Kabanata 7

6 1 1
                                    

"Malay mo stalker talaga siya? Naku Yela! Mas mabuting layuaan mo na sya kesa mamaya eh mapahamak ka pa. Kapag nandyan siya, mas magandang tumakbo ka na para hindi ka na maabutan tas kapag naabutan ka sumigaw ka na." saka nya ako nginitian. Hays!

"Wala akong pake k-kahit ma-maabutan nya ako. Naiinis lang talaga ako sa kanya kasi kung nasaan ako, nandun rin sya. " atsaka ko ipinadyak ang paa ko para ipakitang naiinis na talaga ako. Talagang naiinis naman talaga ako eh. Wala naman tayong ka-alam alam kung magdadala ba siya ng kapahamakan, diba?

Ilang oras ang lumipas at yun pa rin ang iniisip ko. Ang lalaking nagpakilalang "Williard". Bakit parang feeling nya, close kami? Sobra siya kung makalapit sa akin. Ni katauhan ng anino nya, hindi ko kilala. So paanong naging close diba?

Ano kayang mangyayari kapag kinausap ko siya? Kapag... naging magka-close naman kami? Pero baka nga talaga masamang intensyon ang meron sya. Sure ako dyan. Kailangan ko talaga siyang iwasan tulad ng advice kanina ni Alina sa akin. Minsan, si Alina ang nagpapayo sa akin. Minsan naman, sila Yttria at si Yumi. Buti nalang talaga may mga kaibigan ako tulad nila..ko. . 

Mga ilang oras ang lumipas determinado na talaga akong layuan ang stalker na iyon! Sa dami dami ng babae, ako pa??

"Sabay ka ngayong lunch? " tanong sa akin ni Yumi kasama sila Lucy, Alina at Ytrria.  Ako nalang ang kulang sa kanila kaya sumama na rin ako. Ayaw kong maging KJ. 👌

"Alam mo ba kanina galit na galit si Casey kay Zedrick. Nahuli na namang may babae. " pagsusumbong ni Alina sa amin. Halos bulong lang iyon pero rinig pa rin naman namin. Mas maganda nang ibulong nalang kesa ipagsigawan dito. Marami pa namang kaibigan na narito si Casey. Baka mapaaway kami nang wala sa oras.

"Ganun talaga si Zedrick. Kilala naman yun dito bilang 'playboy' diba? " atsaka sila nagtawanan. Nakitawa na rin ako sa kanila. Medyo wala ako sa mood kasi ngayon makipagsabayan pero pinipilit ko pa rin dahil ayaw kong pairalin ang mood ko na ito.

Ang tagal nilang pinag-usapan ang tungkol kay Casey at Zedrick. Naiinis daw sila kay Casey, kesyo hindi na nasanay, at nagbubulag-bulagan daw ito kay Zedrick. Palibhasa matagal na rin itong nagkagusto si Casey kay Zedrick kaya time na nya ngayon, lalo na't sila na ng crush nya dati, masyado syang nagiging overprotective. Sana lang ay hindi sa kanya mainis o manawa si Zedrick kundi baka iyon ang ikbaliw niya pa.

Uwian na namin. Buti nalang at natapos ko ang ginawa kong project kahapon kahit hassle na. Minsan nga tinatamad na akong gumawa ng mga kung ano anong project, pero iniisip ko ang grades ko at baka mapagalitan pa ako. May iilan nalang akong dapat tapusin pa.

"Oo alam ko Michael. Alam ko ang totoo sa likod ng pagtatago niyong dalawa sa akin. " atsaka ko siya sinampal ng sobrang lakas. Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin simula nang dumating ang babaeng iyan! Gusto ko siyang sugurin at sabunutan hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Pero di ko magawa, dahil alam kong walang kasalanan ang babae na ito. Si Michael ang may kasalanan nito!

"Sorryy... Yela. " atsaka siya yumuko. Alam kong nsaktan siya sa kaninang pagsampal ko pero pinipigilan lang nya. Nararapat naman talaga sa kanya iyon.

May parte parin sa akin na nakokonsesiya sa ginawa ko. Bakit ba ako ganito? Lalo na kapag mahal na mahal ko ang isang tao, hindi ko kayang magalit sa kanya o magtanim poot. Hindi ko rin kakayanin kung sakaling mawala man siya sa akin. Baka mabaliw ako dun kakaisip sa kanya. Ayaw ko nun. Gusto kong nandito sya sa tabi ko at hindi ako iiwan. Ayaw ko syang maagaw ng iba sa akin.

"Sana mapatawad mo ako, Yela. " atsaka sya unti-unting lumayo at lumabas na mula sa kwarto ko. Nagpumilit siya na papasok rito kaya hinayaan ko na lamang Gusto ko na ring makipag-usap, pero feeling ko, hindi naging maganda ang naging trato ko sa kanya.

Reincarnation Of Love (Slow Update)Where stories live. Discover now