Kabanata 6

1 1 0
                                    

Reveal

"May gusto ako sayo, Yela. " halos may diin pa sa pangalan ko. Medyo nataranta ako dahil sa narinig ko galing mismo kay...

"Gerald!!! " narinig kong pagsigaw ng babae mula sa di kalayuan... si Natasha. Mas lalo akong nanigas mula sa kinatatayuan ko. Alam kong may gusto si Natasha kay Gerald. At kapag nalaman niyang may gusto sa akin si Gerald, siguradong, magagalit siya  sa akin?

Ilang minuto akong hindi umimik. Tinignan ko lang si Natasha habang papalapit at ang itsura ni Gerald habang tinitignan si Natasha habang tumatakbo papunta rito. Sguro nasa isip niya na panira at wrong timing pa si Natasha?

"Kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala at ka---" bigla siyang natigil nang narealized na ako pala ang kasama ngayon ni Gerald... Grr! Hindi na lamang ako kumibo. "Ahh si Yela pala? Ahh, nga pala, why are you here? And... wait bakit kayong dalawa lang? " tanong nito nang magtaka siyang kami lang ang nanditong dalawa. Nilibot ko rin ang madamong paligid. Kami nga lang dalawa... kung hindi dumating si Natasha.

"Wa-wala naman Natasha. A-about lang kasi sa project kaya kami nandito. " sagot ko rito, medyo nauutal na! Huwag kang papahalata at baka kung anong isipin nya, Yela!

"Ohh- I see. Pede namang sa library hindi ba? Bakit sa tago pang lugar?" tinaasan niya ako ng kilay atsaka tumingin ulit kay Gerald na kanina pa tahimik!

"Mind your own business. Sadyang may pinag-uusapan lang kami talaga dito, at huwag mo nang halungkatin ang ganung bagay dahil hindi mo rin naman maiintindihan. " medyo nagulat ako sa naging sagot ni Gerald sa kanya. Medyo inis ngayon ang ekspresyon ng mukha ni Natasha dahil sa naging sagot sa knya ni Gerald. Hindi nalang ako sumingit pa at baka may masabi pa akong mas lalong ikainis ni Natasha.

Naramdaman ko nalang bigla ang masakit na sampal... galing sa babaeng nasa harap ko! NATASHA!

"Ha, project ba talaga toh YELA? Kanina ka pang hindi makasagot ah! Bakit, may tinatago ba kayo ni Gerald sa akin? " halos lumabas na ang puso ko sa kinalalagyan  nito dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw sa akin ni Natasha.

"H-hin--"

Nakita ko na lamang ang paghawak ni Gerald sa kamay niya at hinatak na palayo. Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sa kaniya. Gusto ko silang habulin para masabi ko kay Natasha na wala naman talaga kaming itinatago sa kanya... At para hindi na rin siya magalit pa sa akin!

Tulala ako buong magdamag. Hindi ko alam kung bakit. Ang tanging rason na alam ko lang ay dahil sa kay Natasha. Yung about sa nangyari kahapon. Bakit nga ba project pa ang dinahilan ko?! Sobrang babaw. Talagang magtataka siya dun. Pede namang sa library diba?

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa bagay na iyon. And then, biglang nag-vibrate ang phone ko kaya dinukot ko toh mula sa bulsa ko. from Gerald.

Gerald:

Hi Yela. Sorry nga pala sa nangyari kahapon ah. Pasensya na't nagalit pa sayo si Natasha.

Halos kagabi pang nagsosorry sa akin si Gerald tungkol sa naging reaksyon ni Natasha nang makita niya kami sa may likod ng school. Hays!

Me:

Hays. Dapat pala talaga hindi nalang tayo doon nag-usap. Marami pa namang mga pedeng lugar na pag-usapan doon pa talaga sa tago!

Gerald:

Huwag mong sisihin ang sarili mo. Overacting lang talaga si Natasha, alam mo naman haha.

Grabe! Nagawa pa talagang tumawa ng mokong na toh! Ako nga nag-aalala na dahil alam ko na ang kahihinatnan nito! Lalo na kapag nakasalubong ko ngayon si Natasha.. Sana hindi na.

Reincarnation Of Love (Slow Update)Where stories live. Discover now