Brooke

666 16 3
                                    

She needed some fresh air, so she fought her way through a sea of sweaty, moving bodies in the club. Magkakalahating oras na rin siyang naghihintay kay Soren, ngunit hindi pa rin ito bumabalik.

Para siyang nahimasmasan nang makarating sa labas. Napasandal siya sa pader. 

A few moments later, a familiar car pulled up not far away. Nang lumabas si Odin mula roon ay akala niya ay aparisyon lang nito ang nakikita niya. She thought she was too drunk and now she was putting Odin's face on anyone she sees.

"Nasa'n si Soren? Ba't ikaw lang mag-isa dito sa labas?" tanong nito nang makalapit sa kanya.

"Odin?" Gusto lang niyang makasigurado na hindi siya namamalikmata.

"Yes, it's me." Pinagmasdan siya nito. "Lasing ka." It sounded accusatory.

"Hindi ah. Medyo nakainom lang ako." She immediately turned defensive.

"Ilan ba ang nainom mo? Hinayaan ka ni Soren na malasing?"

"Hindi nga ako lasing."

Nagulat siya nang lumapit ito sa mukha niya para amuyin siya. Napapikit siya sandali. His proximity was making her more drunk.

"You stink of alcohol. That only happens if you drink too much." Para talaga itong imbestigador na gusto siyang paaminin sa ginawa niya.

"No, I'm not drunk." Kuntodo tanggi niya. 

"Ilan ba ang nainom mo?"

Napakagat-labi siya.

"I lost count at seven."

Napabuga nalang ito ng hangin. 

"Si Soren, nasa'n?"

Nagkibit-balikat siya.

"Dunno."

"Okay. Ihahatid na lang kita pauwi. Ite-text ko si Soren na kasama mo ako, para hindi siya magtaka kung nasa'n ka na."

He grabbed her on the arm and his one hand held her at the waist, so he could support her body. Nagsimula na silang maglakad papunta sa sasakyan nito.

"This feels nice." She snuggled closer to him. She felt his body tense.

"Brooke." Tila nagbabanta ang boses nito. 

"What? We used to this---" Naputol ang ano man niyang sasabihin nang bumaba rin ng sasakyan nito ang isang babae. Kahit hindi niya ito mamukhaan ay may kutob na siya kung sino ito. 

"Brooke!" Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya. 

"E-Essa?"

Ang laki ng ngiti nito sa kanya.

"Mabuti naman at naaalala mo pa ako."

"Y-Yeah." Essa bloomed like a flower in spring. Her black wavy hair and her fresh-looking face made her appear young and pretty. Simple lang ito, pero nakakaakit itong tingnan. 

"Masaya ako na nadalaw ka uli rito. Ilang taon na rin nang huli tayong magkausap. Mabuti na lang at natawagan mo si Odin na narito ka. Pinilit ko talaga siya na daanan ka namin rito. Gustong-gusto kitang makita, e."

She could only hope her smile seemed sincere. Masaya naman siya na makita uli ito, pero hindi sa ganoong sitwasyon.

Pumasok na sila sa sasakyan ni Odin. Umupo siya sa likod. Sandaling nagtama ang mga mata nila ng lalaki sa rear view mirror. Ito na ang unang nag-iwas ng tingin. 

Para siyang napahiya. Kailan ba papasok sa kukote niya na magpapakasal na ito kay Essa? Hindi siya dapat nagpapasundo rito o nagti-text rito sa tuwing kailangan niya ng makakasama. 

Dark & Darker | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon