Kabanata 5

1 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa library. Vacant namin ngayon kaya napagpasyahan ko muna magbasa ng mga libro rito. May mga klase pa sila Yumi kaya walang makakasama sa akin ngayon. Kahit si Yttria.

Parang hindi boring ay idedescribe ko muna ang mga kaibigan ko. Una muna si Yumi...

Si Yumi Santiago ang pinakaunang nakilala ko rito sa school. Pagkapasok ko palang ng room ay nakangiti na sya kaagad. Ang cute nga nya eh. Pero hindi ako bi para pag-isipan niyo ng kung-ano ano. Sadyang nakukyutan lang talaga ako sa kanya.

May mahabang buhok na hanggang sa balikat. Siguro hindi naman as in na mahaba, eksakto lang naman. May matangos na ilong. Medyo pabilog ang hugis ng mukha. In short, maganda sya lalo na kapag nakangiti. Madaming na-iinlab sa kanya na mga boys pero para sa kanya, 'studyfirst'. Kahit sabihin mong maganda sya ay may iilan pa ring nagtatawag sa kanya na 'nerd' dahil sobrang inaalay nya ang oras nya sa pagbabasa. Matalino si Yumi kaya running for highest honor sya...

***
Si Yttria De Marquez naman ay kilala dahil sa pagiging mayaman nya. Matalino sya pero di hamak na mas matalino si Yumi. Napakapabibo nyang babae pero napakasweet nya. Kapag inasar nya sobrang mapipikon ka. Childish din sya. Pinakabunso sya kaya favorite sya ng pamilya nila. 3 years ang agwat nya sa pangalawa nilang kapatid. Bale 3 silang magkakapatid.

Maganda si Yttria pero wala syang pake roon. Katulad ni Yumi, mag-aaral muna daw sya, dahil yun ang makakatulong sa kanya pagdating ng araw. Wala naman syang pake sa love. Oo, may crush sya pero hindi nya kinababaliwan. Kumbaga, paghanga lang ang meron para sa kanya.

Silang dalawa lang ang itinuturing kong 'bestfriend'. Oo, madami akong kaibigan.

Noon ay isa lamang akong nerd na babae. Maraming naiinis sa akin dahil sa ang gara raw ng itsura ko. Hindi raw dapat nababagay sa ganitong school. Hanggang sa makilala ko si Yumi. Dati rin siya nabiktima ng pambubully. Nung nameet ko si Yumi ay kasama na nya nun si Yttria. Minsan naiinggit ako kay Yumi dahil napupuri sya lagi.

Hays... Kung hindi lang talaga ako nawalan ng memorya, baka pati yung katalinuhan ko dati, baka hindi rin nabura! (chos haha)

Maganda raw naman ako eh haha. Ang nagpapangit lang daw sa akin ay ang magulo kong buhok, makapal kong kilay, atsaka ang dami kong dimples dati. Hindi pa kasi ako sanay na mag-ayos ayos noon. Para ngang napag-iwanan ako ng panahon.. Siguro nga, dahil halos nawala na lahat ng ala-ala ko rito sa mundo. Mga memoryang gusto kong maalala pero nagdudulot ng pagkahilo. Ang mga taong naroon ay bahagi ba ng nakaraan ko? Nang makarating ako rito sa school na toh ay wala akong kaalam alam kaya pati ibang tao ay natatawa dahi para raw akong batang nanlilimos rito.

Hanggang sila Yumi at Yttria, nagbigay sila ng mga tips sa akin. Kung paano mag-ayos ng sarili kahit suklay at publos lang ang gamitin. Hanggang sa nag-improve na ang skills ko sa pagpapaganda! Takaga malaking tulong nila Yumi at Yttria sa akin. Talagang sila ata ang panghabang buhay kong mga kaibigan. Pansinin niyo, pare-parehas pa kaming mga 'Y' ang simula ng pangalan. What a coincidence?

10 minutes nalang bago mag-start ang klase namin. Bago ako umalis ay nanghiram muna ako ng isang libro - The Peculiars Book 2. Nabasa ko na rin kasi sa bahay yung Book 1 nito.

Kaagad akong lumakad nang mabilis. Medyo malayo kasi ang library sa room namin. Mga 5 minutes bago ka makarating (juk). Ang totoo talaga niyan, nasa 3rd floor ang room namin tapos yung library ay nasa 1st floor. Hirap nuh? Hahaha...

"Hays. Hirap talaga kapag hindi nag-aaral nuh? Wala tuloy akong nasagot. " atsaka nya hinampas sa hita nya yung papel nya. Nag-quiz kasi kami kanina. Suprise quiz. Buti nalang at kahit konti ay may natandaan ko. Natawa na lamang ako sa reaksyon ni Alina nang makitang tumatawa ako dahil sa paglamukot nya ng papel nya. Tinarayan na lamang nya ko at bumalik na sya sa upuan nya. "Huwag kang mag-alala, matataasan din kita. Kala mong kung sino makatawa eh." atsaka nya kinuha ung notebook nya para sa next subject. Science. Natawa ulit ako dun sa inusal nya. Nagbibiro lang iyon!

Reincarnation Of Love (Slow Update)Where stories live. Discover now