Chapter 18 - Cause of Death

3.5K 141 37
                                    

Chapter 18 - Cause of Death

"Ano ba, Justine?! Kinakausap kita!" inis kong sabi dito kasabay ng pag hila ko sa braso niya para mapaharap sa akin.

Today is the first day of the VSL at kami ang opening match.

Fortunately, nanalo kami in 4th set kahit na hindi namin magawa ang mga play na sinasabi ni coach.

I don't want to blame Justine, pero halatang halata na wala siya sa sarili at ayaw niya akong bigyan ng bola kahit open naman ako.

It was too obvious na kahit si coach ay napansin iyon. Kaya bago pa man kami matalo at umabot sa 5th set ang game ay inilabas na siya at hindi na ipinasok hanggang sa matapos ang match.

"WHAT?!" she said in full range sabay tabig sa kamay ko. Buti na lang talaga at natatakpan ng kurtina ang bintana at walang fans na malapit sa pinto ng bus na sinasakyan namin. Kung hindi ay rinig na rinig at kitang kita kami dalawa. " I had enough from coach, Bianca! Wag ka ng dumagdag pa!"

Alam ko iyon dahil pag pasok ko ng dugout pag katapos ng interview ko dahil ako ang player of the game ay na abutan ko siyang sinesermonan ni Coach.

"What's wrong with you,Justine?" inis kong tanong sa kanya. I'm starting to lose my patience with her dahil hindi ko talaga alam kung bakit siya nag kakaganito.

"What's wrong with me? What's wrong with you!!" sabay turo sa akin

"BOTH OF YOU, STOP!!" Agad akong napalingon sa likod ng marinig ko ang boses ni Acacia.

I see disappointment and sadness in her eyes. I took a deep breath to calm myself dahil ayoko na ding palalain pa ng sitwasyon.

"I just wanted to talk to her." I told Acacia

"There is nothing to talk about." agad kong nilingon si Justine at kita ang matalim pa din nitong tingin sa akin.

"Meron" sabi ko sa kanya pero hindi ito sumagot bagkus ay tumalikod ito sa akin.

"BOTH OF YOU STEP OUT OF THE BUS!" agad akong napalingon kay Acacia. She's in full rage.

Eto ang isa sa mga pag kakataong hindi ko gustong makita si Acacia. She's mad at kapag ganito siya mas nakakatakot siya kesa kay coach.

"Bakit ako bababa?" I heard Justine said kaya naman agad akong napalingon sa kanya. We both know Acacia ay sa ganitong pag kakataon pareho naming alam na hindi na dapat namin itong sabayan pa. "Wala naman kaming pag uusapan."

"Just.. " hindi ko na nagawang matawag si Justine dahil bigla akong tinabig ni Acacia at lumapit kay Justine.

"Kung wala kang sasabihin sa kanya, ako meron." Seryosong sabi ni Acacia saka hinawakan nito si Justine sa braso at hinila ito pa labas.

I don't know where they are going basta naka tanggap na lang ako ng message from Acacia na na hindi sila sasabay at mauna na kami.

Pag dating ng dorm, I went straight to the balcony para mag pahangin. Nakakapagod yung game kanina pero mas nakakapagod yung naging sagutan namin ni Justine.

Sa totoo lang, ngayon lang kami nag karoon ng ganung encounter kaya siguro naging tahimik din ang buong biyahe namin pauwi ng dorm.

Mukhang iniisip din ng ibang teammates namin ang nangyari kanina.

I'm thinking how I will fix this mess at sa sobrang dami ng iniisip ko eh hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa inuupuan ko.

Nagising na lang ako ng may tumapik sa braso ko at pag dilat ko eh si Acacia ang nabungaran ko.

She's the Phenom [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon