Kabanata 2

31 1 0
                                    

May sinampal akong babae naka pangluma na damit agad siyang napayuko't humihingi ng tawad ngunit inapakan ko na lamang ang kanyang kamay dahil sa aking galit.

"Bastardo!" sigaw ko sa kanya hanggang ako'y pulang pula sa galit at inis.

"Pasensya na Senora Adriana! Patawad!" desperadang wika niya.

Panaginip nanaman na kasama ang ngalan na Adriana. Ako ang tinuturing niyang Adriana pero pangalan ko ay Keira at never ako naging Adriana. Napamulat ako ng mata ng marealize ko na nasa ibang lugar ako at madilim. Sobrang sakit ng aking ulo parang hinuhulugan ng langit at lupa. Nahimatay ako kanina pero bakit at asaan na ako?

"Asan na ako?!" tanong ko.

Wala man lang katao tao sa kwartong ito. Umiyak iyak na ako kasi baka makidnap ako! Tinignan ko agad damit ko baka napagsamantalahan din ako! Pero Salamat hindi ako hubad o walang dalos ng sugat sa akin. Nagulat ako at may babaeng may dalang gasera. Hala!! siya yung babae sa panaginip ko na sinampal ko! Narealize ko nasa library pa rin ako ng Makita kong may libro.

"Binibining Adriana, ako'y nanabik na makita ka ngunit sa ibang panahon nga lang kita natagpuan!"

Sabi ng babaeng na mukhang 11 or 12 years old.

"Sino ka?" tanong ko. Oo sino siya? SINO BA SI ADRIANA?

"SINO SI ADRIANA?" tanong kong may pangangamba. Lagi ko siyang napapanaginipan at ngayon may tumatawag na talaga sa akin ng Adriana sa wake situation ko. Sino siya at bakit ako pa?

"Ikaw yun Binibini, di ko alam sa kabilang buhay pala mas lalo kang gumanda." Kinikilig niyang sabi.

Hay nako prank ba ito? pero coincidence ba yun? whatever basta nakakatakot pa rin aura ng lugar na ito. Parang kakainin ako.

Hinanap ko ang pinto at nagpapasyang lumayas na. Agad akong tumayo at tumakbo ng makita ito pero biglang humarang yung librarian na nakita ko kanina, out of nowhere lumabas siya at nagulat ako't natumba.

"Bakit wala kang maalala?" nakakatakot yung tingin niya at nababasa kong may pagbanta nito.

"O di kaya nagkukunyari ka lang dahil takot ka?" ano ba pinag sasabi ng babae na ito.

Nagpatuloy ako sa paglabas at bigla siyang nag salita kaya napatigil naman ako.

"Mag ingat at mag isip ng maayos Binibini." Sabi niya ng pahabol.

Nahanap ko ang kotse at nangingig ko itong inistart.

Napatakbo agad ako kay mom ng makita niya akong tumatakbo papunta sa loob ng bahay.

"Mom!!" sigaw ko na parang naiiyak. Am I cursed? Totoo ba ang second life kaya binabagabag ako?

"Ano iyon Keira? Jusko pinapakaba mo ako at 2 am na't wala ka pa dito sa bahay saan ka ba nanggaling ha?" tanong ni mom na may halong pangangamba. Nakita ko naman si Dad at Roy na nakatingin sa akin ng punong puno ng kaba. Napag-isipan ko naman na huwag nalang sabihin ang nangyari baka isipin nila nababaliw ang anak nila.

"Bakit late ka na umuwi? Di ka man lang nag rerespond sa text and calls namin sayo. Ipaliwanag mo nga!" Sabi ni Dad. Galit at nag-aalala si dad. Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi yun nga it's a mystery kung bakit ko napapanaginipan ang Adriana na yan at tuluyan akong pinapatay sa takot. Ako ba siya?

"Dad, Mom. Pasensya na nahimatay ako sa isang lugar buti nalang may nagdala sa akin sa ospital. Anemia lang pala yun." Mukhang convinced naman sila kasi anemic ako soooo.

Pinatulog na ako ni mom pero gising pa rin ako kasi baka pagtulog ko may mapapanaginipan nanaman ako about kay Adriana.

Nagising na ako goshh, sobrang sama ng pakiramdam ko. I need to sleep more at salamat sa Diyos di ko napanaginipan si Adriana. Kahit Sunday may work si dad at si mom naman abala sa mga amiga niya. Si Roy naman nandito sa bahay lang.

Realidad De FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon