Kabanata 5

22 3 0
                                    

Nakauwi na ako ng maayos, hindi pa rin ako mapakali at hindi ko alam kung bakit. Pero sa pagkaka alam ko si Mateo ang rason nito.

"Adriana.. Gising ka na." Mahinahong pag gising sa akin ni ate.

"Ate" pag tawag ko sa kanya at bumangon na ako. Nang makita ko ang itsura ni ate nagulat ako. Bakit namamaga mata niya?

"Tayo'y mag agahan na, sabay na tayo bumaba." Walang gana niyang pag-aya. Ano nangyari?

"Ate, anong nangyari? Bakit namamaga ang iyong mga mata?" tanong ko. Hindi na kaya ng curiosity ko eh. Ano o sino ang nag paiyak sa ate ko?

"Si ina't ama nag-aaway kanina pa." sabi niya na may halong lungkot sa kanyang mga malumanay niyang kulay tsokolateng mata.

"Bakit? Ano pinag-aawayan nila't kaya ka nalungkot ng ganiyan?" tanong ko. Pati ako nababahala kasi syempre pamilya nila ito, I mean pamilya ko rin sila at kahit papaano napapa mahal rin ako sa kanila.

"Dahil sa pag bubuntis ni ina, siguro dahil sa pagka bahala na lamang ni ama iyon dahil delikado ang pag bubuntis ni ina. Ang kulit din kasi ng ating ina gusto kumain ng mga bawal." Sabi ni ate.

"Kung ganoon, nagpupumilit ang ating ina na kumain ng pinag babawal bakit ka nalungkot ng ganito?"  tanong ko. Anong klaseng tanong pala itong natanong ko! Syempre concern si ama.

"Adriana, humaba ang away hangga't sa sinabi ni ama na nagpadala siya ng liham sa kapatid ni ina na maninirahan muna tayo sa Maynila, napag usapan na natin ngunit di natin alam na di pala nagustuhan ni ina doon." Sabi niya. Nagulat naman akong may kumatok sa pinto.

*Tok *Tok

"Mga Binibini, kumain na po kayo't pinapatawag na kayo ng iyong Ama." Sabi ng aming tagapagsilbi.

"Salamat, sige kami ay kakain na sandali." Sagot ni ate. Umalis na ang tagapagsilbi at mukhang may sasabihin pa si ate.

"Adriana, nais  ni ama na doon tayo patirahin hangga't sa manganak si ina at si ama mapaparito muna dahil sa trabaho." Sabi ni Ate Natalya. Bakit maninirahan doon eh may bahay naman dito ah?

"Bakit doon pa? May tahanan naman tayo ah?" tugon ko, at yun napalitan ang expresyon sa mukha ni ate na parang "exactly" look.

"Kaya nagalit si ina, pero ang rason ni ama ay para may mag alaga sa kanyang doktor dahil ang ating tiyo ay isang doktor kaya mas mabuti kung nasa tabi si ina ng doktor dahil sa pagkakaalam ko sobrang delikado ng pagbubuntis ni ina dahil mahina rin ang puso niya." Sabi ni ate na kitang kita ang pagiging concern sa mukha niya. May point si ama pero pwede naman mag hire ng doctor hindi ba? Ewan. Pero ito lang masasabi ko, delikado nga at kung sa ikakabuti naman ni ina? Gagawin namin yun.

"May punto ang ating ama, tama siya. Diba nag-usap na tayo na sa sunod na lunes na tayo aalis eh bakit parang limot na agad ni ina yun?" Sabi ko hanggang nag a-agree sa punto ni ama. Pero si Ate ngumiti nalang.

"Oo nga pala kumusta kayo ni Mateo kagabi?" pabulong niyang sinabi hanggang naka naughty smile. Napatawa naman ako kasi there's nothing special naman kagabi hehe.

"Nag-usap lamang kami tungkol sa pagka alam niyang hindi ako nakakaalala." sabi ko at napabuntong hinga ako.

"Tara na't bumaba na tayo para kumain ng agahan." Inaya ako ni ate at bumaba na. Kumain kaming mapayapa hanggang nag salita si ama.

"Florencia, paumanhin sa ating pag tatalo." Sabi ni ama. Napatigil naman si ina at mukhang nahimasmasan naman silang dalawa.

"Ayos lamang iyon Luciano, naiintindihan kong nababahala ka." Sabi naman ni ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Realidad De FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon