LOGAN
"Congrats anak at mag-aasawa ka na sa wakas! Magkakaapo na ako." tinapik ni Daddy ang balikat ko.
"Apo masaya ako para sa iyo. Kailangan bigyan mo ako ng madaming apo. Aba malakas pa ako maalagaan ko pa sila." nakangiting sabi ni Lola. Nilapitan ko ito upang hagkan ang kanyang noo. I love my Lola. She is my mother since my Mom left us for another man.
"Oo naman po Lola. Bibigyan ko kayo ni Daddy ng isang team ng basketball na apo." natatawa kong biro.
"Aasahan ko iyan anak. Alam mo naman sabik ako sa apo. Gusto kong may nilalaro at may inaalagaan. Alam mo naman ikaw lang ang naging anak ko. Hindi pa kita naalagaan noon. Kaya sa apo ako babawi." sabi ni Daddy.
Inakbayan ko si Daddy. Lubos ang aking kasiyahan dahil sa wakas magiging asawa ko na si Danica. Hindi na ako mag-aalala na baka mawala pa siya dahil lagi na kaming magkasama.
(ARAW NG SAKAL ESTE KASAL)
"Logan bakit ba araw ng kasal mo nag-aya ka tomoma. Gago ka din no?!" sabi sa akin ni Titus.
"Alam mo naman may pagkanerbiyoso ako pagdating kay Danica. Baka hindi ko masabi ang I do father. Kapag walang pampalakas ng loob. Mautal pa ako doon nakakahiya sa bride ko." sabi ko.
Naturingan akong macho dahil sa laki ng katawan at ng mga muscle ko. Pero pagdating sa pag-amin sa aking nararamdaman ay napakatorpe ko. Matapang ako sa labanan, kahit nga terorista pa iyan. Pero pagdating kay Danica nababahag ang buntot ko.
"Oh, ito yung pinakamatapang na alak. Ininom natin ito last time. Mga two shot lang ang inumin mo, baka kasi magkalat ka sa kasal mo." Natatawang sabi ni Titus.
"Hindi naman siguro. Thanks, brod, maasahan talaga kita. Two shots lang pampalakas ng loob." Tinungga ko ang isang shot. Napapikit ako dahil grabe ang tapang ng alak. Nanunuot sa kalamnan ko. Parang inaapoy sa init ang sikmura ko. Isa pang shot medyo lasing na ako. Pero kaya ko pang tumayo. Napangiti ako dahil feeling ko ang lakas ko na.
"Halika ka na baka hinahanap ka na doon sa simbahan. Baka mas mauna pa sa iyo ang bride." sabi ni Titus. Inayos ko ang tuxedo ko. White pa naman ang suot ko.
"Tayo na, brod!" inakbayan ko ang kaibigan ko. Napapailing ito sa akin dahil parang mukha akong tanga sa pinagagawa ko.
Pagkapasok sa simbahan nakita ko ang mga pinsan kong nakatayo sa may bandang pintuan.
"Hoy! Kanina ka pa hinahanap ni Tito. Saan ka ba nagpunta? Dapat maaga ka dito." sabi sa akin ni Kael.
"May pinuntahan ako. Tinawag ko na din ang kaibigan ko." Napangiti ako na parang timang. Mukhang ang lakas ng tama ng alak na ininom ko. Sumisipa!
Pumameywang si Kael sa harap ko at inamoy ako. "Goddamnit, uminom ka? Kasal mo ngayon may gana ka pang uminom?! Mukha kang tanga sa hitsura mo. Humarap ka kaya sa salamin mukha kang baliw." Napangiwi si Kael sa akin.
"Two shots lang pampalakas ng loob. Alam mo namang medyo torpe ako pagdating sa mahal kong Danica. Para hindi ako mautal sa tanong ng pari. Alam mo na." Natatawa kong sabi. Napailing sa akin si Kael.
"Gago ka talaga! Sa laki ng mga muscle napakatorpe mo! Buti na lang ako hindi kagaya mo." Pagmamalaki sa akin ni Kael. Napaismid ako yabang, ha? Napairap ako sa kayabangan niya.
Umayos ako ng tayo nang sinabihan kami na nasa labas na ang bride. Napangisi ako dahil excited ako sa honeymoon namin ni Danica. Mamaya iinom pa ako ng mga dalawang shot pampatigas ng paninindigan.
Habang papalapit sa dambana ang mahal kong Danica lalo siyang gumaganda. Para siyang anghel na nakabelo. Grabe pala ang tama ng alak sa akin. Nagha-hallucinate na ang macho. Napangiti ako ng iabot sa akin ni Tito ang kamay ni Danica. Napakalambot ng kanyang dalawang bundok este kamay.
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES: #5 It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETED
ActionBukod tanging si Logan Dela Costa sa magpipinsan ang hindi babaero. Seryoso sa buhay at lalo sa trabaho bilang sundalo. Ngunit may isa siyang katangiang hindi akma sa macho niyang katawan. Iyon ay ang pagiging torpe.