Danica
"Buti na lang hindi umabot sa baga mo ang tama ng baril kung hindi baka matagalan ka pa sa ospital. Bakit pumasok ka na baka mabinat pa ang tama ng bala diyan sa tagiliran mo." Sabi ng kaibigan ko.
Inakbayan ko ito.
"Malayo sa puso. Ito nga buhay pa ako. Don't worry about me. Matagal pa ako mamamatay. May mission pa akong dapat tuparin."
Hindi namin nahuli ang leader dahil nakatunog sa operation namin. Sigurado akong may kasabwat ito na nasa kapulisan. Nakapagtatakang bigla na lang silang nakatunog.
"Alam mo mabuti na lang dumating ang prince charming mong macho na at super pogi pa. Naku kung hindi tigok ka na ngayon." Hindi na nga ako nakapagpasalamat sa lalaki.
"Nakuha mo ba ang pangalan niya?" tanong ko.
"Iyon lang hindi ko alam. Nakalimutan kong tanungin." Napakamot ito ng ulo. "Pasensya na sa sobrang pag-aalala ko sa iyo. Wala na akong matandaan sa mga sinasabi nila. Ang natatandaan ko tinanong niya ang pangalan mo. Hindi ba nabanggit mo na nung nasa bar tayo ang fake name mo? Tinanong niya nga ulit ng dadalhin ka na ng ospital. Pasensya ka na beshy, nasabi ko ang real name mo." Napa-peace sign ito sa akin.
"Ayos lang naman dahil malaki ang utang na loob ko sa lalaking iyon. Sana tinandaan mo ang name niya para personal akong makapagpasalamat." Umupo ako sa harap ng table ko at inayos ang mga papeles na mga kaso na hawak namin ng kaibigan ko.
"Kaya mo ba na sumabak sa labanan? Dapat pinahilom mo muna ang sugat mo. Grabe ka! Wala pang ilang linggo ang tama mo sa tagiliran. Gaga ka talaga."
Napangiti ako sa pag-aalala ng kaibigan."Ayos na nga ang pakiramdam ko. Ano ka ba? Ang kulit mo talaga. Pero salamat, huh? Libre kita mamaya ng lunch," sabi ko. Nagningning ang mga mata ng kaibigan ko.
*****
"Insp. Danica Gomez may naghahanap po sa inyo." Napaangat ako ng tingin sa kasamahan kong pulis.
"Sinong naghahanap?" tanong ko.
"Si Mrs. Alejandro po. About po yata sa kaso ng asawa niyang pinatay." tumayo ako para puntahan ito. Akala ko hindi na niya itutuloy ang kaso dahil malaking tao daw ang pumatay sa asawa nito. Pinatay daw ang asawa niya dahil sa away sa negosyo.
Involve ang napakalaking halaga dito kaya pinatay ang asawa nito. Nakita kong nakaupo ito sa waiting area.
"Good morning po, Mrs. Alejandro. Ano pong maipaglilingkod ko?" sabi ko.
"Puwede ka bang makausap? Gusto kong i-open ang kaso ng asawa ko." Napatango ako.
Napatingin ako sa paligid. May kasamang bodyguard ang ginang. Siguradong may threat sa buhay nito.
"Can we talk in my office, Ma'am?" She nodded.
Sabay na kaming naglakad at pumasok sa opisina ko.
Umupo ang ginang sa upuan na nasa harapan ng table ko. May ibinigay siyang folder sa akin.
"Iyan ang mga transaction ng asawa ko bago ito mamatay. Nakalagay diyan kung sino ang mga ka-deal nitong mga tao."
Kinuha ko iyon at binuklat ang folder. Binasa ako ang nakalagay na mga tao. Apat na pangalan ang nakalagay sa iba't ibang transaction.
Pagkakaalam ko ay may Real Estate business ang pamilya Alejandro at nagbebenta rin ng mga imported na kotse. Pero isang transaction ang nakapukaw ng pansin ko.
May business din pala itong baril.
"Your husband manufactures firearms?" tanong ko sa ginang.
"Yes. Pero legal iyon. Pero nitong nakaraang taon napansin kong may itinatago ang asawa ko sa akin. Madalas siyang out of the country at palaging may ka-transaksyong mga taong hindi ko kilala. I confronted him about it pero pinabulaanan niyang nakikipagtransact siya sa mga sindikato. Nalaman ko nakipag-deal siya sa mga ito nang marinig ko ang usapan nila ng kliyente nito. Doon ko na nakumpirma nasa illegal na business ang asawa ko. Ito ang taong huli nitong kausap bago pinatay ang asawa ko." May inilapag na isang larawan si Mrs. Alejandro. Nangunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang taong ito sa akin. Hindi ako nagkakamali isa ito sa taong gusto kong durugin. Nagtagis ang bagang ko.
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES: #5 It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETED
AkcjaBukod tanging si Logan Dela Costa sa magpipinsan ang hindi babaero. Seryoso sa buhay at lalo sa trabaho bilang sundalo. Ngunit may isa siyang katangiang hindi akma sa macho niyang katawan. Iyon ay ang pagiging torpe.