Adriana!" narinig kong sigaw ng isang lalaki, bawat yapak niya inuubos ang aking hinga. Parang mamatay na ako sa bawat sigaw niya na may halong sakit at kaba. Wala akong makita puro boses ng mga taong nag-iiyakan lamang at itong sigaw na ito tinatawag ako. Nakarinig na lamang ako ng pag putok ng baril. Tumahimik ang buong paligid at nakakita na ako pero laking gulat ko mga patay na tao ang nasa harap ko! May lalaking yumakap sa akin.
"Tara na Binibini!" mangiyak-iyak niyang sabi sa akin, sobrang sakit ng aking dib dib hanggang pilit na tinitignan ang mga patay. Bumalik ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko na ngayon ay umiiyak at nag mamakaawa na umalis na kami. Hinawakan niya ang kamay ko ngunit may narinig akong putok ng baril.
Nagising nanaman ako nang umiiyak, agad kong pinunasan ito. Nako nakatulog nanaman ako sa class. Hayyss puyat kasi ako kakabasa ng lessons namin!
"Miss Ballestro! Sleeping in my class again? Go out at ayusin mo yang sarili mo." Sabi ng prof naming ngayon. Tinignan ko kaibigan ko na si Celina aka Lina na ngayon ay di mo alam kung tatawa o nawo-worry, she's having this face na parang hindi mapakali siguro gusto niya rin lumabas? Or bored na bored na siya kagaya ko pero di inaantok? whatever.
I am Daniella Keira Ballestro people call me Keira or Kei. Ang course na tini-take ko is Bachelor of Music major in voice and 2nd year na ako at consistent ako sa grades ko pero you know may times talaga na nangunguna body ko like pag inantok ako I just let myself sleep kasi syempre mahal ko rin sarili ko! May mahaba akong buhok na kulay itim kasama ang aking porcelenang balat.
So ayun pumunta ako ng cr to wash my face para mawala ang antok, haysh napalabas tuloy ako ng prof ko ng dahil sa antok na ito. Sabagay 15 mins nalang natitirang time for that class? Text ko nalang si Lina na i-meet niya ako sa Seattle's best. Nag order ako ng Iced White Chocolate Mocha para naman mawala antok ko!
Pagka upo ko nakita kong tumatakbo si Lina, btw Lina is my bestfriend for almost 10 years sobrang ganda niya kaya madaming gusto manligaw pero ayaw niya pa kagaya ko din ayoko pa rin. Magkaiba kami siya ay Bachelor in Music rin pero major in Piano! Magaling siyang pianist at nagkaka sundo kami kasi mahilig kami pareho sa pagtugtog. Simula bata pa kami hilig niya na rin kumanta at mag piano at ako nagpa-piano rin kagaya niya pero I love singing talaga. Classmate lang kami sa Music theory na subject kaya magkasama kami kanina Parehas kami but we're different sa iba't ibang paraan. Maikli ang buhok niya't morena siya.
"Uyyy Kei! Anyare sayo? Bakit ka natutulog kanina? Nako alam mo naman na nakakatakot yung prof natin kanina pa kaya kita binabato ng mga crumpled papers pero walang epekto." sabi niya na may halong kaba.
"Okay so? Alam ko naman na ipapalabas ako dahil ba naman sa asal ko! Haha!" why am I so proud of myself for acting so uncool sa class kanina.
"Alam mo ba sumagot ako kay Prof? dahil kay Patricia." sabi nya sa akin habang hawak ang aking braso.
"Paano nangyari yun? Eh sobrang galang mo nga duhh wag mo akong lokohin." sabi ko na may halong sarkastikong boses. Nakita ko namang napa hinga siya ng malalim at nag bago ang expresyon ng kanyang mukha at tinarayan ako.
"Dahil lang naman ito sa pag tulog mo sa klase kanina noh!" pag tataas niya ng boses. Pahiya ako doon ah pero sandali?
I can't believe this! Pero thank God nakipag away na rin siya sa pabida na iyon. Matagal na kaming nagtitimpi sa babae na yun dahil sa utak alimasag (crab mentality) niya.
"Bakit mo ba sinagot?" yun nalang natanong ko medyo speechless pa rin ako.
"Naka dalawang beses ka lang naman nakakatulog sa music theory at napansin ni Patricia iyon kaya ng umalis ka sa classsroom nag salita siya bigla! But thank me dahil pinag tanggol kita" PATRICIA TALAGA! Sarap sabunutan ewan ko ba simula na nag-aral kami dito inaaway niya na kami, well kahit sino na nakaka angat sa kanya inaaway niya eh.
BINABASA MO ANG
Realidad De Fantasia
Historical FictionHIGHEST RANKING: #1-19th Century Si Keira Ballestro (Adriana Borromeo) ay isang college student na normal lang ang pamumuhay, ngunit binabagabag siya ng memorya ng isang tao noong unang panahon. Ipinapabalik ba siya sa unang panahon na 1887 para ta...