Brooke

1.1K 25 4
                                    

It was Saturday evening. Parang ang bilis ng takbo ng oras. Hindi siya lumabas ng araw na iyon. Bukod sa masama ang pakiramdam niya mula sa paglalasing noong nakaraang gabi ay wala rin naman siyang ganang magliwaliw kung saan-saan.

Papunta siya sa kung saan ginaganap ang kasiyahan.

She was about to round a corner in the hallway when she heard someone talking.

"Look, sigurado ka ba talaga d'yan? It could be a false positive. May mga ganyan namang pangyayari, 'di ba?" Pagtingin niya kung sino iyon ay nakita niya si Soren na nakatayo, nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nito nakita agad. May kausap ito sa cellphone.

"Alam ko na mas may alam ka naman sa mga ganyang bagay kesa sa 'kin. Okay, okay. Relax. I'm not doubting you or anything. I just want to make sure we're not jumping to conclusions here. Baka nag-aalala lang tayo sa wala."

She felt bad for eavesdropping. Aalis na sana siya pero napahinto siya sa sumunod nitong sinabi.

"'Wag kang mag-panic. We'll think of something. Basta, 'wag ka munang magsasalita kay Odin tungkol rito hangga't hindi ko sinasabi."

Anong hindi dapat malaman ni Odin? Sino ba ang kausap nito?

"Hey, don't blame it all on me. Pareho tayong lasing ng gabing 'yun."

Masama na ang kutob niya. Napalingon naman si Soren at tila nakakita ito ng multo nang mapagtantong hindi ito nag-iisa.

"S-Sige na. I have to go." Minadali nitong ligpitin ang cellphone.

"Who was that?" Pinili niyang komprontahin ito.

"Oh, that? Wala, kaibigan ko lang."

"And you were talking with your friend about Odin?"

Soren's face hardened.

"Soren?" Anong pilit tinatago nito sa kanya?

Hindi niya inalis ang tingin rito hanggang sa napabuga na lang ito ng hangin.

"Please, Brooke. Lubayan mo na 'to, kung ayaw mong masabit sa gulo."

Mas lalo lang siyang naintriga.

"What is it, Soren? Tell me the truth. At 'wag kang magtangkang magsinungaling dahil malalaman ko kung nagsasabi ka nga ng totoo o hindi."

Nagmamakaawa ang tingin nito sa kanya. Ngunit hindi siya umatras.

"We should really go to the party now. Baka tayo na lang ang wala roon." Sinubukan nitong umalis, pero hinarangan niya ito.

"Brooke, I mean it. Stay away from this." Nagbabanta na ang mga mata nito.

"You'll have to hurt me first." She is not backing down.

"Shit." mura nito. He was muttering unintelligible words. Sa huli ay bumuntong hininga na lang ito.

"Kung gusto mo talagang malaman, fine. But you have to promise me that what I'm about to say to you should stay between us."

Hindi niya alam kung dapat bang mangako siya ng ganoon.

"Kung hindi makakasama sa'yo o sa iba ang paglilihim ko ng sikreto mo, I'll shut my mouth about it."

"No, that's not good enough. You have to promise me that no matter what, you'll keep this secret to yourself. It's that or you'll know nothing at all from me."

Sandali siyang nag-isip. Kalaunan ay pilit siyang napatango.

Huminga muna ito bago nagsalita.

"A few weeks ago, Odin and Essa had a fight. That was before they were engaged. Nagkataon lang na naroon ako sa club nang umiinom s'ya do'n at nagpapalipas ng sama ng loob. I drank with her, just as what any good friend would do when their friend's heartbroken. We became too drunk. One thing led to another." pagbubunyag nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark & Darker | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon