~Exes and oh oh oh's they hunt me
Kumakanta ako hanggang nag-aayos nang aking buhok dahil naiisip ko pa din si Mateo kasi ex ko siya hmm? napatigil nalang ako nang pumasok sa kwarto si Ina.
"Adriana, bilisan mo baka hindi tayo maka abot sa misa!" sabi ni Ina. Shocks oo nga sunday na pala!
"Nasaan po si Pacita?" tanong ko kasi mukhang hindi ko kaya ayusin ang buhok ko ng walang tulong dahil hindi naman ako magaling dyan.
"Nais mo ba na tulungan ka niya? may ginagawa si Pacita ako nalang anak." sabi ni Ina. Tinuro ko naman buhok at inayos ito ni ina. Infairness ang galing ni Ina mag-ayos ang bilis niya mag braid. Parang master niya na mg ganito. Sabagay ang ganda ganda ng hair niya ngayon. May fashion sense talaga sila ni Ate Natalya. Nang matapos kami tinulungan na din ako ni Ina mag make up kaya ayun nag mukha siyang stylist ko ngayon kasi siguro madaling madali na siya.
Bumaba na kami ng hagdan ni ina at nakita naming naghihintay si Ama at Natalya na naka upo sa couch hanggang sila'y nag-uusap.
"Maraming salamat at Adriana natapos ka na!" sabi ni Natalya. As if parang finally nakarating na ang hinihintay naming regalo pero hindi ako regalo.
"Tara na't baka tayo ay mahuli sa misa." pag-aaya ni Ama. Pag labas namin may dalawang kalesa. Inalalayan ni Ama si Ina sa isang kalesa at sumakay na doon while sa isa sumakay na si Ate Natalya at sumunod na din ako.
Nang makarating kami sa simbahan sobrang daming tao! wow! Madaming bentang foods sa labas at iba't ibang bagay.
"Buti hindi tayo nahuli at mag sisimula pa lang ang misa." sabi ni Ama. Pino-point out ata nila yung pagiging late ko ah?
Umupo na kami at naghintay mag simula ang misa. Hindi ko din maintindihan ang wikang kastila kaya nag observe ako sa paligid. Na spot ko si Lina! nakatingin din sa akin at nag wave. Natawa naman ako at nag wave back naman din ako pero nagulat ako ng tapikin ni Ina ang kamay ko.
"Makinig ka anak." sabi niya nang pabulong. Yan napagalitan nanaman ako hindi ba alam ni Ina na di ko din alam mag salita ng espanyol?
Tumingin uli ako kay Lina pero hindi na siya naka lean forward at sumandal nalang pero nakita ko naman si Mateo na nakatingin sa akin at syempre ayoko siyang tignan! kaya tinarayan ko nalang siya at tumingin sa prayle na kanina pa nagsasalita. Nawala sa isip ko na kapatid niya si Lina errgghh syempre magkatabi sila noh.
Natapos ang misa na wala akong naintindihan kaya medyo malungkot ako at hindi satisfied. Dasal nalang Keira! Bigla akong napa sign of the cross.
"Anong ginagawa mo kapatid?" tanong ni Natalya.
"Wala naman ate, nagdadasal lang hehe" sabi ko. Napatango naman si Ate. Lumaki naman ang mata ni ate at tinignan ko ang tinitignan niya. Tumatakbo si Lina or should I call her Catalina? Tumatakbo siya papunta sa amin.
"Matalik kong kaibigan!" yumakap agad siya sa akin. Hanggang yakap niya ako bigla siyang bumulong. Hindi pa din ako sanay sa pagsalita niya ng malalim na Filipino.
"Nabasa mo ba ang liham?" tanong niya. Ano isasagot ko? nabasa ko naman eh. Baka magtampo siya na hindi binasa liham ng kapatid niya hayys another trouble yun.
"Uhmm. Oo naman." sagot ko. Umalis na kami sa pagyayakap at ngumiti siya nang parang kinikilig. Anong mayroon?
"Nais kitang imbitahan na sumama sa amin ng aming pamilya at kakain kami sa lugar na lagi naming kinakainan noon pa. Ayyy oo nga't nakakain ka na din doon kasama ako." sabi niya. I smell trouble kaya napatingin nalang ako kay Natalya. Agad lumapit sa amin sila ina't ama dahil nauna pala kami ni Natalya lumabas ng simbahan. Pero may kasama silang babae't lalaki na mukhang ka-edad lang nila tapos si Mateo pero poker face lang siya.
BINABASA MO ANG
Realidad De Fantasia
Historical FictionHIGHEST RANKING: #1-19th Century Si Keira Ballestro (Adriana Borromeo) ay isang college student na normal lang ang pamumuhay, ngunit binabagabag siya ng memorya ng isang tao noong unang panahon. Ipinapabalik ba siya sa unang panahon na 1887 para ta...