DANICA
Nagmamatyag ako dito sa isang coffee shop. Nakasuot ako ng cap at magsuot rin ako ng shade upang hindi ako makilala. Simpleng t-shirt at maong pants ang suot ko. Mukha lang akong isa sa mga estudyante dito na nasa tabi ko. Dito naglalagi ang lalaking pumatay sa asawa ni Mrs. Alejandro.
May kasama ang lalaki. Sa tingin niya ay may kaugnayan ang lalaki sa babae. Hindi ko lang alam kung anong relasyon nila. Nakaisip ako ng plano. Kailangan kong kaibiganin ang babaeng kasama nito upang magkalap ng impormasyong magagamit ko sa ebidensya.
Tumayo na ang lalaki at naiwan ang babae.Napangisi ako this is it pansit.
Umupo ako sa tabi ng kinauupuan ng babae. Sa tantiya ko hindi nagkakalayo ang edad namin. Mukhang mabait ang babae hindi kagaya ng ama nitong demonyo at mamamatay tao.
I am so sorry kailangan kita para makakalap ako ng inpormasyon para sa kasong hinahawakan ko. Tatayo na sana ako ng may dumating na tao. Napatitig ako sa lalaking dumating. Anong ginagawa ni Logan ditto? Kaya napatagilid ako para hindi niya Makita.
Nakita kong linapitan nito ang babaeng target ko. Parang gusto kong manapak ng lalaking macho ngayon. Binigyan niya kasi ng halik ang babae sa pisngi.
"Hi, Alice. Sorry medyo late ako. Galing pa kasi ako sa Villamor. Kaka-out ko lang sa trabaho," sabi nito.
Napanguso ako kaya pala hindi niya ako maihahatid may iba palang ihahatid ang walanghiya. Padarag kong naibaba ang baso ko sa table. Kaya napalingon sila sa akin. Bigla akong tumalikod. Nakakainis ang landi, huh?
"It's okay Logan kakaalis lang ni Dad hindi ka na niya nahintay. May kakausapin pa daw siya kasing tao," paliwanag nito.
Napanguso ako. Ang sabihin niya ay may kakausapin siyang criminal din.
"So shall we?" bigla akong napalingon ng palihim. Tumayo na ang dalawa at nakaangkla ang braso ng babae sa machong braso ni Logan. Halos umusok sa inis ang mga mata ko sa nakikita kong ka-sweetan ni Logan sa babae. Napatayo na din ako para sundan ang dalawa.
Sumakay na ang dalawa sa sasakyan ni Logan. Kailangan kong sundan baka kung saan mapunta ang walanghiyang lalaki. Ilang minuto ang biyahe nakarating kami sa isang lugar. Magde-date pa yata ang dalawa. Sa inis ko tinawagan ko si Logan. Nakita kong kinuha niya ang cell phone sa bulsa. Tumingin ito doon at ibinulsa uli.
Buwisit ka! Tinawagan ko uli at ngayon sinagot na niya.
"Huwag ka ng magpapakita sa akin walanghiya ka! "saka ko pinatayan ang cell phone ko.
Umalis na lamang ako. Pakiramdam ko sasabog ako sa galit. Bahala siya magsama silang dalawa.
LOGAN
Tinawagan ako ng kaibigan kong si Alice nagpapasama itong puntahan ang bago nitong opisina. Isa itong Architect madalas kaming magkasama dati pero ngayon naging busy na din kami sa kanya kanya naming career. Naging ex nito ang kaibigan kong babaero na si Nathan. Hindi ko alam kung ano na ang status nilang dalawa mula ng maghiwalay sila dahil sa pagbababe ng kaibigan ko. Pero nararamdaman ko na mahal pa din nila ang isa't isa.
"Hi, Alice. Sorry medyo late ako. Galing pa kasi ako sa Villamor. Kakaout ko lang sa trabaho," bati ko sa kanya.
"It's okay Logan kakaalis lang ni Dad hindi ka na niya nahintay. May kakausapin pa daw siya kasing tao," sabi nito.
Napasulyap ako sa kabilang table. May isang babae doon na nakasuot ng cap at nakasuot ng shade. Gabi na bakit nakasuot pa ng shade? Nakikita pa kaya niya ang paligid? Hindi yata appropriate ang magsuot ng shade sa gabi. Napailing ako. Baka trip lang niya. Ang mga kabataan nga naman.
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES: #5 It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETED
AcciónBukod tanging si Logan Dela Costa sa magpipinsan ang hindi babaero. Seryoso sa buhay at lalo sa trabaho bilang sundalo. Ngunit may isa siyang katangiang hindi akma sa macho niyang katawan. Iyon ay ang pagiging torpe.