Chapter 1 : Meet Erin Freya Scott

1.4K 32 3
                                    

A/N

Hello guys! Thank you sa mga nagbasa :)) Promise, this story will be interesting!

Baka tamarin na kayo magbasa so enjoy reading!

===================================================

Ms. NBSB Meets Mr. NGSB

MNMMN

Chapter 1 : Meet Erin Freya Scott

Erin Freya POV

* TOK TOK TOK *

"Lady Erin, may bisita po kayo."

"Sige po manang. Pakisabi nalang po na pababa na ako."

"Okay po."

Tumayo na ako sa pagkakahiga sa kama ko at lumabas na ng kwarto.

I don't need to introduce myself, kasi kilala niyo naman na ako. Now back to the story, bumaba na ako at pumunta sa living room.

Pagkadating ko palang doon sinalubong na agad niya ako ng mahigpit na yakap.

"Eriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin !!!!!!!!!! I miss you, I miss you!"

Kilala ko yung boses na yun, tama! Si Miles! Yung dakila kong bestfriend.

"Hin---di ako makahing----a"

Kumalas na siya sa pagkakayakap saakin.

"Sorry Erin, namiss lang talaga kita."

"Ako rin naman eh. Kamusta ang bakasyon sa London?"

"Okay lang! Marami akong pasalubong sayo! Wait lang ipapapasok ko lang kay manong."

Tumayo na siya at lumapit sa driver niya aka si manong Jose. Pagkatapos ng ilang minuto, may dala-dala na siyang lagpas sampung paper bags.

"Ang dami naman niyan. Nag-abala ka pa talaga."

Ngumiti siya saakin tsaka umupo sa upuan na katapat ng inuupuan ko.

"So bakit ka pala nagpunta dito, iba pang dahilan maliban sa pagbigay saakin ng pasalubong mo?"

"Yep! Diba pasukan na bukas? Mamili tayo ng school supplies."

"Ay! Oo nga no. Muntik ko ng malimutan na pasukan na bukas. Huling araw na pala ng bakasyon ngayon. Sulitin na natin."

"So payag kana?"

Tumango ako at ngumiti. Hinila niya ako patayo at dinala papunta sa kwarto ko.

"Magbihis kana. Umalis tayo agad para marami tayong oras maglibot."

"Sige. Ano kayang pwedeng suotin?"

Pumunta ako sa walk-in closet ko at tumingin ng pwedeng suotin.

Pagkatapos ng ASDFGHJKL years, nakapili narin ako ng susuotin. Pink jumpsuit, white t-shirt na panloob, sneakers at headband na floral.

Since nakaligo na ako kanina, nagbihis na ako.

"Hay nako Erin, sobrang childish mo naman mamili ng damit. Jumpsuit?! Psh..."

"Ang cute kaya! *pouts*"

"Oo na nga! Ang cute-cute talaga ng bestfriend ko!" pinisil niya yung magkabilang pisngi ko.

"Ang chakee----t"

Ms. NBSB meets Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon