Bumamgon na ako kaagad nang marinig ko ang alarm clock. Wala kaming pasok ngayon dahil Saturday, pero may gala ako with my friends. Napag-usapan namin iyon nung isang araw kaya kailangan ay nandoon ako. Masyado naman akong KJ kung di pa ako sasama sa kanila. Minsan nalang toh.
"Yeheyy! Excited na ako sobra!!! " sobrang lakas ng pagsigaw ni Thea mula sa likuran. Nauuna kaming maglakad nila Yumi. Saglit akong kinalabit ni Yumi sa braso atsaka ako napatingin sa kanya na may pagtataka.
"Wut? " tanong ko rito.
"Si Jason kasi atsaka si Thea, nag-break kahapon lang. Hamp, kaya pala sya nag-aya na gumala ngayon para mag-enjoy. " atsaka sya suminghap. Bulong lang ang pagkakasabi nya kaya hindi narinig nila Thea kahit na napakatahimik na ng paligid.
Papunta kami ngayon sa isang mall. Doon lang magpapahangin si Thea. Gusto lang nyang mahimsmasan. Gusto lang nyang malinawan ang sarili nyang utak.
"Gusto nyo na bang kumain? " tanong ni Lucy mula sa likuran. Hindi ko na sya nilingon. Kanina pa ako gutom pero hindi ko na kailangang sumagot dahil baka sabihin nila ay 'patay gutom' ako. Gusto ko na sasagot lang ako kapag sasagot na rin ang iba.
"Ako. " halos lahat ay iyan ang sagot. Ako nalang ang hindi pa sumasagot.
"Ikaw Yela. Kakain ka ba? " tanong sa akin ni Jella. Tinanguan ko na lamang sya atsaka ako dumiretso ng lakad. Sinundan ko na lamang sila Hitrey sa harapan.
Si Yumi, Hitrey, si Jella, si Lucy, si Thea ang mga kasama ko ngayon. Bale 6 anim kaming lahat. Wala talaga akong balak na sumama ngayon, kung di lang ako napilitan.
Libre lahat ni Thea. Grabe ang yaman pala nya. Wala akong masyadong kaalam-alam sa kanila. Ayaw ko namang maging chismosa about sa life nila. May sarili akong 'life' kaya hindi ko na kailangang magtanong pa ng buhay ng iba.
After naming kumain ay naglakad lakad na rin kami. Pumunta kami sa isang videokehan at dun kumanta nang kumanta si Thea. Halos lahat ng mga kantang para sa mga broken hearted ang mga kinanta nya. Hays. Kayhirap pala magkaroon ng partner sa buhay.
Nang mapagod na ay isa isa nang nagpaalam na uuwi na. Pagod na rin ako kaya nagpaalam na rin ako. Sumabay na rin sa akin si Yumi dahil wala rin daw syang makakasabay sa ngayon kaya isinabay ko na rin sya.
"Hirap pala kapag may lablyp noh? Paano pa kaya kung halimbawang mawala ung taong mahal mo? " tanong ni Yumi habang naglalakad kami. Papunta kami sa sakayan ng dyip para mas makamura.
Natahimik ako. Napaisip ako doon. Paano kaya kung ganun nga ang mangyari? He, hindi ko na kailangang isipin iyon, dahil wala naman akong experience tungkol sa mga ganyan.
Pagkarating sa bahay ay umakyat na ako sa kwarto. Isinabit ko sa pader na may pako ung sling bag ko. Napahiga ako dahil sa pagod. Hindi na rin ako nakaramdam ng gutom dahil kumain na rin naman kami kanina. Minsan ay isang beses lang ako kumain sa isang araw.
Naaalala ko ang tanong kanina ni Yumi...
Paano kaya kung mawaa yung taong mahal mo?
Ed... mawala. I don't care. Tss. Hays. Ganito naba ako ka-bitter about sa losing someone you love? kasi hindi pa nga ako nakaka-experience kaya ganito ako mag-isip. Hays sana may dumating ding tao na magmamahal sa akin. Kailan kaya iyon?
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako... Sobrang pagod talaga ako ngayon.. Halos nilibot namin ang buong mall para lang maibsan ang sakit na naramdaman ni Thea kay Jason.
Pagkagising ko ay bigla akong bumangon kaagad. Tinignan ko ang orasan. Halos mag-2 oras na pala akong natutulog. Pero wait. Parang may kakaiba? Hindi ako nanaginip bout dun sa lalaki? Yung kay Michael? First time tong mangyari sa akin na hindi sya bumagabag sa isipan ko. Hindi kaya sadyang panaginip lang talaga iyon? Baka naman guni-guni ko lang ang iilan doon? Or baka naman illusion or imagination? Fuck! Hindi ko na alam ang totoo sa hindi. Gising na ba talaga ako? or baka hanggang ngayon ay nanaginip pa rin ako?