Chapter 18

11.8K 421 12
                                    

LOGAN

Nakipagkita ako kay Lady Dragon. Alam kong mapanganib pero nasa panganib na kami. Hindi na din ligtas ang mga buhay namin kaya lubusin ko na.

Umupo ako sa isang sulok habang nagmamasid sa paligid. I wore a cup and a shade. Nakasuot ako ng itim na sweat shirt. Para akong nilalamig sa hitsura ko.

Ilang oras na akong naghihintay pero tila wala ng balak magpakita si Lady Dragon. Alam ko naman na mapanganib din sa kanya ang lumabas at makipagkita sa mga ganitong lugar. Alam kong may mga tauhan ang kalaban nilang mafia group. I sighed and checked my watch. I've been here for about 1 hour. We were supposed to meet at 1200 hours.

Kailangan kong maghintay. I need to talk to her about Danica. Masyado ng komplikado ang lahat. She is in danger. Napaangat ang tingin ko nang may lumapit na babae. She is wearing a wig. Namukhaan ko siya.

"Mrs. Alejandro." Bati ko. Umupo ito at tumango sa pagbati ko.

"Why do you want to talk to me? You should not do that manganganib ang buhay mo." Sabi nito.

"I know." Tipid kong sagot. Kailangan kong malaman ang lahat. Hindi ako matatahimik hanggat nasa panganib si Danica.

"So anong pag-uusapan natin?" tanong nito.

"It's about your daughter. Kailangan kong protektahan ang nobya ko laban sa mga kalaban mo. Tell me kung sino ang mga iyon. Para alam ko kung paano ko maiiwas si Danica sa kanila."

Napabuntonghininga ako. Alam kong mapanganib ang susuungin ko dahil mga mafia ang kalaban ko. Madami silang koneksyon. Sa gobyerno man at pribado.

"I can protect my daughter. Kahit buhay ko itataya ko. Para lang hindi siya magalaw ng mga kalaban ng pamilya ko. That's why I need to be away from her. Mas lalo lang siyang manganganib kung nasa akin siya." Malungkot na sabi nito. Napatingin ako ng lihim sa paligid. Alam kong may mga tauhan si Mrs. Alejandro na nasa paligid lang. Iba talaga kapag isang mafia leader. Daig pa ang Presidente at Reyna sa dami ng bodyguard. 

"Alam na niya ang totoo Mrs. Alejandro. She is completely devastated about it dahil sa nalaman niya."

Gulat ang nabanaag ko sa kanyang mukha.

"P-Paano niya nalaman?"

"She has the right to know the truth. Hindi mo maitatago sa kanya ang tunay niyang pagkatao. Kung hindi pa niya malalaman baka kayong mag-ina ang magpatayan. Ang alam niya isa kang drug lord. Pinapaimbestigahan ka niya. Kailangan mo siyang makausap. Sabihin sa kanya ang dahilan mo. Baka kapag hindi mo pa gawin mas lumala pa ang lahat. Ayokong may masamang mangyari sa nobya ko. Kahit hindi ko naman trabaho ito ginagawa ko na. Dahil gusto kong maging ligtas si Danica." Mahaba kong paliwanag sa kanya. 

Magsasalita pa sana si Mrs. Alejandro ng paulanan kami ng bala ng kung sino. Hinila ko siya upang magtago sa isang tabi. Kinuha ko ang baril ko na nasa likuran ko. Naging alerto din ang mga bodyguard ni Mrs. Alejandro. Nakipagpalitan sila ng putok na nasa loob mismo ng restaurant. 

"Stay there!" sabi ko sa kanya. Dahan-dahan akong pumunta malapit sa kalaban. Patago akong yumuko uang puntiryahin ang mga paa nila. Mas madali ko silang mapapatumba kung pupuntiryahin ko ang mga paa nila. Inisa isa kong pinagbabaril ang mga tuhod ng mga kalaban. Bumagsak lahat iyon kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga bodyguard ni Mrs. Alejandro na tapusin ang mga buhay nila.

Nakita ko si Mrs. Alejandro na kinuha ng bodyguard nito. Sumenyas ito sa akin na sumunod. Kaya napilitan akong sundan sila. 

"Bahala na ang mga tauhan ko sa kanila. C'mon we need to get out of here!" sabi nito. May humintong magarang sasakyan na kulay itim. Tinted ang bintana nito kaya hindi kita ang loob. Pagkapasok ko nagulat ako ng makita ko si Danica na nasa loob. Wala itong malay. 

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon