Kabanata 2

2 1 0
                                    

"Sino sya Michael? "  tanong ko sa kanya. Nasa harap namin ang isang babae na hindi ko pa kilala. Ni hindi rin nabanggit sa akin ni Michael ang tungkol sa kanya. Nakikita ko sya rito pero hindi ko sya kilala.

Hindi na sinagot ni Michael ang tanong ko. Hindi rin malinaw ang itsura ng babaeng nasa harapan namin kaya hindi ko rin sya masyadong nakikilala. Tinignan lamang ako ni Michael atsaka hinawakan sa kamay.

"Let's go? " tanong nito. Hindi ko pa rin alam kung bakit ayaw sagutin ni Michael ang tanong ko.

Hinatak ako bigla ni Michael at nagsimula nang tumakbo palayo mula sa babae. Ngunit ang babae ay parang estatwa pa rin at ayaw umalis sa kinatatayuan. Pinapanood kaming tumatakbo papalayong dalawa.

"Dinner time na Yela! " narinig kong boses ni Mommy. Nararamdaman ko rin na hinahatak nya ang kumot ko. Ibig sabihin nakatulog pala ako? Ni hindi ko na nga namalayan ang oras eh.

Parang ayaw ko pang bumangon. Sguro kahit hindi na ako kumain hindi naman ako nagugutom eh.

Bigla kong naamoy ang luto ni Mommy. Adobong Manok. Kaagad akong napatayo sa kinahihigaan ko at kaagad nang bumaba. Wala nang hinto hinto pa dahil mukhang natatakam na rin ako sa luto ni Mommy. Parang bigla nalang tuloy akong ginutom dahil sa amoy na iyon.

"Tara na. Nagluto ako ng favorite mo."

Adobong Manok ang paborito ko. Pagkagising ko sa ospital ay ito na ang hinanda sa akin ni Mommy. Ito raw kasi ang paborito ko simula bata pa lamang ako. Ito raw ang laging hinahanda sa tuwing may okasyon. Hindi daw ito nakakalimutang iluto ni Mommy para sa akin. Nag-iisa lang kasi akong anak kaya ganito sila sa akin...

Nakahanda na ang pagkain ko sa lamesa. Umupo ako kaagad at kumuha na ng kanin atsaka ulam. Habang kumakain ay ang tanging ingay lamang ng mga kubyertos ang naririnig ko. Ni walang usap-usap.

"Nasan na po si Daddy? " tinignan ko ang orasan na nakadikit sa dingding...

"Kanina nagmessage sya at baka gabihin sya dahil sa work. Don't worry maya-maya'y uuwi na rin sya. Medyo busy lang talaga sya. " sagot naman ni Mommy na di man lang ako tinitignan.

Umakyat na ako kaagad pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan. Hindi na ako nagkaluskos pa ng iba. Nahiga na lamang ako para makapagpahinga naman ako. About na namannsa mga project ang bubungad sa akin.

Naalala ko na naman ang kaninang panaginip ko. Sino yung babaeng nandoon? Bakit sya kasama sa panaginip ko? Bakit kilala sya ni Michael pero hindi ko naman siya kilala? Bakit ayaw ipakilala sa akin ni Michael?

Hindi ko na lamang ulit inisip ang ganung bagay. Mukhang mas mahihilo pa ako dahil dyan sa bagay na yun. Ni wala akong ka-alam alam sa mga nangyayari sa panaginip. Panaginip ba yun o yun yung mga alaala kong unti-unti nang bumabalik? Pero sino ba talaga si Michael at babaeng iyon? I need to find out. Hindi ako pedeng tumahimik dito at mag-estatwa lang. Mga missing memories ko yun kaya kailangan kong buuin para maibalik na ang normal na Yela. Ang Yelang wala nang amnesia.

"Bakit? Wala bang nababanggit ang parents mo tungkol sa kanya? " tanong ni Lucy sa akin. Isa rin sya sa kinikilala kong kaibigan kahit papaano. Kahit may pagkamaldita man.

Nakapalibot halos ang iilang mga kaibigan ko at ang kaibigan ni Lucy. Nasa likuran ni Lucy si Yumi.

"Wala. Basta sabi lang nila ay nagkaroon ako ng amnesia. That's all." tapos ko sa kanila. Hindi na sila ulit sumagot pa at nanghula pa kung bakit.

Ilang minuto kaming nag-isip tungkol doon. Baka sakaling may mabuo kaming ideya.

"Pero hindi ka naman dito nag-aaral dati Yela. Hmp, sguro mag 2 years ka palang dito. "

Reincarnation Of Love (Slow Update)Where stories live. Discover now