. But she knew he was just being polite. Dati, kung sinabi nitong siya ang pinakamagandang babae sa paningin nito ay maniniwala siya. Pero ngayong nakita niya ito ay duda siyang hindi ito nauubusan ng mga magagandang babaeng umaaligid rito, mga babaeng mas maganda at mas sexy pa sa kanya.

He was no longer that geeky teen, who looked at her like she was the sun. Malamang na ngayong mas lumawak na ang mundo nito, napagtanto nitong hindi pala siya ang pinakamagandang nilalang sa mundo.

That thought discouraged her.

"Ikaw ba ang susundo sa 'kin? Ang akala ko si Mang Pepito." pag-iiba niya ng usapan.

"Hindi makakapunta si Mang Pepito, e. Tinawagan n'ya ako kasi alam n'ya na nandito ako for some business. Pauwi na rin naman ako, kaya dinaanan na kita."

In her head, she was thinking how she could survive three hours in the car with him.

"We should get going then, nang maaga tayong makarating sa Las Cruces. Mahaba pa naman ang biyahe." sabi na lang niya.

Tumango ito. Kinuha nito mula sa kanya ang mga dala niyang bag at sumunod siya rito papunta sa sasakyan nito.

As she was staring at his broad shoulders and wide back, she still couldn't believe that the boy she used to know was now gone. He was replaced by a man, who made her nervous in many different ways.

Dark & Darker | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon