Chapter 1

29.8K 532 17
                                    

Logan

"La, nice to see you again," sabi ko kay lola. Hinagkan ko ang kanyang noo. I missed my lola a lot. Naging busy na kasi ako magmula nang magsundalo ako. Usually nasa malayong lugar ang destino ko kaya madalang ko na lang nakakasama si Lola.

Dumalaw ako sa kanya ngayon dahil sinabi ni Daddy na nagkasakit daw si Lola.  Sobra ang pag-aalala ko sa kanya. Siya na kasi ang naging Nanay ko magmula nang iwan kami ng aking ina noong bata pa ako. Dahil sumama siya sa ibang lalaki.  Tanging si Lola lang at si Daddy ang naging kasama ko noong iniwan kami ni Mommy at ipinagpalit sa ibang lalaki.

Hindi naging mabuti si Mommy sa amin ni Mommy. Mas gusto niya pang lumabas kasama ng kanyang mga kaibigan kaysa mag-stay sa bahay at alagaan ako.

Mayroon pa nga sa punto na kailangan ko siya sa school para sa activity namin. Pero mas pinili niyang sumama sa mga kaibigan na mag-out of town. Galit na galit si Lola noon nang umuwi ako sa bahay na umiiyak dahil walang nagpunta sa school para samahan ako.

Dahil sa sobrang busy si Daddy sa pagiging sundalo nito wala na itong oras sa amin. Naiintindihan ko naman iyon dahil parte 'yun ng trabaho niya. Ngayong sundalo na ako kagaya ni Daddy nauunawaan ko ang dedication nito sa trabaho. Nag-retire na ito sa pagiging sundalo. Kasama na nito si Lola sa bahay. Hindi na nag-asawa pa si Daddy mula nang iwan siya ni Mommy. Inilaan niya ang oras sa akin at kay Lola.

"Namiss kita, apo. Huwag kang masyadong mag-alala sa akin dahil lagnat lang ito. Ang Daddy mo lang ang overacting kung mag-alala ay parang mamamatay na ako." Natatawang sabi ni lola. 

Inakbayan ko si Lola at hinagkan ang sintindo nito. I really love her kahit nasa malayo ako uuwi at uuwi ako para sa kanya. Isa siya sa mga taong mahalaga sa buhay ko aside sa mga pinsan ko.

"Daddy just worried about you, 'La. huwag mong masamain ang ginawa ni Daddy. Mahal ka namin at mahalaga ka sa amin. By the way sinabihan ko si kuya Mikael na dumalaw sa inyo kung makauuwi siya dito sa manila." sabi ko.

Tinawagan ko ang pinsan ko na nasa Mindanao. Ang alam ko may chance siyang makauwi nitong buwan. Nauna nga lang ako sa kanya ng araw ng pag-file ng vacation. 

We both in Philippine Air force pero mas mataas ang rank sa akin ni kuya Mikael daw nauna itong pumasok sa pagsusundalo. Sa aming magpipinsan siya ang pinakapanganay. Malapit din kasi si kuya Mikael kay Lola dahil siya din ang nag-alaga kay Mikael noong bata pa ito. Parehong sundalo ang magulang ni kuya Mikael. Kaya kay lola pinaubaya ang pag-aalaga kay kuya Mikael noon.  Mas safe daw kung siya ang mag-aalaga kaysa ang ibang tao. 

"Nak, kamusta naman ang trabaho mo?" Napalingon ako ng pumasok si Daddy. Napangiti ako. sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. I miss my Dad!

"Okay, naman, Dad. Pasensya ka na kung madalang akong dumalaw sa inyo ni Lola. Busy lang sa trabaho." Tinapik ni Daddy ang balikat ko.

"Okay, lang iyon, 'nak. Naiintindihan ko naman ang trabaho mo. Napagdaanan ko na iyan ," Nakangiting sabi ni Dad.

"Pupunta po ako kila Stefano mamaya dadalawin ko si Tita Mame at si Tito Dade," 

"Nabanggit nilang kapag dumating ka pumunta ka sa bahay nila. Na-miss ka rin ng mga pinsan mo." Sabi ni Daddy.

Danica

"Sigurado ka ba, Nica, na gagawin natin ang plano mo? Hindi kaya delikado ang naiisip mo?" sabi ng kaibigan at katrabaho ko sa police station na si Sarah.

"I'm pretty sure. Don't worry napag-aralan ko na ang mga galawan nila. Kailangan lang nating gawin iyon para mapasok natin ang lungga nila. Paano natin maso-solve ang kaso ng pagdukot ng mga sindikato sa mga menor de edad na babae kung hindi tayo magte-take ng risk? We need to do this to solve the problem as soon as possible. Lagi namang nasa peligro ang buhay natin, ngayon ka pa ba matatakot? Sinumpaan natin ang tungkulin na ito kaya gawin natin ang trabahong iniatang sa atin." Ani ko. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng tanghalian namin sa isang karindera na nasa tapat ng station namin.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon