Chapter 3 : First Day of School (Part 2)

712 19 1
                                    

A/N 

Happy 74 reads !! :)) Thank you din po sa mga nagread ng BS - Becoming a somebody (ongoing)

Sorry po kung sabaw-sabaw yung chapter. Nalusaw po kasi dahil sa kakaisip kay James Reid bwahahha JK! Sorry po ulit :* :))

Enjoy reading!

========================

Ms. NBSB Meets Mr. NGSB

MNMMN

Daniel Lucas Smith POV

"Sino?" tanong niya pagkatayo sa upuan.

"Si..... Nao- wala." pagsinabi ko baka makilala niya ako. Ayos din pala yung disguise ko eh.

"Ha? Wala? Sige aalis na ako." Nagsimula na siyang maglakad palabas ng music room.

Umalis na siya at naiwan akong nakatayo sa harapan ng piano. Bakit naman yun umiiyak?  Baka nag-iinarte lang. Mukha kasing maarte eh.Pero bakit ko siya iniisip? Diba dapat si Naomi yung pinoproblema ko? Na kailangan ko pang magdisguise para hindi ako pagkaguluhan ng mga tao?

Naglakad na ako pabalik sa classroom at inayos yung nerdy glasses ko. Iisipin ko nalang kung paano makamove on kay Naomi. Kung bakit naghiwalay kami? Hindi ko rin alam. Hindi talaga siguro kami para sa isa't-isa. Walang time para sa bonding namin.

It didn't somehow work out.

Umupo na ulit ako sa upuan ko at nakita yung isang mansanas sa desk. May note doon na nakadikit.

Thank you :) - Erin

Thank you para saan? Sa pagpalakpak, sa pakikinig? Bakit nga? Nagpapansin siguro kasi nagwagwapuhan sa akin. Kahit pala ganito itsura ko may pumapansin pa rin.

Pero there's something about her. Parang may pagkakatulad sila ni Naomi.

Kinuha ko yung apple at tinago sa loob ng bag ko. 

Hiniga ko na yung ulo ko sa desk at pinikit yung mga mata ko.

Naramdaman kong may umupo sa upuan sa tabi ko. Nevermind that, isip ko.

AFTER ZXCVBNM years,

(A/N Tamad si author kaya pagpasensiyahan nalang)

Uwian na, yun lang ang hinihintay ko. Yung bell.

"Goodbye class, see you tomorrow." sabi nung mukhang gorilla kong teacher slash adviser.

Nagsitayuan na yung mga classmates ko habang nakasabit yung mga bag nila sa braso,leeg, likod, etc.

Tumayo na rin ako at kinuha yung jansport kong bag. Lumingon ako at nakitang andun parin yun si Erin ba yun? OO ata.

Nakatayo lang habang nakadungaw sa bintana. Senti or emo? Nakakatakot, baka may pinaplano yang masama.

Lumabas nalang ako at dumiretso sa parking lot. Mukhang uulan ata, badtrip. Dinadamayan ako ng ulan. Nakita ko agad yung private car namin at sumukay doon.

"Kamusta ang first day sir?" tanong ni manong Eddie

"Okay lang po."

"May naging kaibigan?" hindi naman halatang curious siya 'no?

"Wala..." bored na sagot ko.

Naging tahimik lang yung byahe namin hanggang sa makarating na kami sa mansion.

Dumiretso ako sa kwarto ko at binuksan yung laptop ko. In-open yung Facebook ko, yung famous account na laging flood ng likes, shares, comments, messages at friend requests. Ano ba 'to? Ang hirap pala talagang maging sikat T_T !

Ms. NBSB meets Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon