Chapter 14 : Music Project

245 9 0
                                    

A/N Hi readers! Just use the #MNMMN or #MoshiichanWP on twitter para mapansin ko kayo and mafavorite and mga tweets niya hahaha. Pag may @kyla_muncal sa notifs niyo ako yun. Pero bago pa humaba yung a/n ko, thank you sa pagbabasa ng mga a/n and also pabasa din ng asa dulo.

Enjoy reading! C;

Chapter 14 : Music Project

Erin POV

Isa nanamang nakakabagot na araw, Wednesday ngayon at dahil doon first subject namin ang Music! Isa sa mga favorite subjects ko dahil mahilig akong kumanta, at magpiano.

"Hello guys!" bati nung teacher namin na freshly graduate palang

Ang turing niya saamin ay parang tropa lang kaya nageenjoy kami pag siya ang teacher kasi hindi siya ganoong kastrict sa pagtuturo at mabait din siya saamin.

"Hi Ms. Zamora!" bati din namin

Umupo na siya at nagsimulang magsalita tungkol sa project kuno daw namin.

"So class, we are going to have a project. Excited na ba kayo?" tanong niya

"Yes!" sagot naman namin na may halong excitement

"So you will sing, but not by singles, and also not by pairs. But you will be grouped by three." Explain niya

"The group will be by three, two from this section and one from the other section. Para naman may thrill diba? And to meet more friends din." Pagpapatuloy niya

Marami namang nagbulungan, na keyso excited na daw sila sa magiging kagroupo nila from the other section, na kung sino kaya yun, kung ano kakantahin and so on.

"Quiet guys! So para hindi na kayo mahirapan ay ang magiging kagroupo niya an gang katabi niyo. Example, Erin and Daniel. They will be the two groupmate and I will pick one from the other section. Nagkakaintindihan ba?" tanong niya

"Team EriNiel!" tili ni Miles na ikinatawa ng ilang kaklase namin, nakakahiya talaga siya

At kami pa talaga ang example?! At kami pa ang magkagroupo?! OMG! Maraming napatingin saakin, yung mga babae nakatingin ng matalim na parang papatayin ako. Kasalanan ko 'bang ako yung katabi niya? Hindi ko rin naman 'to ginusto eh! Pero okay na rin na si Dan ang groupmate ko dahil singer naman siya at may self titled album pa! Oh diba? Sure na mataas ang grade ko at ng isa ko 'pang ka group!

"So now, we will be going to the music room. Isasama ko na rin yung kabilang section para makilala niyo na rin yung ibang kagroupmate niyo and makapagusap na tungkol sa kakantahin niyo." Sabi niya at pinapila na kami

Pagkarating namin sa music room, andoon na ang kabilang section. Nakita ko pa si Sian a kumaway saakin kaya kumaway din ako sakanaya. Umupo ako sa isang upuan doon at tumabi naman saakin si Dan, parang yung usual din naming seating arrangement sa classroom ang pagkakaarrage namin dito.

"So now, I will group you. Since alam niyo na kung sino ang magiging kagroup niyo from your section ay mas madali nalang ito. And naexplain ko na rin yung tungkol dito sa section b yung sa project. Now let's start grouping you guys." Sabi niya at nagsimula ng sabihin ang magkakagroupo

Hanggang sa kami na ang tinawag.

"Erin, Daniel and Grey." Sabi ni Ms. Zamora

At bigla nalang may nagtitiling babae, I mean sila Sia at Miles pala.

"Team EriNiel / GrIn!" sabay nilang sabi

At nakisama pa nga ang dalawang lalaki sa pagtawa at pagpalo kay Grey.

Ms. NBSB meets Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon