"Michael. "
Paulit ulit na ibinibigkas ng utak ko ang pangalang "Michael. " Ni hindi ko nga siya kilala. Minsan ay gusto kong sabunutan at pukpukin ang ulo ko para hindi ko na paulit ulit na naririnig o umaalingawngaw ang pangalang 'Michael'.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Umalis muna saglit sila Mommy at si Daddy naman ay nasa opisina dahil sa trabaho. This week ay magiging busy dahil may bago silang inaasikaso at siya ang dapat na mag-asikaso nun.
Btw ako si Yela Martinez. Nag-iisang anak ako. 3rd year highschool palang ako. Sa isang private school ako pinag-aral ng parents ko dahil mas maganda daw ang turo ng pribadong paaralaan. Ang nakakainis nga lang sa isang private school ay dahil sa maraming projects at assignments at minsan ay nagkakasabay pa ang pasahan nito. Minsan ay hindi ko na ginagawa ang iilan doon kaya madalas akong napapagalitan ng guro namin sa naturang subject. Hindi ko naman alam na ganito pala kahirap e. Ni hindi ko nga alam kung anong naranasan ko sa previous years. Wala na akong maalala. Ang sabi nila Mommy ay nagka-amnesia raw ako kaya ang iilan sa mga old memories ko ay nakalimutan ko na rin.
"Yela. Halina't magmeryenda ka na rito. Naggrocery ako ngayon. " narinig ko ang ilang mga pinamili sa baba. Mukhang naparami na naman ang pinamili ni Mama. Kaagad akong bumangon at bumaba na para puntahan si Mommy at tulungan siya roon. Kahit kelan ay hindi ako naging busy kaya tumutulong nalang ako kay Mommy sa bahay. Habang pababa sa hagdan ay muli kong naalala ang itsura ng isang lalaki. Malabo ang mukha nya. Bakit ba ayaw ipakita ng utak ko ang totoo niyang itsura? Noon ay talagang malabo ito pero ngayon ay unti-unti lumilinaw ang itsura nito. Saan ko ba siya nakilala? Hindi kaya....
Kaagad akong tumakbo sa baba para puntahan si Mommy roon. Panigurado'y kanina pa nya ako hinihintay na bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko sa Mommy na abalang nag-aayos ng kaniyang mga pinamili. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tapos. Inilalagay nya sa ref ang mga itlog na kanyang pinamili.
"Mommy, may kilala po ba kayong Michael? or baka kilala ko siya noon pero hindi ko lang maalala? " tanong ko kay Mommy habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga pinamili. Biglang natahimik si Mommy. Kahit kelan ay walang nagkwento sa akin kung paano ako nawalan ng ala-ala. Kung paano ako nagkaroon ng 'amnesia'.
"Ahhh huwag mo nang alalahanin iyon. Wala lang yun. " medyo pilit na tawa ni Mommy. Kaagad kong dinampot ang mga pinili pang iba. Hindi ko nalang sya ulit tinanong pa tungkol doon. Baka naman ginugulo lang talaga ako ng lalaking iyon!
Pagkatapos kumain ay kaagad na akong umakyat sa kwarto. Pinaandar ko ang laptop ko baka sakaling may mag-chat. Pagkabukas ko ay nakita kong may message si Yumi.Yumi:
Nagawa mo na ba yung project sa AP?
Hindi pa. Kanina ko pang iniisip yung about sa AP pero wala akong balak na gawin. Bakit pa kasi nagpaproject? Nagpapaassignment na nga sila eh, hindi pa sila makutento doon. Kailangan pa may project? Arghh.
Me:
Nowp. Not yet. Tinatamad kasi ako eh.
Pinatay ko nalang ang laptop. Itinabi ko na iyon sa drawer ko at humiga na lamang. Medyo napagod ako sa pagtulong kay Mommy sa baba. Paano ko pa kaya gagawin yung sa AP? Ni wala nga akong idea pano gawin iyon eh. Mapapagod lang ako kakaisip tungkol doon. Kinabukasan ay may klase na ulit kami.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako...
"Hahahaha. Ikaw talaga. Basta lagi mong tatandaan, mahal mahal kita." kinilig ako roon sa sinabi ni Michael. Matangos ang ilong, sakto ang pagkakahugis ng mukha, mapula ang labi at ang ganda ng katawan nya. May naglalakihang muscles ang naroon.
"Hmmp. Loko ka talaga. Ikaw din naman mahal na mahal ko. " feeling ko nasa heaven na ako ngayon dahil sa kanya. Napakasarap sa feeling kapag kasama ko si Michael.