Nagising ako na sumasakit pa din ang dibdib ko pati ang ulo ko na tumitibok tibok. At ano itong lugar na ito?! bakit parang makaluma kagaya ng hacienda nila lolo Francis? wala naman na kwento si dad or si mom na may ganito silang bahay? Nagulat ako at may dumating na babaeng mukhang nasa 20s niya, nakapusod ang kanyang buhok ,may kasingkitan ang mga mata, medyo mapayat at naka baro't saya?
"Binibini! Gising ka na pala! Don Luciano at Doña Florencia gising na po ang Binibini!" sigaw nito. Who the hell are they?
Biglang dumating ang dalawang taong tinawag niya ata. May katandaan na ang kanilang mukha pero sino sila? at nakapang lumang damit sila? costume party ba ito? pero bakit ako rin naka pang luma na damit?
"Anak! ayos ka lang ba? salamat sa Diyos at ika'y nagising na dahil kami ay sobrang nabahala sa nangyari sa iyo." sabi ng babaeng kakarating lang. Sandali? anak? who are you? Bakit sinasabi niyang anak niya ako?
"Sino ka?" tanong ko. Nagbago ang expresyon ng kanilang mukha at lalong parang gulat na gulat.
"Ina mo ito! sus maryosep huwag ka mag biro." natatawa niyang sagot pero natauhan siya nang hindi ako tumawa.
"Buti nalang Adriana at nagising ka na!" sigaw nung lalaking kasama niya. Sino kayo? nag tataka pa rin ang nakabalot na expression sa mukha ko lalo na ng marinig ko yung Adriana!!! WAHHH don't tell me?
"Gusto mo ba magpahinga muna Adriana at dalhan ka nalang namin ng pagkain dahil ilang araw ka rin hindi nakakain. Nanabik na kami sa iyo Adriana dahil muntik ka ng pumanaw! Malaking himala ito sa amin ng iyong ina." sabi nung lalaki at ako naman takang taka. Ano ba ito?! this is creeping me out.
"Sino ba si Adriana na yan?! nakaka ewan na eh! ginugulo niyo ako at baka nga totoong may sakit ako sa utak!" pagwawala ko! Oo feeling ko may sakit na ako dahil mukhang surreal lahat ng ito. Hinawakan nung nagsasabi na ina ko daw siya yung balikat ko at tumili tili ako na parang baliw, naiiyak ako! ano ba Adriana tigilan mo na ako!
"Anak huminahon ka muna!" sigaw nung lalaki.
"Doña Florencia! hindi kaya nakalimot ang binibini dahil sa aksidente?" tanong nung babaeng tumawag sa dalawang tao dito. Nagpapanic yung boses niya tipong parang alarm clock ko na sarap i-off agad.
Nahimatay yung Doña Florencia at agad itong sinalo nung lalaki. "DOÑA!! Paumanhin! Sandali lang po Don Luciano magpapatawag ako ng mediko!" tumakbo agad yung babae na yun at lumabas sa pinto. Sumakit nanaman uli ko at nahilo at naka tulog pa rin, umaasang hindi na maguluhan.
Nagising ako uli pero may iba't ibang tao dito na nakabantay. "Adriana!" sigaw nung isang babae na kahit kailan hindi ko pa nakita.
"Sabing hindi nga ako si Adriana diba? naiintindihan niyo ba yun?" pagtataray ko pero huminahon naman yung mukha niya.
"Kapatid mo ako Adriana, marahil ay hindi mo kami maalala pero sisikapin naman namin na maging masaya ka dito sa amin muli at sana maalala mo ang alaala nating magkapatid." sinasabi niya iyon habang hawak at hinihimas ang kamay ko. Nakaka gaan siya ng loob sana totoong kapatid ko siya pero wait hanggang ngayon naguguluhan talaga ako huhu.
"Hindi mo kami kilala, syempre wala kang maalala kaya magpapakilala kami kapatid ko. Ako si Natalya Borromeo ang nakakatanda sa iyo ako ay 24 na taon na hahaha" bigla siyang napatawa at tinakpan yung bibig niya. Anong nakakatawa dun?
Wait let me think. Past life ko ba si Adriana? totoo ba ang past life? Omaygoshhh!! Nag freak out nanaman ako at sinabunutan ko sarili ko para bumalik naman ako sa pagiging Keira ko! Wahhh!!! Totoo yung sinabi ng librarian sa akin na may nakatakda sa akin at ito yun!
"WAHHHHHH!!!" sigaw ko. May lumapit agad sa akin at yinakap ako at ang lalaking iyon ay si Roy...
Kapatid ko. Baka he's playing a prank? kaya agad akong napatigil at nahimasmasan. "Huwag ka na umiyak kapatid ko, andito lang ako." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Realidad De Fantasia
Historical FictionHIGHEST RANKING: #1-19th Century Si Keira Ballestro (Adriana Borromeo) ay isang college student na normal lang ang pamumuhay, ngunit binabagabag siya ng memorya ng isang tao noong unang panahon. Ipinapabalik ba siya sa unang panahon na 1887 para ta...